ღ Chapter 20 ღ - This Must Be Love...

334 9 0
                                    

Will's P.O.V

Buset! Tangina! Pasensya na kayo kung nagmumura na ako... Nakakinis kasi eh! Alam niyo yung feeling na... Handang handa ka na tapos... naudlot pa! Ganun eh! Ang galing talaga tumaming ng Mommy ko! Da best eh! Bumaba na si Ash at ako naman naiwan dito sa treehouse na pinagsususuntok yung pader na kahoy. Hindi naman nagdugo yung kamay ko medyo namula lang. Pagkatapos kong ibuhos yung galit at inis ko bumaba na rin ako at pumasok na sa loob ng bahay para pumunta sa dining room. Si Ash yata nandun na sa dining room kasama si Mommy. Si Aaron at Josh naabutan kong pababa ng hagdanan na sigurado akong sa dining room din ang punta. Nang makita nila ako bigla naman silang lumapit sa akin.

"Ano na nangyari?!?" tanong ni Aaron at Josh ng sabay. Tumingin lang ako sa kanila at napa-buntong hininga.

"Wala eh..." sagot ko. Nagulat naman sila.

"Ano?!?" sigaw ni Aaron.

"Basted ka kuya?!?" sigaw naman ni Josh. OA naman mag-react tong mga to eh...

"Hindi! Hindi ko lang nasabi! Kung na-basted man ako eh di sana nagpapakamatay na ako ngayon!" sigaw ko.

"OA much pare..." pang-aasar ni Aaron. Kung makasabi na ang OA ko parang silang dalawa ni Josh hindi. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Chill! Pero seriously ano ba kasing nangyari?" tanong ni Aaron.

"Naduwag ka ba ulit kuya?" tanong naman ni Josh. Sunod-sunod na tanong ah!

"Hindi! Ready na ready na nga ako eh! Kaso..." sabi ko.

"Kaso ano?!?" sigaw ni Aaron at Josh.

"Kaso biglang sumigaw si Mommy na kakain na! Ayun tuloy di ko nasabi... naputol..." paliwanag ko sa kanila.

"Ahh..." sagot ni Aaron at Josh. Bwiset! Yun lang ang sagot nila?!? Haba-haba nung sinabi ko ah!

"Yun lang ang reaction niyo?!?" sigaw ko. Nagtinginan naman silang dalawa tapos nagtawanan. Anong nakakatawa sa sinabi ko?!? Bigla naman akong inakbayan ni Aaron.

"Wag kang mag-alala dahil hindi natuloy yung pag-amin mo iisa lang ang ibig sabihin nun..." sabi ni Aaron.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"Na hindi ngayon yung tamang panahon..." sagot ni Aaron.

"Eh kelan naman yung tamang panahon na yun?" tanong ko ulit.

"Kami na ang bahala dun, kuya. Di ba Kuya Aaron?" sabi ni Josh.

"Oo naman!" sabi ni Aaron at nag-apir silang dalawa. Parang sila na yung magkapatid ah...

"Di ba nga sabi namin kami ang bahala sayo ng kapatid mo." pagpapaliwanag ni Aaron.

"Marami pa kaming alam na "da moves" ni Kuya Aaron." sabi ni Josh na may matching "hip-hop yo!" pose. (Kung nagtataka kayo kung ano yung "hip-hop yo!" pose yun yung parang pose ng pang-hiphop... basta ganun! Hirap mag-explain eh! Katamad! Hindi ko kasi alam kung ano tawag dun kaya nag-imbento na lang ako... hehe... mabalik na tayo...)

"Hindi yata nauubusan to!" pagmamalaki ni Aaron. Natawa na lang ako sa kanila. Kaya naman pumunta na lang kaming tatlo sa dining room para kumain. Idadaan ko na lang sa kain tong inis na nararamdaman ko ngayon...

Ashley's P.O.V

Alam niyo yung salitang AWKWARD?!?

Ito yun eh!!!

Paano ba naman kasi habang kumakain kami walang nagsasalita sa amin. Parang lahat kami seryosong-seryoso sa pagkain. Ni hindi nga kami nagtitinginan eh... Basta lahat kami ang focus lang doon sa pagkaing aming kinakain. Naka-tungo nga lang ako kasi nasa harapan ko si Will. Hindi ko siya kayang makita kasi hanggang ngayon pakiramdam ko namumula pa rin ako. Ano ba kasi yung balak niyang sabihin?!? Nacu-curious tuloy ako! Ang hirap naman kumain ng nakayuko. Sumasakit na yung leeg ko eh. Bakit ba kasi ganito yung pwesto namin?!?

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now