Chapter 3

26 1 0
                                    

(Theia's POV)

 

8pm na. Atlast! Natapos din lahat ng appointment ko ngayong araw. Nakakapagod.

 

Pumunta na ako sa parking lot at dumiretso sa kotse ko. Wala akong driver. Kumukuha nga si Manager Anne which is Manager ko ng driver at mga bodyguards para sa akin kaso tinanggihan ko. Ayoko ng may sumusunod sa akin at mas lalong mahahalata na artista ako kapag may mga nakasunod sa akin. I just want to live normal. Kaya lang naman ako nagartista for my own sake and for my mom, not for fame.

 

Nagsoundtrip muna ako habang nagdadrive. Nakakainip kasi sobrang traffic. Nakakaantok din. Tumingin tingin ako sa paligid then I saw my billboard. Minsan pinangarap ko na maging artista pero hindi ako makapaniwalang magiging totoo pala. Gusto kasi ni mommy maging artista din ako kaya naman sinunod ko siya. Sa una, nung isang ordinaryong tao lang ako, gustong gusto ko talagang maging artista. Tinitingala ng iba, sinusuportahan, pinaguusapan, pinagkakaguluhan lahat lahat.

 

Pero nung naging artista ako, parang gusto kong kainin mga sinabi ko. 

 

Mahirap. Sobrang hirap maging artista. Bawat kilos mo, alam ng ibang tao. Lalabas ka lang, mamaya may nakasunod na sayo. Onting mali mo lang huhusgahan ka na nila. Basta mahirap. Mas pipiliin ko pang maging isang ordinaryong tao kesa pagpiyestahan ng ibang tao.

 

Hindi ko namalayan na binubusinahan na pala ko ng mga kotse na nasa likod ko. Psh. Masyadong malayo ang nilipad ng isip ko.

 

Maya maya pa, nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone ko. 

 

 

Pero mas lalo kong ikinagulat nang mabasa ko yung text.

 

From: 09*********

Hey there Theia. Let's meet now. We're here @ **** cuisine. I'm with Kuya Ram and Manager Anne. We need to talk immediately. We'll wait for you. Drive safe baby. -Tyler

 

Oh Jesus! First time niya akong tinext. Si Tyler ba talaga to? At tinawag pa kong baby?!

 

Psh. Wag ko na ngang isipin. Lagi naman kaming nagpapanggap na mahal namin ang isa't isa.

 

I have no choice kaya dumiretso ako sa lugar kung saan kami magkikita. Buti nalang at sa restaurant kami magkikita kita dahil gutom na din ako.

 

Ilang sandali lang, nakarating na ako. Nakita ko ang kotse nila at nagpark ako sa katabi ng kotse ni Tyler.

 

This is an expensive cuisine kaya walang masyadong tao. Buti naman para malaya akong makakakain!

 

Pumasok na ako then sinalubong ako ni Manager Ram.

 

"Hi Amber!" sabay yakap sakin. 

 

Amber?! Ahh. May mga ilang tao nga pala kaya kailangan nanamang magpanggap. Psh

 

"Have a sit Amber" inurong ni Manager Ram yung upuan ko then umupo na ako. Katabi ko si Tyler at kaharap ko naman si Manager Ram.

I wish you knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon