ღ Chapter 32 ღ - Walang Iba...

183 6 7
                                    

Ashley’s P.O.V

Pagkatapos ng mga sinabi kanina ni Ivan ay wala nang nagsalita pa sa amin. Parehas na lang kaming natahimik at natuod sa mga kinatatayuan namin. Nakatitig pa rin kami sa isa’t isa at parehas na hindi makapaniwala sa mga nangyari. Nabigla din siguro si Ivan sa mga sinabi niya. Siguro mga sampung minuto lang ata kaming natigilan dun at wala yata kaming balak gumalaw o magsalita man lang. At dahil mainipin akong tao at mukha namang walang balak na magsalita si Ivan ay nagsalita na rin ako…

“Naka-shabu ka noh?” mahina at nahihiya kong tanong kay Ivan. Si Ivan naman nagulat yata na nagsalita na rin ako. Pero mas ikinagulat niya ata yung tanong ko.

“Huh? Anong sabi mo?” takang-taka na tanong ni Ivan sa akin na nakakunot pa ang noo. Leche! Hirap talangang makipag-usap sa isang taong bingi! -_-

“Ang sabi ko! Naka-shabu ka noh?!? Bingi neto!” sigaw ko kay Ivan. Ngayon alam ko na kung bakit lagi dapat kaming naka-sigaw… Hindi kasi kami magkakarinigan kung mahina lang ang boses namin! Ang bingi kasi ni Ivan eh! Nasapo na lang ni Ivan yung noo niya.

“Pota lang naman, Ash! Nagawa mo pa talagang magbiro?!? Mukha ba akong nakikipaglokohan sayo dito?!?” sigaw naman ngayon ni Ivan. Oo! Mukha talaga siyang nagbibiro kasi isang napaka-laking JOKE naman talaga ng MUKHA niya eh! Hahaha!

“Eh kasi naman eh!!! Kung anu-ano ng pinagsasasabi mo! Hindi mo ba alam na kinikilabutan na ako dito?!?” sigaw ko naman kay Ivan. Napahilamos ulit si Ivan sa mukha.

“Putangina naman oh! Ano ka ba naman, Ash?!? Seryoso ako sa mga sinabi ko kanina! Walang halong joke yun! Wala rin yung halong shabu katulad nung iniisip mo! Kasi naman nag-aalala talaga-“ hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin ni Ivan kasi ayoko ng marinig pa ulit yun galing sa kanya. Masisisi niyo ba kung naghaharumentado yung puso ko kapag naiisip kong nag-aalala ang isang Ivan Reyes sa akin?!? Hindi naman siguro di ba?!?

“Oo na! Oo na! Gets ko na, okay?!? Hindi mo na kailangang ulitin pa! Tara na nga lang!” pag-iiba ko na lang ng topic at nagsimula na akong maglakad para maka-punta na kami sa kotse nitong mokong na to!

“Tara saan?!?” pagtatanong ni Ivan. Kaya naman napalingon ulit ako sa kanya at nakita kong nakaharap na pala siya sa akin at takang-taka ulit siya. Bopols din nito minsan eh! Bingi na nga! Bopols pa! Oh di ba! Saan ka pa?!? -_-

“Sa kotse mo malamang! Di ba nga ihahatid mo pa ako sa amin?!?” pagpapaalala ko kay Ivan. Napangisi naman si Ivan dun sa sinabi ko. Ayos na din to! Libre pamasahe!

“Oh?!? Ano na?!? Wala ka bang balak maglakad?!? Saan ba kasi kotse mo?!?” tanong ko kay Ivan na may halong pagka-inip na. Ang tagal kasing kumilos eh! Lagot ako nito kay Aaron pag uwi ko eh! Naglakad na rin si Ivan kaya naman sinabayan ko na siya.

“Kasi naman nangunguna sa paglalakad di naman pala alam kung saan…” narinig kong bulong ni Ivan kaya naman inirapan ko na lang siya at hindi na lang siya pinansin.

“Aayaw-ayaw pa papayag din naman pala siyang magpahatid… Pakipot pa…” bulong pa ulit ni Ivan. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakatingin pala siya sa akin habang nakangising nang-aasar pa.

“Tse! Bwiset to!” sigaw ko kay Ivan tapos ay tumawa lang siya. Buti naman ay hindi na niya ako inasar pa pagkatapos! Maya-maya lamang ay narating na rin namin kung saan naka-park yung kotse niya. At kaagad ng sumakay si Ivan doon sa driver’s seat nang hindi man lang ako hinihintay na sumakay. Nakatayo lang ako doon at hindi malaman kung anong gagawin. Hindi man lang niya ba ako pagbubuksan ng pinto ng sasakyan? Bigla namang binaba ni Ivan yung bintana nung sasakyan at tiningnan ako ng masama…

“Wala ka bang balak sumukay ha?!? Pucha! Bilisan mo na nga! Ayoko ng pinaghihintay ako!” sigaw ni Ivan tapos ay sinara na ulit yung bintana niya. -_- Sabi ko nga eh si Ivan Reyes yan at wala talaga yang bahid ng pagka-gentleman sa katawan! Psh! -_- Sumakay na ako sa kotse ni Ivan. Mahirap na noh! Masigawan pa ulit ako nitong demonyo na ito! Pagkasakay na pagkasakay ko ay hinanap ko kaagad yung seatbelt para maikabit ko na yun. Kaya lang may lahi yata akong taga-bundok at hindi ko siya mahila ng maayos -_- Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Ivan sa harapan ko at tinulungan na niya ako sa paghila nung seatbelt ko…

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now