ღ Chapter 23 ღ - Lecheng 5 Minutes! Bwiset Na Detention!

292 8 7
                                    

Ashley’s P.O.V

Kasalukayan kaming tumatakbo ngayong magkakabarkada sa hallway para lang makapunta sa classroom namin na nasa 3rd floor pa at 5 minutes na lang ay malelate na kami. Ang saya di ba? Kahit na hingal na hingal at pagod na pagod na kami go pa rin ng go! Sugod mga kapatid! Tayo ay magsama-sama! Iwagayway na ang bandera! Ayan tuloy… napakanta na ako! Bago ang pagkatagal-tagal na pagtakbo nakarating na rin kami sa tapat ng classroom at tumigil muna kami doon.

“Shit! Nandyan na si Mam Cruz!” sigaw ko ng pabulong sa kanila. Medyo narinig ko kasi yung boses ni Mam. Paano na yan? Late na kami! T_T

“Ano ng gagawin natin?” tanong ni Chelsea sa amin. Nagkatinginan naman kami at hindi malaman kung ano ang isasagot.

“Wag na lang kaya tayong pumasok?” biglang nagsalita si Ivan. Loko pala to eh! Palibhasa kasi walang pakialam sa grades niya! Binatukan naman siya ni Will.

“Ulol! Hindi natin yun pwedeng gawin no! Tamad mo kasi eh!” sabi ni Will kay Ivan.

“Nagsu-suggest lang!” inda ni Ivan kay Will.

“”Manahimik na nga kayo!” suway ko kay Ivan at Will. Kulet ng mga lahi eh! Kapag narinig kami ni Mam mas lalong malala yun!

“Ganito na lang… Ako na ang magbubukas ng pinto, okay? Magbilang kayo ng hanggang tatlo tapos bubuksan ko na yung pinto.” paliwanag ni Kath tapos pumwesto na siya doon sa may pinto at hinawakan na yung doorknob (Naks! Doorknob! BIG WORD!). Tumango naman si Kath na ibig niyang simulan na namin yung pagbibilang.

“1…

2…

3...” sabay-sabay naming bilang tapos binuksan na ni Kath yung pinto. Ayan na! Hindi na kami makakatakas pa! Lord, kayo na po ang bahala sa mga magulang ko! Wait lang… Ang OA ko yata! Hindi pala yata… OA talaga!

“Oh! Meron pala tayong mga late. Pasok kayo! Pasok!” sabi ni Mam Cruz sa amin kaya naman pumasok na kami. Hindi ko sinasadyang matulak si Ivan kasi natalisod ako ng konti kaya medyo natulak ko siya saktong nasa harapan ko pa naman siya.

“Ano ba Ash?!? Bakit ka ba nanunulak?!?” bulong sa akin ni Ivan ng pasigaw.

“Hindi ko naman sinasadya eh! Galit agad?!?” bulong ko naman kay Ivan ng pabalik.

“Lalampa-lampa kasi!” narinig kong bulong ni Ivan kaya naman siniko ko siya.

“Kapag bumulong ka naman.. Siguraduhin mo namang hindi ko maririnig!” bulong ko kay Ivan ng pasigaw. Bopols kasi eh! Kapag bumubulong hindi dapat rinig! Eh siya… bakit rinig?!?

“Ang ingay niyong dalawa eh!” pagsususway sa amin ni Dana.

“Siya kasi eh!” sabay naming turo ni Ivan sa isa’t isa tapos nagkatinginan.

“Gaya-gaya!” sabay ulit naming sinabi ni Ivan. Magsasalita pa lang sana ulit kami ng biglang may nagsalita.

“Ahem! Ahem!” sabi ni Mam Cruz kaya lahat kami napako ang atensyon sa kanya.

“Mam, we’re very sorry po dahil na-late po kami.” sabi ni Aria.

“Oo nga po, mam! Kasi po-“ hindi na natuloy yung pagpapaliwanag ni Kath kasi hindi na siya pinatapos ni Mam Cruz.

“Oops! Hindi ko kailangan ng explanation niyo. Ang point dito ay… Nalate kayo ng dating. Hindi… Anong dahilan kung bakit kayo nalate ng dating. Kuha niyo?” paliwanag ni Mam Cruz sa amin.

“Opo, mam!” sabay-sabay naming sinabi. Nakuu! Mukhang galit na galit yata talaga si Mam… Paano na yan? Maglalaslas na ba ako? Joke lang! Mahal ko pa buhay ko noh! Si Ivan na lang ang maglaslas mas masaya! Bwahahahaha! Ang sama ko! XD

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Onde histórias criam vida. Descubra agora