Chapter 7

7 0 0
                                    

(Theia's POV)

5am. Nagising ako dahil sa tawag ni Manager Anne.

"Uhm, why manager Anne?" tanong ko. Antok na antok pa ko. Mahigit isang oras palang ata tulog ko.

"Are you sure you're not coming with us in Europe?" tanong niya.

"No. Dami kong aasikasuhin dito" sabi ko naman habang kinukusot mga mata ko at humihikab.

"You sure?" tanong niya ulit.

"Yes." sagot ko naman.

"Okay. 1-2 months kaming mawawala. Si Katie muna ang bahala sayo. We'll be leaving na sana kaso mukhang si Tyler tulog pa. Hindi niya sinasagot phone niya kaya mamaya pang lunchtime kami aalis" sabi niya.

Tyler? Oo nga pala nandito sa unit ko yung asungot na yun.

"Ah e-eh, baka tulog pa nga manager. S-sige na manager, tulog lang ulit ako" sabi ko.

"Sige Theia. Sleepwell. Loveyou" sabi niya.

"Loveyoutoo Manager! Bye." sabay end call.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at lumabas ng kwarto. Pumunta ako kay Tyler. Ang himbing ng tulog niya.

Hinipo ko yung noo niya, buti naman at bumaba na ang lagnat niya. Napagod lang siguro to kaya nagkasakit.

Dahil nawala na ang antok ko, naisipan kong magjogging. Maganda kasi ang likod ng condo tower na to. Dagat. At ang nakakatuwa pa, exclusive lang yun sa mga may unit sa condo tower na to.

Naligo muna ako then nagbihis. I'm wearing sando, shorts and rubber shoes. Nagsuot din ako ng cap para medyo hindi makilala. Dinala ko din yung iPod and earphones para soundtrip habang nagjojogging. 

Nakakatuwa talaga magjogging ng ganitong oras kasi makikita mo yung sunrise. Nakakagaan sa pakiramdam.

Mga 7am na ata nang matapos akong magjogging.

Nakabalik na ako ng unit ko. Si Tyler tulog padin. Buti pa to ang sarap ng tulog samantalang ako halos wala pa kong tulog.

Bigla kong naalala si mama. Usually kasi pag may sakit ako lagi niya kong pinagluluto ng porridge. Which is gustong gusto ko.

Kaya naman kinuha ko yung susi ng kotse ko then pumunta ako sa pinakamalapit na grocery dito.

Actually pwede lang namang lakarin kaso maraming makakakita sakin kaya nagkotse nalang ako.

Bumili na ko ng mga ingredients. Nagpapicture pa sakin yung mga cashier at yung ibang namimili. May magpapapicture pa dapat kaso sabi ko nagmamadali ako.

Nakabalik din naman ako agad sa unit ko at inumpisahan ko ng magluto.

9am na. Tapos na kong magluto tulog parin tong isang to. Ibang klase talaga.

Pupunta na sana ako ng kwarto ko ng magring ang phone niya. Yung phone niya kasi nilagay niya sa center table.

Nilapitan ko ito at kinuha ko. Pagbukas ko ng phone niya nagulat ako nang makita kong ako ang nasa wallpaper niya.

Pero agad ko namang ituon yung pansin ko sa tumatawag. Si Manager Ram. Sinagot ko nalang baka kasi may importanteng sasabihin.

"Hello?" bungad ko.

"Hello? Who is this? Where's Tyler?" sabi niya.

"Kuya Ram it's me. Theia." pakilala ko naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I wish you knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon