"Ricco..." Mula sa aking likod ay inabot ko sa kanya ang isa pang baril.

"Napakasama mo!" I tried changing our positions. I encircled my left arm on her neck. Kumasa ang mga armadong lalaki. Ngumisi ako. "Shoot me and I'll shoot her!" Itinutok ko ang baril sa sentido ni Carina. "Wag niyo akong susubukan!" Mas diniin ko ang baril sa kanyang sentido. Ramdam ko ang kaba niya ngayon. "Padaanin niyo si Ricco!" Nag-aalangang maglakad palabas si Ricco. "Go on! Ricco you have to leave me now, trust me this one." Ngumiti ako sa kanya.

"Pero Belle..." Umiling ako at sumenyas na umalis na siya.

"Go! Just go!" Nag-aalinlangan siyang umalis pero sa huli ay tumakbo rin siya palabas ng kubo. Nagsitabihan naman ang mga armadong lalaki sa daanan. "Now, drop those guns!" Utos ko sa kanila, kaya mas diniinan ko pa ang baril sa sentido ni Carina.

"You're not a killer...you can't do that. You just won't." Ani naman niya. Nagtatapang-tapangan. Ngumisi ako.

"Only if I'm Belle..." Tsaka ako ngumisi sa kanya. Tinitigan ko siya sa kanyang mukha, namumutawi ang takot dito. "Listen Carina...you don't know me, so you better tell your men to put down their guns now. Right now." Mariin kong binitawan ang mga salita para malaman niyang hindi ako natatakot.

"Rigor! Do something! Baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin!" Sa isang tabi ay hindi nakapagsalita si Mang Rigor, paulit-ulit lamang siyang bumubulong. "You are crazy!" Nainis ako sa tinuran niya patungkol kay Mang Rigor. Kasalanan niya ito, kasalanan niya kung bakit nagkaganyan si Mang Rigor, sigurado akong nilalason nito ang isipan niya. May sinenyas siya sa mga tauhan niya, namilog ang mga mata ko nang may kung ano silang in-inject kay Mang Rigor kaya nawalan agad ito ng malay.

What the hell! Anong ginawa niya? Shit. Nawala ako sa focus sa kanya kaya muntik na siyang makawala. "Put all your guns down. I won't think twice again to shoot her! I can just pull the trigger seconds from now." Matapang kong hinila si Carina palapit sa mga tauhan niya, napaatras ang mga ito. "Don't ever test my patience." Dagdag ko pa.

"Ibaba niyo yan! Ibaba niyo na! Follow her d-demands..." Nanginginig ang boses nitong utos sa mga tauhan niya. "Just put those damn guns down!" Agad nila itong sinunod.

"No one will follow us." Mariin kong sabi tsaka ko siya sinama palayo sa kanila. Nauubusan na rin ako ng lakas pero kaya ko pa naman. Nang masigurado ko nang nakalayo na kami mula sa kanila ay binitawan ko na siya. "You're behind all of these?" Nakahinga na siya nang maluwag at bahagyang lumayo sa akin.

Ngumisi siya. "Such a stupid act..." Napakunot ako ng noo. Agad kong itinutok sa kanya ang baril nang palibutan pa kami ng mga armadong lalaki. "Do you really think, maiisahan mo ako? You're still the Belle I know! Dapat ay pinatay mo na lang ako! Regretting it now huh?" Lalo lamang akong nainis sa kanya.

"If they shoot me, I'll shoot you!" Muli kong sabi kahit alam ko sa sarili kong nauubusan na ako ng lakas. Marahan itong lumapit sa akin, hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko. I'm good at this, no one will ever see me weak.

"You are not going to shoot me..." Paninigurado niya. "Bring him to me!" Napalingon ako sa tauhan niya na papalapit sa amin. In front of him was Steele on a wheelchair. Shit. "Love conquers everything right? Let's see..." Nag-angat ako ng tingin kay Steele.

He's in a weak state now.

"Why did you leave me? Why did you choose to leave me? I told you I'm gonna protect you! I told you I will always stay by your side." Napaawang ang bibig ko at kusang kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Steele..."I put my gun down. Alam ko sa sarili kong hindi ko magagawang lumaban kung buhay ni Steele ang kapalit. He accepted bullets for me already and that is something I can do for him also. Bahagya akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya, ang mga baril ay nakatutok pa rin sa akin. "Baby, I love you...I really do...but everything about us, it won't happen, it won't exist."

"Why are you saying that?!" Nagtutubig na rin ang kanyang mga mata. "We both knew since then, that I'm the one for you, you're the one for me. Zerina! Sa panaginip pa lang. Ikaw na ang mahal ko. Sa panaginip pa lang, araw-araw kong hiniling na maging totoo 'to!" Tears escaped from his eyes. "'Wag mo namang ipagkait ang bagay na araw-araw kong hinihiling noon. 'Wag ka naman matakot na sumugal para sa akin kasi kaya kong isugal lahat para sa'yo, I could just die loving you..." My heart melted. I just wanted to hug him right now and felt sorry for what I did.

"Baby, you're my everything now, please don't let me lose you." Aniya. Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko para mas lalong lumapit sa kanya. I cupped his face. I wiped his tears away.

"I'm sorry...I'm sorry...I won't---" Agad siyang hinila ni Carina palayo sa akin. "No! What do you want?" Humalakhak na naman ito na parang nababaliw.

"I'm not gonna let you be happy! Ikaw! Ikaw dapat yun! Hindi ang lalaking mahal na mahal ko... kasalanan mo 'to lahat! Ikaw ang dahilan kung bakit siya ang namatay. Ikaw ang pumatay sa kanya." Nanggagalaiti siya sa galit. "Gusto ko lang namang mawala ka sa buhay namin. Kasi hangga't nandiyan ka, hindi niya ako mamahalin nang buo! Naiintindihan mo ba? I love your father more than my life! I love him more than anything, but he can't love me back the same way I did. Bakit? Kasi nandiyan ka pa! Kasi buhay ka pa! Because you're still existing!" Kumawala na rin ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Okay fine! I killed my father! I did kill my father. I am the killer. Then kill me now!" Hinila ko ang tauhan niya at pilit itinutok sa ulo ko ang baril. "Pull that damn trigger and just let me die! Diba ako naman ang puno't-dulo ng lahat nang ito! Sana ako na lang ang namatay! Sana ako na lang!" I was about to pull the trigger nang hilahin ako ni Ricco.

"Zerina! You're not gonna die in this world. Why are you always choosing a way to leave me behind?" Tumayo si Steele, iika-ika siyang naglakad papalapit sa akin, hindi inaalintana ang mga baril na nakatutok sa amin.

"Be fair and man up! Ibaba niyo yang mga baril niyo! Ano?! Fight me without guns!" Isa-isang kinalaban ni Ricco ang mga tauhan ni Carina. Nakipagsuntukan siya kahit alam kong hindi niya kakayanin.

There's already an evidence of blood on his face.

"Ricco! Tama na please..." Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa isang tabi habang pinipigilan ako ni Steele na lumapit sa kanya. "Steele, I have to help him...h-hindi niya kakayanin." Umiling sa akin si Steele.

"I'm gonna help him." Napakunot ako ng noo.

"No...hindi pwede...I don't wanna lose you either." He held both of my cheeks. Hindi ko maialis ang paghikbi ko. Seryoso siyang tumitig sa akin.

"If today I will die, I will always be thankful...tulad mo, ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Not because you're the Belle everyone knows from here but because you are my one and only Zerina that I've been meeting in my dreams." Umiling-iling ako habang humihikbi. "Meeting you was God's plan, wishing for you to come to my world was God's answer to my prayers. And having you up to my last breath, meant that you're the only one for me God has allowed to." Dahan-dahang lumapat ang labi niya sa labi ko, kasabay nito ang pagpapatak ng luha mula sa kanyang mga mata niya.

"Mahal kita. Sobra. Let me protect you until I can, until I'm breathing." My tears just won't stop from falling. Paika-ika siyang nakipaglaban para matulungan si Ricco. Napatakip ako ng aking bibig. Hindi ko kayang panoorin silang ganito. I have to think of a way that could help them both...

But then there was a loud gunshot again.

---

3/4/18

To Your World [ Completed:2017 ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ