Chapter 4

14 0 0
                                    

(Theia's POV)

Nagulat ako nang makita ko si Terrence. Malamang sinama siya ni Chloe.

 

"The...I mean Amber, ang tagal niyo ata maghugas ng kamay" sabi ni Manager Ram.

 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Tyler sabay napatingin din ako kay Chloe. Nung napatingin ako sa kanya, uminom lang siya ng tubig.

 

"Amber, I want you to meet Terrence, Chloe's boyfriend" sabi ni Manager Ram.

 

Sasabihin ko na sanang magkakilala kami nang biglang nagsalita si Terrence "I know her. I mean, we know each other. She's my bestfriend" sabay akbay niya sakin na siyang ikinagulat ko. Agad ko namang inalis ito dahil baka magkaissue pa kami at magalit pa si Chloe sakin.

 

Magkatabi kasi kami sa upuan. Bale ganito ang pwesto namin.

 

Chloe | Ram | Anne

Tyler |  Ako  | Terrence

 

Dinugtong lang kasi yung table nila Tyler at Chloe kaya magkaharap sila at ako ang nakatabi.

 

"Ang he's Tyler, Theia's..." sabi ni Manager Ram.

 

"I know him. Long time no see pare!" sabi ni Terrence then naghand shake sila sa harap ko mismo. Kasi nga katabi ko silang dalawa. Pero teka? Magkakilala sila? Kelan pa?

 

Tatanungin ko sana si Tyler kung paano sila nagkakilala nang biglang magsalita si Manager Ram.

 

"Ahm, I guess palit tayo ng upuan Terrence, mukhang nahihirapan kayong dalawa ni Chloe eh" sabi ni Manager Ram.

 

Nagpalit naman sila kaya naman ang kaharap ko na ngayon ay si Terrence.

 

Nauna na akong kumain. Hindi ko na hinintay yung order nila Tyler at Chloe dahil gutom na talaga ako. Maya maya pa, dumating na yung order nila. At habang kumakain ako, nagsusubuan yung dalawa kaya naman nabulunan ako dahil hindi ko kayang makita sila ng ganun. 

 

Ang sakit. Harap harapan pa talaga. Pucha naman oh!

 

"Hey Theia, are you okay?!" tanong ni Tyler sabay abot sa akin nung wine habang nilagay niya ang kaliwang kamay niya sa likod ko para himasin ito.

 

Inistraight kong inumin yun dahil halos hindi ako makahinga kanina.

 

Nakatingin silang lahat sa akin. Ngumiti nalang ako. 

 

"Hmm hehe go on guys, continue eating :)" ngiting ngiting sabi ko.

 

Tapos na akong kumain, sila hindi pa dahil nga hinintay pa nila yung order ng dalawa. 

 

I wish you knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon