ღ Chapter 24 ღ - Tatakas Kami!!! Ano Yun? Parang Takas Lang Sa Mental? Ganun? XD

275 8 16
                                    

Dedicated sa aking NAPAKA-GWAPONG KUYA!!! Oha! Gwapo na yan ha? xD Tinawag mo kasi akong napaka-gandang bunso eh! Sa kauna-unahang pagkakataon! XD At tsaka... Kainis ka! Di pa ako nababalitaan tungkol sa lablayp mo! Kailangan ko pang husgasan yung babae kung pwede ng gerlpren mo! Basta pag naabutan kitang online... Tatadtarin kita ng tanong! Iinterviewhin kita! Hahahahaha!! Kaya naman... Maghanda ka na ha? Nga pala... MISS YOU NA KUYA!!!! LABYU NA RIN!!!! ^_^

From your loving bunso!!! <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ashley’s P.O.V

Ayan! Imbis na nasa SM kami ngayon at nagpapakasaya… Nandito kami ngayon sa classroom namin at ang mga mukha ay parang pinagsukbulan ng langit at lupa!

“Ano ng gagawin natin?” biglang nagsalita si Ana na nakapagbabasag ng katahimikan namin.

“Pakamatay ka para masaya…” sagot ni Ivan. Kaya naman binato ko siya ng chalk. Ang sama tuloy ng tingin sa akin. Nandito kasi ako tapat ng board at binubura yung mga naka-sulat. Ang tatamad kasi nung mga naka-assign na cleaners ngayon eh! Kaya ako na lang ang nag-bura tutal mabait naman ako eh! Naks! MABAIT daw eh noh?

“Alam mo kung wala kang magandang sasabihin. Mabuti pang manahimik ka na lang!” sabi ko kay Ivan. Hindi kasi nakakatulong eh!

“Ano ba Ash?!? Kung maka-bato naman to ng chalk! Bakit inggit ka sa kanya? Gusto mo rin bang magpakamatay ha? Sige lang! Susuportahan pa kita eh!” sabi sa akin ni Ivan. Bwiset to ah! -_-

“Bakit naman ako maiingit, aber?!? At tsaka kung papatayin ko man yung sarili ko! Mas maiisip ko na ikaw na lang yung patayin! Para MAS masaya talaga!” sigaw ko.

“Gusto mo akong patayin? Ahh… Kasi baka naman PATAY na PATAY ka sa akin! Wohoo! Alam ko namang gwapo ako eh… Pero wag mo namang ipahalatang gwapong-gwapo ka sa kagwapuhan ko.” sabi ni Ivan habang naka-ngisi pa. Arrggh! Nakakairita! Ang sarap sabunutan!!! Kainis! Sisigaw pa sana ako kaya lang naunahan lang nila ako.

“ANG SAKIT NIYO SA ULO!!! PRAMIS!!!” sigaw nilang lahat sa aming dalawa ni Ivan kaya nanahimik na lang kami. Maya-maya lamang biglang nagsalita si Chelsea…

“Kung tumakas kaya tayo?” pagsusuggest ni Chelsea. Napatingin kaming lahat sa kanya tapos tiningnan ang isa’t isa. Kami? Tatakas? Hmmm…

“Magandang idea yan!!!” sigaw naming lahat bukod kay Kath at Ivan. Si Kath parang ayaw niya ng idea namin tapos si Ivan naman as usual walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.

“ANO?!? TAYO?!? TATAKAS?!? OK LANG BA KAYO?!?” sigaw ni Kath sa amin na halata mong galit na galit.

“OO!!! AYAW MO BA NUN?!?” sigaw naming lahat kay Kath bukod lang kay Ivan na hanggang ngayon wala pa ring pakialam.

“May sira ba kayo sa utak lahat ha?!? Alam niyo naman na hindi pwedeng gawin yun!” sermon sa amin ni Kath.

“Kath, ano ka ba! Wala namang masama kung sususbukan natin di ba?” pangungumbinsi ni Aria kay Kath.

“Anong walang masama kung susubukan?!? Masama nga kapag sinubukan natin eh!” sigaw ni Kath. Hay nako! Palibhasa kasi takot si Kath na mapagalitan ng teacher. Ayaw niyang nagkakaroon ng bad record. Actually, ito na yata ang pinaka-unang beses na na-detention siya sa buong buhay niya. Eh samantalang kami sanay sa mga ganito palibhasa kasi matitigas ang ulo kahit kailan hindi na natuto.

“Ang KJ mo naman Kath eh! Okay lang yan noh! Basta ang mahalaga magkakasama tayong barkada.” pagpupumilit ni Ana.

“Oo nga naman! Walang iwanan mga tol!” pagsang-ayon ni Will. Mukhang konti na lang papayag na rin tong si Kath… Konting push na lang!

My First... Enemy?!? [UNDER REVISION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن