ღ Chapter 17 ღ - Sorry...

342 8 0
                                    

Ashley's P.O.V

Fastforward ko na kasi wala naman masyadong nangyari puro lessons lang at kung anu-ano pa. Hindi ako masyado makapag-focus kasi naiisip ko pa rin yung nangyari kanina. Ang dami talagang nangyayari kapag nagtatagu-taguan kami! Hindi na pumasok si Ivan sa lahat ng subjects namin kaya naman mas lalo akong nag-alala. Si Will naman matamlay pa rin at bakas pa rin sa kanya ang pagkalungkot. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin na uwian na pala. Naiwan kaming magkaka-barkada sa loob ng classroom.

"Paano na yan? Tuloy pa rin ba yung celebration natin?" tanong ni Chelsea na bumasag sa katahimikan namin. Napatingin naman kaming lahat kay Chelsea at tiningnan ang isa't isa.

"Sorry guys. Pero hindi muna ako makakasama." sabi ni Will kaya naman napatingin naman kami kay Will.

"Bakit naman?" tanong ni Beth.

"Marami pa akong gagawin eh..." palusot ni Will sabay ngiti. Alam kong palusot niya lang yun... Halata naman eh...

"Sige! Aalis na ako." dagdag pa ni Will at tuluyan ng lumabas ng classroom. Sinundan ko naman siya.

"Will!" tawag ko sa kanya at lumingon naman si Will.

"Ingat ka!" sigaw ko sabay ngiti kay Will. Ngumiti naman siya pabalik.

"Pupunta pa ako sa inyo ha!" sigaw ko pa ulit. Tumango lang siya at tuluyan ng naglakad paalis. Pumasok na ulit ako sa classroom at nakita ko naman sila na malulungkot lahat ang mukha.

"Ano ba naman yang mga mukha niyo! Lahat naka-busangot!" sigaw ko sa kanila nung pumasok ako. Tiningnan naman nila akong lahat.

"Ngumiti naman kayo! Hindi bagay sa inyo ang mag-drama!" sigaw ko. At unti-unti ay ngumi-ngiti na rin sila isa-isa.

"Ayun naman pala eh! Ngi-ngiti rin naman pala eh!" sigaw ko.

"Group hug naman tayo dyan!" kantyaw ko sa kanila at nag-group hug na kami. Kumalas na kami sa group hug namin at tiningnan ang isa't isa.

"Magiging maayos din ang lahat..." sabi ko sa kanila at ngumiti. Nagtinginan naman silang lahat at sabay na nagsalita.

"Oo nga!" sigaw nilang lahat.

"Kasi... Bukas na bukas din reunited as one na ulit tayo!" sigaw ni Chelsea.

"Dapat lang! Para matuloy na yung celebration natin!" sigaw naman ni Aria. Buti na lang at nabuhayan na ulit sila ng loob. Bumalik na sila doon sa maingay na sila. Nagbabangayan na ulit eh! Habang nagbabangayan pa sila. Binalak ko munang tumakas para hanapin si Ivan. Saan ba pwedeng pumunta yung Ivan na yun? Hmmm... Kung ako kasi siya pupunta ako sa lugar kung saan wala masyadong tao... Ano bang part ng school ang wala masyadong tao? Aha! Alam ko na! Agad na akong tumakbo para pumunta sa garden ng school namin. Wala masyado dun tao kaya panigurado kung gusto niya mapag-isa doon yun pupunta. Nang makarating na ako sa garden agad ko siyang nakita na naka-upo sa bench. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya pa ako nakikita. Lumapit naman ako sa kanya at tinabihan siya. Nagulat naman siya nung makita niya ako.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka yata?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot dahil sa pagkagulat niya.

"Anong ginagawa mo dito sa garden? Di ba dapat nasa library ka na ngayon? Itu-tutor pa kita baka nakakalimutan mo!" sabi ko sa kanya. Hindi pa rin siya sumasagot at ngayon naman parang nagtataka siya.

"Ano?!? Titigan na lang ganon?!?" sabi ko. Tumingala na lang ako para pagmasdan ang langit. Nagulat naman ako ng bigla siyang magsalita.

"Bakit?" tanong ni Ivan sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now