ღ Chapter 3 ღ - Revenge Not-So Sweet...

471 16 3
                                    

Hello!!! Dinedicate ko ang chapter na ito kay Jze1812 kasi siya ang pinaka-unang nag-comment at nag-appreciate sa story ko so... yun lang! Natuwa lang ako XD Kung nababsa mo ito Jze1812... thanks ulit na maraming marami!!! <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley's P.O.V

TUESDAY

Mwahahahahahaha! Excited na ako pumasok kasi nga I planned on giving Ivan a little sweet revenge. So ito na nga ang plano namin... si Ivan kasi kahit pa sabihin mong napakayabang niyan at napakasiga ay may kahinaan pa rin yan at ang kahinaan niya ay... drumroll please... PALAKA! Sa lahat ayaw na ayaw niya ng palaka! Paano ko nalaman?!? Kasi nung 1st year high school pa lang kami, may experiment kami sa science at ang kailangan naming idisect ay isang... PALAKA!!! Kaya ayun umabsent siya nung araw na yun at tsaka nasabi rin naman samin ni Will na takot nga talaga si Ivan sa palaka so ayun kaya namin nalaman. Anyways... balik tayo dun sa plano. Ang plano kasi namin ay lalagyan namin ng mga palaka yung loob ng locker niya para pagbukas niya may surprise! Hahahahahaha! At syempre pagmamasdan ko siya habang bubuksan niya yung locker niya na may hawak na camera para na rin may remembrance ako no! Kaya nga pumasok na kami ng maaga ng mga barkada ko para mailagay yung palaka sa locker niya. Siguro nagtataka kayo kung paano namin mabubuksan yung locker niya no?!? Well... ganito kasi yan si Beth kasi isa siya sa mga student assistant sa guidance office eh sa guidance office kasi nandun yung mga spare keys ng lahat ng locker dito sa buong school in case mawala yung susi niyo sa locker niyo so... dahil isa si Beth sa mga student assistant ng school pwedeng pwede siyang pumasok sa guidance office para makakuha ng isang spare key sa locker ni Ivan. Pagkatapos ng makuha ni Beth yung susi agad na kaming pumunta dun sa locker niya, maaga pa naman kaya wala pa masyadong estudyante kaya nalagyan namin yung locker niya ng mga palaka ng matiwasay.

"Ayan! It's all settled!" sigaw ko habang naglalakad na palayo dun sa locker niya.

"I am soo excited sa mga susunod na pangyayari!" sigaw ni Chelsea. Totoo sobra siyang excited at hindi siya mapakali mas mukhang excited pa nga siya sa akin eh...

"Ash... sigurado ka na ba na gagawin mo talaga to?!?" tanong sa akin ni Beth na may halong pag-aalala.

"Oo naman Beth! Naandito na ako eh! Aatras pa ba ako?" sabi ko sa kanya. Siguro natatakot yan kasi baka ma-detention ako pero okay lang yun kasi minsan lang naman ako makaganti dun sa mokong na yun eh! At saka hindi naman ako magtatagal sa guidance office kung made-detention ako kasi may alas naman ako eh at si Beth yun, remember student assistant siya sa guidance office.

"Pero Ash... hindi ka ba nakokonsensya sa gagawin mo?" tanong niya ulit sa akin. Ako?!? Makokonsensya?!? Para dun sa mokong na yun?!? No way! Kahit kailan hindi siya nakokonsensya kapag ako ang pinagtitripan niya tapos ako pa ngayon ang makokonsensya?!? Mukha niya! Na panget!

"Beth naman! Isang beses ko lang naman ito gagawin eh... samantalang siya ilang beses na niya ako pinahiya simula grade school pero ni minsan ba nag-sorry siya?!? Huh?" napa-sigaw na ako.

"Oo nga... at naiinis ka kasi lagi ka niyang pinapahiya at hindi man lang nakokonsensya di ba? Tapos ngayon gagawin mo din yun sa kanya? Eh di wala din kayong pinagkaiba." sabi ni Beth. Natigilan ako sa sinabi niya kasi may point naman siya pero kahit na no! Siya ay isang taong walang puso! Wala siyang puso!

"Alam mo Ash... may point si Beth." biglang nagsalita si Kath.

"Oo nga Ash." sabi ni Aria.

"Itigil na natin to!" sigaw ni Dana. Haayss... nakokonsensya na nga ako! Badtrip! Kung bakit naman kasi ang bait ko masyado...

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon