ღ Chapter 29 ღ - MAGULONG PAGKAKAIBIGAN NAMING BARKADA!!! =_=

199 7 4
                                    

SADAKOOOOO!!!!! DEDICATED SAYO TOOOO!!! HAHAHAHA!! Alam mo namang ako lang ang nag-iisang Dora The Explorer ng buhay mo! Pasensya na kung napasarap ang paglalakbay ko at nawala pa ako dun kaya natagalan yung pagbabalik ko! Wag kang mag-alala! May pasalubong ako sayo! Hahahahaha! Continue to scare people, Sadako! Basta wag lang ako yung tatakutin mo! Sa susunod kong adventure isasama na kita! The Adventures of Sadako and Dora ang title nun! XD Labyu Sadakooo!!! ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Will’s P.O.V

Nakita ko si Ash at Ivan na nag-uusap doon sa isang sulok at mukhang seryoso ata yung pinag-uusapan nila. Kanina ko pa sila tinitingnan doon nang biglang nakita kong masyadong ng malapit yung mukha nila sa isa’t isa kaya naman di na ako nakapag-pigil pa at sinigaw ko na ang pangalan ni Ash…

“ASH!!!!!!!” sigaw ko kaya naman napaalis yung titig ni Ash kay Ivan at lumingon siya sa akin. Pagkalingon niya ay agad ko siyang kinawayan at nginitian. Napansin ko naman na para bang nainis si Ivan sa ginawa ko pero mas pinili na lang niyang tumingin sa ibang direksyon.

“Halika dito!!!! May ipapakita ako sayo!!!” sabi ko kay Ash.

“Saglit lang!!!! Pupunta na ako dyan!!!!” sabi naman ni Ash sa akin. Nakita kong parang medyo nag-usap pa sila ni Ivan pero kinalaunan ay lumapit na rin si Ash sa akin. Pero kita mo sa mukha niya na parang anlalim ng iniisip niya. Nasa tabi ko na siya pero parang anlayo-layo pa rin niya. Gulo ba? Di niyo gets? Wala ako sa mood iexplain eh! Hayaan niyo na lang! (Pfffft! Sows! TAMAD! ^_^v – Author) Sino ba yung nagta-type Author? (*zips mouth* ^_^v – Author) Tss… Eh di ayun na nga! Ang tagal ko ng nakatitig sa kanya pero di niya man lang yun napapansin. Nakatingin lang siya sa kawalan at nakakunot pa yung noo. Ako kaya ang iniisip nito? XD Hahahaha! Sira ulo! Asa pa ako!

“Huy! Ash! Okay ka lang?” tanong ko kay Ash na mukhang natauhan naman sa ginawa ko. Napatingin tuloy si Ash sa akin.

“Huh? I’m sorry… May sinasabi ka ba, Will?” tanong ni Ash sakin. Ano kayang problema nito? Mukhang lutang na lutang siya eh…

“Wala naman akong sinasabi… Napansin ko lang na parang ang lalim ng iniisip mo kanina pa yan ah?” sabi ko kay Ash na nabigla naman dun sa sinabi ko. Naka-recover naman kaagad siya sa pagka-bigla tapos ngumiti na lang siya sa akin.

“Hehehe… Wala naman to! Hahaha! May iniisip lang ako pero di naman yun importante! Wag mo na akong alalahanin!” paliwanag ni Ash tapos ay ngmuti ulit siya. Tiningnan ko naman siyang mabuti. Magaling magpanggap si Ash na wala siyang problema mas lalo na kapag hindi mo pa naman siya lubos na kilala. Pero since kilalang-kilala ko na siya hindi na niya ako maloloko pa at alam kong may problema nga siya...

“Ash… Ayos ka lang ba talaga? Feeling ko kase-“ hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko kasi bigla na lang may pumutol sa akin…

“ASH!!!!!! IKAW NA ANG KAKANTA!!!!!!” sigaw ni Dana at Chelsea kaya naman lumingon si Ash sa kanila.

“Eh? Ako na?” nagtatakang tanong ni Ash kina Dana at Chelsea.

“May iba pa bang Ash dito bukod sayo?” pamimilosopo ni Dana kay Ash.

“O sige! Sige! Pupunta na ako dyan sa harapan! Saglit lang!” sabi ni Ash tapos tiningnan naman muna ako at nginitian.

“Will, punta na ako dun sa harapan ha? Kakanta na pala ako eh!” pagpaalam sakin ni Ash tapos pumunta na siya doon sa harapan. Sinundan ko naman ng tingin si Ash at nung makarating na siya doon sa harapan medyo nag-bangayan pa sila nina na Chelsea at Dana. Kaya naman iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at sa hindi sinasadyang pagkakataon naman ay nahagip ng mga mata ko si Ivan na nakatingin sa akin. Nakapagtitigan na rin ako sa kanya. Kulang na lang magpatayan kami ng tingin eh! Unang umiwas si Ivan pero ako nakatitig pa rin sa kanya. Hindi pwede… Yun lang ang alam ko… Hindi pwedeng magkagusto si Ivan kay Ash… Mas lalo namang hindi pwedeng magkagusto si Ash kay Ivan! Akin lang si Ash! Hindi ko pa man din siya naangkin ng totoo talaga pero malapit na. Darating na rin yung araw na maipagdadamot ko na talaga siya… At hinding-hindi ko na hahayaan pa na makuha siya ng iba…

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ