ღ Chapter 30 ღ - NORMAL Na Ginagawa Ng ABNORMAL Sa Loob Ng Mall...

201 7 6
                                    

DIANA!!! ANG PINAKAMAGANDANG DILAG SA BALAT NG LUPA!!! KAYA LNG WALANG BALAT ANG LUPA SO HINDI PA RIN IKAW ANG PINAKAMAGANDA!!! XD HAHAHAHA! ANG BABAENG MAHAL NA MAHAL SI DANIEL PADILLA!!! SA SOBRANG PAGMAMAHAL MO SA KANYA... TINGIN MO SA SARILI MO ASAWA KA NA NIYA!! KAYA LANG WAG KA NG UMEPAL PA! TANDAAN MO! HANGGANG PANGARAP KA NA LANG SA KANYA! KAYA PAYO KO SAYO? MAG-MOVE KA NA! XD HAHAHAHA! RHYME YAN TEH! I LOVE YOU DIANA! MWAH MWAH TSUP TSUP! :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley’s P.O.V

Pagkatapos ang nakakataKYUT na pangyayari kanina sa pagkanta ni Ana… Eh naka-labas na rin naman kami doon sa KTV room!!! Sa wakas!!! Pagkatapos niya atang kantahin yung kanta ng 1234567890987654321 times eh napagod na rin siya… -_- Ansaya lang di ba? -_- Buti pa nga sila hindi nila naranasan yung naranasan ko eh! Mga walang kwentang kaibigan! Di man lang ako tinulungan! Psshh! -_- Heto na naman kami sa labas ng Quantum at nag-iisip kung saan na ba kami pupunta. At dahil nag-iisip pa naman kami kung anong susunod na gagawin ngayon naisipan muna naming maghanap ng table na mauupan namin sa food court. Nung makahanap na kami ay tahimik lang kaming nag-iisip kung ano pang pwede gawin… TAHIMIK? Maniwala naman kaya sa amin! Ganito lang naman ang naging usapan namin…

“Hmmm… Ano pa bang pwedeng gawin?” tanong ko sa kanilang lahat. Isa-isa naman silang nag-isip.

“Aha! Alam ko na!” sigaw ni Chelsea. Napatingin naman tuloy kami sa kanya.

“ANO?!? KUNG TUNGKOL SA PAGKAIN LANG YAN WAG NA LANG!!!” sigaw naming lahat kay Chelsea.

“Grabe naman kayo! Hindi naman puro pagkain lang ang nasa isip ko noh!” depensa ni Chelsea sa amin.

“NEKNEK MO!!! LOKOHIN MO LOLO MO!!!” sigaw pa ulit namin.

“Patay na lolo ko!!! Kapag kayo minulto nun eh!!!” sigaw namin ni Chelsea. Nagkatanginan naman kaming lahat at sabay-sabay na sinabing…

“Sumalangit nawa ang kaluluwa ng Lolo ni Chelsea…” sabi naming lahat habang nagsa-sign of the cross.

“ANO BA?!? WALA BA KAYONG BALAK ALAMIN KUNG ANO YUNG PLANO KO?!?” galit na sigaw ni Chelsea kaya naman nanahimik na lang kami.

“Good! Tatahimik din naman pala eh! So, ayun na nga! Naisipan kong pagtripan ang mga tao dito sa SM at paniwalain natin silang may sunog! Oh di ba? Ang ganda nung naisip ko!” pagmamayabang pa ni Chelsea. Nakatanggap siya ng batok sa aming lahat.

“Bakit niyo naman ako binatukan lahat?!? Hindi niyo ba nagustuhan yung plano ko?!?” reklamo ni Chelsea.

“Ayaw pa naming makulong noh!” sabi ko kay Chelsea.

“Masyadong delikado yung naisip mo…” sabi naman ni Kath.

“Gawin mo na lang mag-isa!” suggestion naman ni Ivan.

“Kaya nga! Dinadamay mo pa kami eh!” dagdag naman ni Dana. Nanahimik na lang si Chelsea at nag-cross arms. Pagkatapos nang ilang minutong katahimikan ay may nagsalita ulit sa amin… Si Ivan naman ngayon… Pustahan tayo walang katuturan yang sasabihin sa kanya!

“Eh… Kung tumae na lang kaya tayo dito sa SM?” pagsusuggest ni Ivan. -_- Sabi sa inyo! Walang katuturan lang din yan eh! At syempre ano pa nga ba? Nakatanggap din siya ng batok sa aming lahat.

“Mas may sense naman yung akin kumpara dun kay Ivan!” reklamo ni Chelsea.

“Kung anu-ano ng lumalabas dyan sa bibig mo at naiisip mo!” sabi ni Aria.

“Saan mo napupulot yang mga pinagsasasabi mo, pre?” komento naman ni Will habang nailing pa.

“Saan ko napulot? Dyan lang… Sa tabi-tabi… Dun sa may kanto…” pabalang na sagot ni Ivan kay Will.

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum