ღ Chapter 34 ღ - AshIv Moments: HONEY?!?

139 7 2
                                    

Ashley’s P.O.V

Naiwan pa ring akong nakatunganga dito pagkatapos ng mga sinabi ni Ivan. Ewan ko ba! Parang ayaw makiayon sa akin nung sistema ko eh! Sabi ng utak ko “Gumalaw ka! Tanga!” sabi naman nung katawan kong ayaw maki-cooperate sa utak ko “Ayaw ko nga! Boss ba kita?”. Oh dabuh? Antanga lang? -_- Nabalik ulit ako sa katinuan nang marinig kong may sumigaw…

“HOY!!! ANO BA, ASH?!? WALA KA BANG BALAK GUMALAW DYAN?!?” sigaw ni Ivan. Nakita ko namang medyo may kalayuan na rin siya sa akin at nakatingin siya sa akin ngayon with his usual kunot face. Syempre! Dahil nagulat ako napatakbo kaagad ako papalapit sa kanya. Nung katabi ko na si Ivan ay agad na kaming nagsimula ulit sa paglalakad.

“Tsk… Ang bagal talaga kahit kelan!” narinig kong bulong ulit ni Ivan pero mas pinili ko na lang na hindi pansinin yun kasi nga wala pa rin ako sa sarili. Iniisip ko pa rin kasi kung ano yung naramdaman ko kanina. Ang weird lang talaga kasi eh…

Eh ano naman ngayon kung ayaw niya sa akin? Matagal ko na namang alam yun eh! In fact, ayaw ko rin naman sa kanya! So, the feeling is mutual lang di ba? Parehas lang kami na nakakaramdam ng inis sa isa’t isa. Parehas namin ayaw ang isa’t isa. Eh ano yung naramdaman ko kanina? Arrggghh!!! Hindi ko na alam! >_< Siguro, nasaktan lang ako kasi akala ko kahit papaano nagugustuhan niya na rin ako… bilang kaibigan? Ano ba, Ash! Tama na! Ayoko ng isipin! Wapakels na lang ako! Ayaw niya sakin? Eh di ayaw ko rin sa kanya! Tapos ang usapan! Kailangan ma-divert ang atensyon ko para naman matigil na yung pag-iisip ko ng kung anu-ano! Inhale! Exhale! Whooooo! Make the bad thoughts go away! Let the happy thoughts in! Breathe in! Breathe out! Talon-talon! Shake, shake, shake! Galaw-galaw! Alog-alog ng ulo! Pukpok ng konti sa right side ng ulo tapos yung left side naman! Padyak padyak ng-

“Oy! Anong ginagawa mo dyan, Ash?” nagulat ako nang biglang magsalita si Ivan. Napatingin naman ako sa kanya at nakakunot ang noo niya. Teka… Ginagawa ko na ba lahat ng mga naiisip ko kanina? Ay! Tangna! Nakakahiya! >_< Napakamot naman ako sa ulo at tumawa ng peke.

“Ah… eh… W-wala… Wala a-akong g-ginagawa… Wag mo n-na akong i-intindihin…” sabi ko na lang kay Ivan tapos tumawa ulit ako ng peke. Hindi niya pa rin maalis yung titig niya sa akin at naka-kunot pa rin yung noo niya. Pero maya-maya lamang napalitan yung kunot ng noo ni Ivan ng mapangiti siya. Nabigla naman ako sa pagngiti niya. Eto ang nakakaasar dito kay Ivan eh! Minsan na nga lang ngumiti pa-bigla bigla naman! Nagising na lang yung diwa ko ulit nang maramdaman kong may umakbay sa akin at pagtingala ko ay si Ivan pala yun. Ginulo din ni Ivan yung buhok ko tapos ay sinabing…

“Wag kang masyadong maging cute… Nagmumukha ka ng tanga minsan…” bulong sa akin ni Ivan nang naka-ngiti pa rin. Namula tuloy ako sa sinabi niya kasi sadya namang nakakahiya talaga yung mga pinagagawa ko! >/////< Napatawa naman ng mahina si Ivan tapos kinurot ako sa ilong. Ang dami pa namang tao! Tumungo na lang ako para matago yung mukha ko na pulang-pula na sa kahihiya. Nandito na nga pala kami sa tapat ng National Bookstore kung saan doon ko pala nagawa yung mga shake, shake, shake at alog-alog ulo ko kanina! Aish! Nakakahiya talaga! Pasensya naman! Nadala lang kasi ako noh! Hindi ko na nga iisipin yung pang-pakalma exercise na yun kahit kelan! Mas lalo na kapag nasa public place pa ako! >_< Pero ang ikinapula talaga ng pisngi ko ay yung sinabi ni Ivan na cute daw ako… Although, matagal ko ng alam yun! xD Kaya lang tanggap ko na sana yung cute may napasa lang na tanga. -_-

Pumasok na kami ni Ivan sa National Bookstore at naglibot-libot na kami para maghanap ng mga kailangan naming bilhin. Kaya lang nawala sa isip ko na kanina pa nga pala naka-akbay sa akin si Ivan kasi nga hindi pa rin nawawala yung pagka-hiya ko sa mga ginawa ko kanina. Malamang sa malamang ang iniisip na nung ibang tao nung makita nila ako ay… “Mga kabataan talaga ngayon! Kung anu-ano na ang nahihithit!”. Naalala ko na lang na naka-akbay nga pa rin pala sa akin si Ivan nang may marinig akong bulungan ng mga babae habang namimili kami ng mga materials na kailangan namin…

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now