ღ Chapter 13 ღ - Tagu-taguan?!? Na Naman?!?

349 6 0
                                    

Dine-dedicate ko ang chapter na ito kay Ate Yam-Yam28!!! Super fan niya kasi ako. Favorite ko yung book niya na Girlfriend For Hire at Officialy His Girlfriend. Sana kung mababasa mo ito... Gusto ko lang sabihin na... Thank you kasi isa ka sa mga naging inspirasyon ko para mag-sulat ng kwento. Kaya... THANKS A LOT!!! AND LOVE YOU!!! God bless you na rin po at tsaka more power. At syempre naman po continue writing!!! Okay! Stop na ako dito. Masyado ng mahaba eh...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley's P.O.V

THURSDAY

Nandito lang kami sa classroom nagkukwentuhan wala pa kasi si Mam Cruz kaya sinusulit pa namin yung oras na wala siya. Nga pala kumpleto na ulit kami ngayon kasi pumasok na ulit si Beth at tsaka parang okay na naman si Kath ngayon.

"Ano nga kasi yung problema niyong dalawa?" pangungulit ni Chelsea. Kanina pa namin tinatanong si Beth at Kath kung ano ba yung problema nila pero hindi naman nila kami sinasagot.

"Wala nga kasi kaming problema..." sagot ni Kath.

"Kaya lang naman ako absent kahapon kasi nagkasakit ako eh..." pagpapaliwanag naman ni Beth.

"Sus! Ngayon pa kayo nagsinungaling sa amin..." sabi naman ni Dana. Nagtinginan naman si Kath at Beth.

"Hindi kaya kami nagsisinugaling!" sigaw ni Beth at Kath. Nagtinginan naman kaming lahat.

"Defensive masyado?!?" sigaw naming lahat kay Kath at Beth.

"Pero... alam niyo nagtatampo na ako sa inyong dalawa..." sabi naman ni Ana sabay nag-pout.

"Kasi hindi niyo na kami sinasabihan ng mga problema niyo..." dagdag pa ni Ana tapos umarteng parang umiiyak. Si Ana kasi ang pinaka-bunso sa aming lahat kaya may pagka-childish siya pero okay lang yun kasi siya rin naman ang pinaka-cute sa amin kaya nga kapag siya na ang nagtampo wala na sa amin ang makatanggi sa kanya.

"Halika nga dito!" sabi ni Beth at Kath. Kaya naman lumapit si Ana sa kanya at nag-group hug sila. Nagkatinginan naman kami.

"Kami hindi kasama?!?" sigaw naming lahat kay Kath, Ana at Beth.

"Sus! Selos agad..." sabi ni Kath.

"Hindi naman masyado..." sabi ko. Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay na nagsalita.

"Konti lang!" sigaw naming lahat sabay tawa.

"Group hug na nga tayo!" sigaw ko kaya nag-group hug na kami.

"Tama na nga to! Masyado na tayong madrama eh..." sabi ni Chelsea.

"Oo nga. Andami na ring uhog itong uniform ko gawa niyo..." sabi ko.

"Masyado ka naman!" sigaw nilang lahat kaya nagtawanan ulit kami. Ganito naman talaga kaming magkakabarkada... Dumaan man ang kahit anong bagyo sa amin hindi kami matitinag o masisira nito dahil lalo pa kaming pinapatibay nito. Tama na nga ang kadramahan! Nakakawala ng magandang beauty eh... kaso wala akong beauty... meron naman... konti lang! Habang nagkukwentuhan kami bigla na lang umakbay sa akin si Will at si Ivan ng sabay... as in sabay ha!

"Goodmorning Ash!!!" bati ni Will at Ivan. Astig rin tong dalawang to eh! Parang kabute lang... bigla bigla na lang nasulpot kung saan!

"Kailangan talaga sabay?!?" sigaw naming lahat.

"Mukhang masaya ang tropa ah..." sabi ni Will. Umupo si Will at Ivan sa tabi ko bale nasa gitna nila ako.

"Syempre naman! Reunited as one na ulit ang tropa eh..." sabi ni Chelsea.

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now