Chapter 1

23 1 0
                                    

(Theia's POV)

"Eto na ang pinakaaabangan ng lahat! Let's welcome BerLex!!!" sigaw ng host na si Sam. Famous celebrity gay and comedian this time.

Nakaakbay si Tyler sa balikat ko at ako naman, nakaakbay sa bewang niya nang lumabas kami sa backstage. Sobrang ingay. As usual, puro tilian, sigawan, palakpakan ang naririnig ng tenga ko. Psh. Sanay naman na ko. Lagi namang ganito

"Hi Amber! Hi Alex!" masiglang bati samin ng host.

"Hi Sam!" masiglang bati ko din sa kanya at nakipagbeso pa ako. Humarap naman ako sa mga fans. Kumaway ako at nagbow para ipakitang thankful ako sa kanila.

"Okay let's sit down at mukhang mahaba habang usapan ito." sabi ni Sam. Guest kami ni Tyler sa show na ito kaya naman nandito kaming dalawa. Nang makaupo kami, nagsalita agad si Sam.

"So hindi na ko magpapaligoy ligoy pa, kamusta naman kayong dalawa?" diretsang tanong ni Sam. Naghiyawan naman agad ang mga audience.

"Nakakaloka kayo! Wala pa nga tilian agad! Kalma po tayo ano po?!" pabirong sigaw ni Sam. Nagtawanan naman ang lahat.

"Oh sige na Amber, gora!" Imbes na ako ang sasagot, si Tyler ang sumagot. Tss. "Hmmm. As of now okay naman kami. At eto, Mahal padin naman namin ang isa't isa" sagot ni Tyler. At mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao dito sa studio.

Tyler is my one and only leading man. Sikat kaming dalawa as one of the best loveteam here in the Philippines maging sa ibang bansa.

Matagal na rin akong nasa showbiz. At matagal naring nabuo ang loveteam namin na "BerLex". Nagtataka ba kayo kung bakit "BerLex"? Because of our screen names. Screen name means sa tv lang naming pangalan. Amber Lacsamana ang pangalan ko sa showbiz, but in real life, I'm Theia Louise Smith Lacsamana at si Tyler Keith Lopez Schmidt naman, ang screen name niya is Alex Logan Schmidt.

Kaya naman BerLex ang tawag sa loveteam namin. Nagulat na nga lang ako, may ganun na pala. Nagclick pala kaming dalawa sa maraming tao.

Bato ng bato ng tanong si Sam sa amin. Kami namang dalawa, sagot lang kami ng sagot. Nangangawit na kong ngumiti. Ang hirap talaga pag maraming tao ang nanunuod sayo.

Hindi biro maging artista lalo na sa edad ko. I'm only 17 years old and yet hindi naman sa nagmamayabang ako pero sikat na ako. Mahirap. Nakakapagod. Pero para mabuhay ako, kailangan kong magtrabaho at magsakripisyo.

Wala na kasi akong mga magulang. Namatay sila 4 years ago. My mom is also an actress kaya naman nung pumanaw siya, ako ang pumalit. Masaya din naman ang buhay showbiz pero kung alam niyo lang, ayoko talaga nito. Ginagawa ko lang to para sa pera at para buhayin ang sarili ko.

"So how about you Amber? Bali balita daw na lagi kayong nagdedate ni Alex at lagi kayong sweet sa isa't isa on and off cam. Totoo ba ito?" tanong ni Sam.

I fake a smile then I answer "Hmm, yes that's true..." hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng biglang nagsigawan ang mga tao.

At nang huminto sila nagsalita ako muli "Yup that's true. Lagi kaming lumalabas. Natural lang naman yun sa isang magboyfriend girlfriend kaya no need to deny. And he always never fail to make me smile because of his surprises..." sigawan muli ang mga tao samantalang ako sukang suka na ko sa mga sinasabi ko.

"Omayghad! Surprises? Like what Amber?" tanong muli ni Sam.

"Minsan magugulat nalang ako, may magdo-doorbell sa unit ko, then pagbukas ko ng pinto magugulat nalang ako may hahalik sa cheeks ko. Tapos everytime na pupunta siya, lagi siyang may dalang bouquet of flowers and bunch of chocolates. Ayun..ganun" sabi ko. Eww.

"Ay bongaaaa!! Nakakaloka ito!!" sigaw ni Sam. Kilig na kilig ang mga fans maging si Sam. Wala talaga silang alam. Paniwalang paniwala sila sa mga sinasabi namin, pero ang totoo, lahat ng lumalabas sa bibig naming dalawa ni Tyler are all fake. Let me say, scripted. Pinagpractican namin to. Tss.

Akala niyo ba mahal namin ni Tyler ang isa't isa? Big no! Hanggang sa camera lang kami magsyota. Hanggang sa camera lang kami sweet. Pero pag off cam na, wala na. Parang hindi kami magkilala. Ni hindi nga kami naguusap niyan eh!

Lahat ng ito trabaho lang. Yung pagiging sweet namin, yung pagiging magsyota namin "kuno" ay trabaho lang. Wala ng iba.

Kung ano anong tanong ang binato samin at nasagot naman namin lahat yun. Hindi naman kasi mahirap magpakaplastik sa harap ng camera.

Ilang sandali pa, natapos na ang show. Nagcommercial na. Pero syempre dahil may mga audience pa dito, kailangan sweet padin kami ni Tyler. Kaya naman he intertwined his fingers with mine. Holding hands kami ngayon.

Bago kami pumunta sa backstage, umikot muna kami para makipagkamayan sa mga taong sumusuporta samin. Nakipagpapicture nadin,nakipagyakapan, nakipagbeso etc. After nun, tumungo na kami sa backstage. Guess what?

Hindi na kami nagkibuan hanggang sa binati lang kami ng manager namin.

"Good job guys! You really do better! Mas lalong dadami ang supporters niyo niyan!" sabi ni Manager Ram. Manager ni Tyler

"Tss." yan lang ang nasambit ko then pumunta na kong dressing room.

"Theia, you have a pictorial mamayang 2pm para sa advertisement mo then mamayang 6pm, pipirma ka ng contract bilang model ng isang phone brand. 8pm guesting again tapos...." sabi sakin ng Personal Assistant kong si Katie habang sumusunod sa akin papunta sa dressing room.

"Tapos ano?!" nababadtrip na ko. Puro nalang trabaho. The hell! "Pinapupunta ka ng mga kaibigan mo sa club. Bonding daw kayo. Miss ka na daw nila eh."

"Jesus!" bulong ko. "Can you please cancel that?! Ang dami kong appointment today! And I need to rest! At chaka hello!! Club? Pano kung makilala ako dun? O dumugin ako dun? May magagawa ba sila? Hindi na ako yung Theia na pwedeng lumabas kahit saan!" sambit ko.

Sht. Hindi naman ako ganito dati. Nadala lang siguro ng stress kaya nagiging masungit ako kapag naiisip kong ang dami kong kailangang tapusin. Tapos madalas pakong puyat. Hay.

"Sorry Theia. Sige, sabihin ko nalang sa kanila na hindi ka pwede" umalis si Katie at tuluyan na kong pumasok sa dressing room.

Sa totoo lang, miss na miss na miss ko na mga bestfriend ko. Sa sobrang busy ko, hindi ko na sila nakakasama. Hay. Gustuhin ko mang kitain sila kaso hindi talaga pwede. Wala akong oras.

Natapos na kong magbihis at dumiretso ako sa parking lot nang makita ko siya.

S-Siya. My first and last l-love y-yet only my f-f-first heartbreak.

-

Naks. Nakachapter 1 na ako haha :) Yey! Kahit walang magbasa nito mgauupdate padin ako :) Post ko na mamaya yung Chapter 2!  Woot woot. Sorry sa spacing, ayusin ko mamaya :) Aja!

-Miss Author

I wish you knewWhere stories live. Discover now