ღ Chapter 4 ღ - Tagu-taguan... Ng Ano? Ng Feelings?

420 11 4
                                    

CHEY!!!!!!!!!!!!!!!!! MY ONE AND ONLY SOULMATE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! HULAAN MO KUNG SINO ITO?!?!?!?!?!!?! Hahahahahahahahaha!!! Siguro naman kilala mo na ako no?!? Kung hindi pa... ANG SHUNGA MO! Ako ito... ang napaka-ganda, napaka-bait at napaka-talinong soulmate. Pero... kung nakilala mo na ako... Mas mabuti yun! Eto na yung story na matagal mo ng gustong malaman pero hindi ko pinapakita sayo :) Sabi ko naman sayo eh... Ipapakita ko rin siya sayo! Hoy! I-update mo na nga pala yung story mong Guardian of Sweets! Ang tagal mo ng hindi nag-uupdate eh... Basahin mo itong story ko ha! Kung hindi malalagot ka sa akin! ALABYU SOULMATE!!! Ayyiiieeee..... Kinilig ka no? Hahahahahahaha!!! XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Will's P.O.V

Yehey! My chance to shine naman! Bago ang lahat... Ako nga pala si Will Ocampo, best friend ni Ivan. Friendly ako sa lahat kahit sa babae hindi ako katulad ni Ivan na suplado. Sikat din naman ako sa school pero mas sikat talaga ang best friend ko at hindi naman ako naiingit dun. Okay na siguro yung pagpapakilala ko no! Hindi kasi ako magaling magpakilala eh... Kaya hanggang dyan na lang muna ang sasabihin ko. Naglalakad ako ngayon papuntang principal's office kasi nga na-detention si Ivan at si Ash. Kasalanan kasi ni Ivan eh! Ang bait kong best friend no! Pero siya naman talaga ang may kasalanan... nadamay pa tuloy si Ash. Nagtataka talaga ako kung bakit ayaw na ayaw ni Ivan kay Ash kasi wala naman akong makitang panget o kaaayawan mo sa kanya... mabait siya, matalino, maganda, simple, hindi maarte, maganda, palakaibigan... Teka! Dalawang beses ko ba nasabi yung maganda?!? Oo, inaamin ko may crush ako kay Ash... sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya! Eh... lahat yata ng katangian na gusto ko sa isang babae eh nasa kanya na... Uy! Pero secret lang natin na may gusto ako sa kanya ha? Wala kasing nakakaalam nun kahit nga si Ivan hindi yun alam eh... syempre ayoko pang sabihin sa kanya kasi nga hate niya si Ash. So... ayun na nga naglalakad ako ng makita ko na din si Ivan.

"Ivan!!!" sigaw ko. Lumingon naman si Ivan at naglakad ako papunta sa kanya. Napansin ko kaagad na ang laki ng ngiti ni Ivan yung para bang nagsasabi na meron siyang nagawa na maganda sa paningin niya. Iba ang kutob ko dito...

"Bakit parang ang saya mo naman ata?" pagtatanong ko sa kanya. Pakiramdam ko talaga iba to...

"Di ba balak nung babaeng yun ang gantihan ako pero imbis na yun ang nangyari ako pa ang nakaganti sa kanya pabalik." sabi ni Ivan. Ibig sabihin ba nung ganti as in pinagtripan na naman niya si Ash?!? Alam ko kasi na lagi niyang pinagtitripan si Ash simula bata pa lang kami kaya ngayon sinasabihan ko na siya na tigil-tigilan naman niya si Ash kasi wala namang ginagawang masama yung tao sa kanya at saka syempre concerned din naman ako sa kanya.

"Ivan! Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo kay Ash ha?!?" sigaw ko sa kanya. Nag-aalala na tuloy talaga ako kanina pa nga lang alalang-alala na ako eh ngayon pa kaya...

"Relax lang pare... ganito kasi yun..." at kinuwento na nga sa akin ni Ivan yung nangyari hindi na ulit tinype ni author yung naging usapan namin kasi tamad siya... (Oo na! Tanggap ko na! - Author) Oppsss... Exit na ulit author... Bye sa susunod na lang ulit author! (HMP! *exit* -Author)

"Ahh... okay. Akala ko kung nangyari sa kanya eh..." sabi ko pagkatapos niyang mag-kwento. Buti na lang talaga walang nangyaring masama sa kanya.

"Pare..." tawag sa akin ni Ivan.

"Ano yun?" tanong ko at lumingon sa kanya. Paglingon ko sa kanya ang seryoso ng mukha niya... si Ivan Reyes ba talaga tong nasa harap ko?!?

"May gusto ka ba kay Ashley?" tanong sa akin ni Ivan. Nanlaki naman ang mga mata ko at natigilan sa mga tinanong niya. Masyado na bang halata na may gusto ako sa kanya?!?

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now