Chapter 2

17 0 0
                                    

(Theia's POV)

Ghad! Wala siyang pinagbago gwapo niya talaga. He's perfect. Nakataas ang buhok niya. Ang ganda ng korte ng mga mata niya. Ang haba ng mga pilik mata. Sobrang tangos ng ilong. Pink yung labi. Ang kinis ng mukha niya. Yung adams apple niya ang lakas ng dating. Pansin ko din ang tangkad na niya sakin. Yung mga muscles niya, firm. Kaya for sure ako may ab---

"Ahm, Theia. Are you alright?" natauhan ako ng bigla siyang nagsalita habang winawagayway yung kamay niya sa tapat ng mukha ko.

"A-ahh. Y-yeah. I'm fine. I-ikaw, kamusta ka na? Tagal na kitang hindi nakikita!"pagsisinungaling ko. 

Hindi naman talaga ako okay lalo na kapag nakikita ko siya. At hindi naman talaga totoo na hindi ko siya nakikita. Actually, everytime na may free time ako pinupuntahan ko siya. Pero kada pinupuntahan ko siya, he's always with Chloe. Kaya naman hanggang tingin nalang ako lagi nang hindi niya alam.

Pero nagulat ako sa ginawa niya. Bigla niya akong niyakap. Kaya naman yung mukha ko nakasubsob sa dibdib niya.

"Okay lang din ako Theia Louise. I can't imagine na sisikat ka. It's my pleasure dahil may kayakap akong famous!" sabi niya.

Sabay naman kaming napatawa. 

Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito kaya naman pinadausdos ko ang dalawang kamay ko sa likod niya at hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. I even intertwined my left hand sa right hand ko para hindi siya makawala.

"Baliw ka talaga Terrence!" sabi ko.

"Bakit? Totoo naman ah? Sikat ka naman na talaga eh" sabi niya habang inamoy amoy ang buhok ko.

Miss na miss ko na talaga si Terrence. Sana laging ganito. Sana lagi niya akong niyayakap. Ngayon nalang kasi ulit kami nagkausap at nagkita. Oo, nakikita niya ako, pero sa tv lang. Oo, nakikita ko siya pero sa malayuan lang at hindi niya pa alam. Kaya naman I'm thankful na binigyan ako ni Lord ng pagkakataon makausap at makayakap itong lalaking to.

Bigla akong napaisip kung bakit siya nandito. Hindi kaya, pinanuod niya yung show? Waaah.

"Oy Terrence, bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Hinatid ko si Chloe, pinapatawag daw siya ng manager ni Tyler" Aw. Chloe again.

Alam kong may girlfriend si Terrence pero ewan ko ba kung bakit inlove na inlove ako sa kanya kahit ang sakit sakit na.

"Ahh..." yun nalang ang nasambit ko.

A moment of silence. Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa nagsalita siya.

"Miss na miss na kita bestfriend. Wala ng nagtuturo sa akin kung paano pakiligin si Chloe.."

Bestfriend. Oo. Bestfriend. Yan ang turing namin sa isa't isa kaya naman ganito kami ka-close. Pero akala niyo ba lahat ng magbestfriend na lalaki at babae, nafa-fall in love sa isa't isa? 

Hindi. Kasi sa aming dalawa ni Tyler, nafall nga kami pero ako sa kanya, siya naman nafall sa iba.

Ang sakit lang. Tuwang tuwa pa ako nun dahil nga naging bestfriend ko siya. Kasi usually sa napapanuod kong movies at sa mga nababasa kong libro maging sa lyrics ng mga kanta, laging nagkakatuluyan ang magbestfriend. Kaya naman umasa ako na mangyayari sa akin yun, pero hindi pala. Kaya naman simula noon, naniwala ako na fantasy will always be a fantasy and it will never turn to a reality.

"Haha! Kahit naman wala na ako, kayang kaya mo na pakiligin si Chloe ah. Sanay ka na nga ata eh." I said then I fake a smile.

"How did you know Theia Louise?" tanong niya.

Sht. Oo nga pala. Hindi niya alam na lagi ko silang nakikitang magkasama ni Chloe kaya naman alam ko kung paano kiligin si Chloe sa mga ginagawa niya.

"A-ahh w-wala lang. Feeling ko lang na natuto ka sa mga tinuro ko sayo..." pagdadahilan ko.

Ilang sandali pa, biglang tumunog yung phone ko dahilan para pumiglas ang pagkakayakap namin sa isa't isa.

*Katie calling...*

Sinagot ko naman agad.

"Why Katie?" bungad ko sa kanya.

"Okay. See you around!" sabay inend call ko na.

Ayaw ko mang iwanan si Terrence pero kailangan. Kung wala lang akong gagawin baka inaya ko na to na lumabas kami kaso ang dami kong apppointments. Hay. That's why being an actress sucks the most.

"I guess, you need to go.." sabi niya sa akin.

"Uhm, sige Tyler. Una na ako. Hope to see you again! Magiingat ka lagi."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko.

"See you again bestfriend. Sobrang thankful ako dahil nakilala kita. Kung hindi dahil sayo hindi ko napasagot si Chloe. Thank you Theia..." sabi niya hanggang siya hinalikan niya yung noo ko. 

Nagkatitigan kami. Kitang kita ko yung saya sa mga mata niya. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyang mga mata? 

"Sige na Terrence, I have to go now. Malelate pa ko sa appointment ko. Ingatan mo si Chloe ah! Don't hurt her kung ayaw mong ikaw ang saktan ko!" sabi ko sabay takbo papunta sa kotse ko.

Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang magalit kay Chloe dahil first of all alam ko namang wala siyang ginagawang masama sa akin and ofcourse hindi ko kayang saktan o magalit sa taong mahal ng mahal ko.

I started the engine. I saw Terrence waving at my car. At bigla kong naibulong ang kanina ko pang gustong sabihin.

"I love you Terrence. I wish you knew..." sabay pahid sa tumulo kong luha.

-

Yehey! Chapter 2's done. Update ko ulit to mamaya kahit walang nagbabasa hehe :)

-Miss Author

I wish you knewOnde histórias criam vida. Descubra agora