I need something that will bring back the time.

Clock? A watch?

I tried thinking of a watch that could bring the time back. I extended may hands and waited for a watch to appear. Nakita ito ni Ricco pero mukhang nasanay na siya na pwede nga ang ganito. "I wanted you to forget everything Ricco, lahat ng sinabi ko sa'yo. And just be reminded that I am from another world." Huminga ako ng malalim at in-adjust ang oras sa relo. It says past 11 in the evening, inisip ko kung anong oras kami nag-usap tungkol doon...that's probably around 9.

I adjusted it at 9...umikot ang paligid at tila hinihila kaming dalawa pabalik, nakita ko kung paano bumalik sa oras na nag-uusap kami tungkol doon. Napapikit ako at pagkamulat ko ay napahugot ako ng malalim na paghinga. "Then who are you miss?" I remembered the same question from earlier. Sinagot ko ulit siya pero hindi na ang buong detalye. He deserves to stay alive.

"I'm from another world different from yours..." With that we remained both silent, hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala akong nakasandal sa balikat niya. "Sorry..." I slightly move away from him. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.

Sabay kaming napataas ng tingin dahil sa biglaang pagbukas ng pinto nitong kubo na gawa rin sa nipa. Pareho kaming nagkatinginan sandali at tila bumagal ang takbo ng oras.

Si Mang Rigor! "Sinasabi ko na nga ba at hindi ka nadalang bata ka! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na layuan mo na siya. Wag kang magpakatanga! Hindi siya ang babaeng para sa'yo!" Sigaw nito kasabay nang panlilisik ng kanyan mga mata.

Hindi ako makapaniwala sa inaasta ngayon ni Mang Rigor. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya. "Mamamatay ka Belle!" Mabilisan niya akong sinugod mabuti na lamang at naharangan agad ako ni Ricco mula sa kanya.

"Pa! Gising! Hindi ikaw yan! We both knew you don't want this!" Ani Ricco sa nagmamakaawang tono ng boses, nanginginig ang labi ko, gusto ko ring magsalita.

"H-Hindi ikaw yan Mang Rigor!" Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Unti-unting lumalambot ang expression ng kanyang mukha. "I treat you like my own father. You won't let me die. Hindi mo ako hahayaang mamatay." Dahan-dahan itong umatras palayo sa amin.

"Hindi." Naging matigas muli ang tono ng kanyang boses. "Tama ito. Tama lahat nang ito." Paulit-ulit siya sa kanyang sinasabi. Para siyang mababaliw. Napahawak siya sa kanyang ulo samantalang sabay kaming napaatras ni Ricco, nahila ko ang laylayan ng t-shirt niya. "Dapat kang mamatay! Dapat kang mamatay! Namatay ang asawa ko! Dapat ka ring mamatay!" Hindi ko alam kung saan ito nanggaling at kung bakit nasasabi niya ito ngayon sa akin.

"Pa! Hindi niya kasalanan ang pagkamatay ni mama! Wala siyang kasalanan! Pa! Gumising ka na..." Pero tila naging sarado na naman ang isipan ni Mang Rigor. "This is not you! You know this is not you!" Umiling-iling si Mang Rigor.

"Wow! Son versus his father. Nice scene to watch!" Pumalakpak pa si Tita Carina, sa likod niya ay mga armadong lalaki. Lalo lamang nananaig ang kaba sa aking dibdib. "Get her!" Utos nito sa mga armadong lalaki. Napaatras na naman ako, pero wala na talaga akong maatrasan pa.

"M-mommy C-Carina..." Mas lalo lamang siyang humagalpak sa pagtawa. She raised her right eyebrow while smirking.

"Stop! God. Don't you dare call me that way again. Kinikilabutan ako sa'yo Belle!" Siya na mismo ang lumapit sa akin at mariing hinila ang buhok ko. "Sa tingin mo kaya ko pang makipagplastikan sa'yo? Bakit ba pinatagal ko pa ang pagpatay sa'yo!" I knew it. I shouldn't have trusted that she changed for the better. She's still the same Carina from the story.

People will either change for good or worst. She's the latter.

Mabilisan akong nag-isip ng dalawang baril. Hinintay kong mabuo ito sa mga kamay ko. Kabado ako habang ganito kalapit sa akin si Carina. She's not someone related to me. I'm not Belle either.

To Your World [ Completed:2017 ]Where stories live. Discover now