Chapter 6

7 0 0
                                    

(Theia's POV)

Nagkayayaan na kaming umuwi. Gabi na din kasi and I need to rest na dahil pagod na pagod na din ako.

Sabay sabay kaming pumunta ng parking lot.

"So paano? I enjoyed this night! Til next time guys, ingat kayo sa paguwi!" sabi ni Manager Ram samin then sumakay na sila sa kotse kasama si Manager Anne. Mukhang nagkakamabutihan ata silang dalawa ah.

"Sige una na din kami. Ge pare!" sabi ni Terrence sabay ngisi niya kay Tyler. Close ba sila? Hmm. "Bye Theia!" sabi ni Terrence sabay padausdos ng kamay niya sa bewang ni Chloe.

"Bye guys! Keep safe!" sabi ni Chloe.

"Bye! Same goes.." sabi ko nalang then I smiled.

"Theia, hatid na kita?" tanong naman ni Tyler

"I have my car. Thanks nalang! Bye." sabi ko then pumasok na ko sa kotse ko at agad pinaharurot ito.

Maya maya pa nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino.

From: 09*********

Baby drive slowly. Ang bilis mong magpatakbo. Tss.

Baliw talaga. Ibababa ko na sana phone ko ng magvibrate ulit ito. Tinignan ko kung sino.

From:09*********

Keep safe baby, magpapakasal pa tayo haha iloveyou.

Tyler!! You're getting into my nerves. Parang sira!

After ng almost thirty minutes kong byahe, nakadating na din ako sa tower ng condo ko. Atlast! I want to sleep na.

Pinark ko na ang kotse ko then diretso sa elevator. Binati naman ako ng mga nakakasalubong ko then nginingitian ko nalang sila.

Kinuha ko na ang card ng unit ko then tinapat ko na sa sensor at bumukas na ito.

Isasara ko na sana ang pinto nang biglang

"Wait! Aww sht!" sigaw nung lalaki.

Isasara ko na kasi yung pinto nang bigla niyang hinarang yung braso niya sa pinto dahilan para maipit siya.

Nagulat ako nang makita ko kung sino yung lalaki.

"T-t-tyler! Anong g-ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya. Mukang hingal na hingal siya. Hinahabol niya ang hininga niya eh. 

"H-h-hindi mo ba k-ko papapasukin? A-ang sakit oh! Sht" sabi niya.

"Aba! Sino bang nagsabi sayong ipitin mo ang braso mo?!" sabi ko. Iniharang pa niya kasi yung braso niya tapos iinda inda siya na masakit. Baliw na ata talaga to eh.

"Eh kasi naman eh! Dali na papasukin mo muna ako" sabi niya. Tss.

"Halika ka na nga! Mamaya may makakita pa sayo jan isipin naglilive-in pa tayo!" sabi ko.

Ngiting ngiti naman ang loko. Parang hindi naman ata talaga siya nasaktan eh. Nagdrama lang para papasukin ko siya. Tss.

Pumasok siya sa unit ko. Nagikot ikot siya. Ngayon lang kasi siya nakapasok dito kahit ilang years na kaming magkatrabaho.

"Malaki pala ang unit mo. Parang bahay na din" sabi niya.

"Hmm oo. Mind to drink? Coffee? Juice? Or wine or whatsoever?" tanong ko sa kanya.

I wish you knewWhere stories live. Discover now