Chapter 5.2

7 0 0
                                    

(Tyler's POV)

Pagkalabas namin ni Theia ng washing area nandun si Terrence at Chloe. Bat kaya nandito tong dalawang to? Baka inaya si Kuya Ram. Tss.

"The...I mean Amber, ang tagal niyo ata maghugas ng kamay" tanong ni kuya Ram kay Theia. Nagkatinginan lang kami ni Theia.

Umupo na kami. Pinakilala ni Kuya Ram si Terrence kay Theia. Pero nagulat ako ng akbayan niya si Theia. Wow! Napakainsensitive niya. Hindi niya ba naisip na baka magalit si Chloe? O kaya baka magalit ako? Lol

Oo alam kong magbestfriend silang dalawa. Tss. At wala akong pake kung magbestfriend sila.

Pero maya maya pa, pinakilala ako ni Kuya Ram kay Terrence.

"Ang he's Tyler, Theia's..." sabi ni Kuya Ram.

"I know him. Long time no see pare!" sabi niya sakin at nakipagkamayan. Ang tigas ng pakikipagkamayan namin sa isa't isa halos lumabas na yung mga ugat namin sa kamay. Buti nalang at hindi iyon napansin ni Theia.

Naglipatan pa si Kuya Ram at Terrence ng upuan. Tss. Arte.

Maya maya pa, napansin kong kumain na si Theia, sasabayan ko na sana nang titigan ako ni Kuya Ram at sinasabi ng mata nito na hintayin ko yung order ng dalawa. Bllsht. 

Pero ilang sandali pa dumating na order nila, buti naman. 

Pasulyap sulyap ako kay Theia, pansin ko parang wala siyang ganang kumain. Pero mas umagaw ng pansin ko nung bigla siyang mabulunan.

"Hey Theia, are you okay?!" tanong ko sa kanya sabay bigay sa kanya nung wine at hinimas ko ang likod niya.

Nung nakainom siya, mukhang nahimasmasan naman na siya. "Hmm hehe go on guys, continue eating :)" ngiting ngiting sabi niya.

Ilang sandali pa, natapos na siyang kumain at napansin kong naglalaro siya sa phone niya. Kami naman, naguusap lang habang kumakain. Mukhang wala siya pakialam. Seryoso siyang nakatitig sa cellphone niya.

"Hahaha! Hay nako, kung sweet si Chloe sayo mas sweet si Amber kay Tyler, diba Amber?" sabi ni Manager Anne.

Hindi sumasagot si Theia. Busyng busy siya sa nilalaro niya. 

"Diba Amber?!" ulit na tanong ni Manager Anne.

"Ha? A-a-ahh o-oo! Oo naman hehe" sagot niya na siyang ikinatuwa ko haha. Buti pala naglalaro siya! 

Maya maya, may lumapit na dalawang babae. Magpapapicture daw. Tumayo naman kami. Inakbayan ko si Theia syempre sweet kami dapat chaka pagkakataon ko na din tong maakbayan siya haha.

After nun, nagpasalamat sila then we gave them a hug. Pinuri pa nung dalawa si Theia na ang ganda daw. Well, Theia ko ata yan. Siya lang ang pinakamagandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.

Uupo na sana kami nang magpapicture din yung mga waiter at waitress at iba pang crew samin.

Nagthank you naman kami at uupo na sana kami nang mabunggo ni Chloe si Theia dahilan para matapunan ito ng wine na dala.

Aalis na sana si Theia nang sumigaw ako. "Theia wait!" pero hindi niya ko pinansin kaya hinabol ko siya at nang mahabol ko siya hinawakan ko siya sa braso niya.

"Ano ba?!" tanong niya sakin. Mukhang naiinis siya.

"S-samahan lang sana kita.." sagot ko naman.

"Ahh ano kasi sa CR ako pupunta hindi sa washing area..." sabi niya.

"Okay. Samahan nalang kita hanggang pinto then I'll wait for you there." sabi ko at inalalayan ko siya. 

Pero napansin kong ngumiti siya. Sht. Ang ganda niya. "Why are you smiling baby? Kinikilig ka na ba sa akin?" nakangiting tanong ko sabay kinindatan ko pa siya.

"Hoy! Hindi ah! Ang kapal naman ng mukha mo!" pagtatanggi niya.

"Then why are you smiling baby?" tanong ko ulit.

"Para ka kasing baliw. Kung alalayan mo ko akala mo kung anong nangyari sa akin. Haha!" sagot niya. 

Syempre ayokong may nangyayari sayong hindi maganda. Pero teka. Tumawa si Theia. Sht. First time to! First time ko siyang napatawa. 

"May problema ba sa sinabi ko?" tanong niya.

"Ngayon lang kasi kita nakitang tumawa ng ganyan.." paliwanag ko habang nakangisi.

"Huh? Pag nasa interviews or shows naman tayo, tumatawa ako ah. Baliw ka ba?" sabi niya.

"Hindi. Iba kasi yung tawa mo ngayon...Totoo." sabi ko saka ko siya binitawan dahil nasa tapat na kami ng cr.

"Ahh.." sabi niya sabay ngiti. "Sige wait lang ah.." at tuluyan na siyang pumasok ng cr.

Bllsht. Ang ganda talaga ni Theia lalo na pag ngumingiti. Nababaliw na ko sayo Theia.

Habang hinihintay ko si Theia sa labas ng cr, nakita ko si Terrence, papasok sa cr ng boys.

Nagkatitigan kami.

"Kamusta ka naman?" biglang tanong niya.

"Okay naman ako, masaya. Eh ikaw?" sagot ko habang nakangisi.

"Masaya din naman, mukhang may gusto ka na kay Theia ah?" tanong niya

"Ano naman kung meron? Aagawin mo nanaman ba?" sagot ko habang nilagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko.

"Haha! Chill ka lang Keith. Wala akong balak mang-agaw...." tuwang tuwang sabi niya. "Di tulad mo" dugtong niya habang unting unting sumeseryoso ang mukha niya.

"Ako pa ngayon Terrence? Haha.." nakangiting sabi ko at "Sino kaya sating dalawa ang nang-agaw?" seryosong sabi ko.

Ang tagal din naming nagtitigan. Punong puno ng galit at pagkamuhi sa isa't isa.

"Terrence let's go!" sabi ni Chloe at hinila siya. Habang hinihila siya nito, hindi parin maalis ang titigan naming dalawa na parang nagsasabing, hindi pa kami tapos.

Hindi pa talaga tayo tapos, Terrence Rodriguez.

-

Nakapagupdate ulit haha. Medyo sabaw -_- 1am na kasi haha. Btw, sorry natagalan. Bukas talaga maguupdate ulit ako promise na promise :) Totoo na to haha. Labyu guys xoxo.

-MissAuthor

I wish you knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon