9

21.3K 174 7
                                    

Crossini Girl’s Café

Pagkapasok na pagkapasok nila sa café ay napatingin sa kanila ang mga customers. Sino ba naman ang di lilingon eh ang ganda nilang pares.


(A/I: Naiimagine ko ang crush ko kay Violet <3_<3. Ganda niya talaga)

 “What a lovely visit from the cat-dog tandem.” Si Tita Zelli na nababakas ang tuwa sa mata.

“Hi Tita Zel.” Sabay nilang bati ni Xander. Humalik sila sa pisngi nito.

“Aba’t mukhang may date kayo. Naalala ko sina Grey at Glyze sainyo. Aso’t pusa noon pero sila rin naman sa huli. Pabitin effect pa nga ang love story ng dalawang yun.” Natawa naman silang dalawa sa tinuran ni Tita Zelli.


(Author’s Intervention ulit: Spoiler na kung spoiler pero si Grapin at Glyze ang DAPAT NA MAGKATULUYAN.. hahaha..nagpaparinig lang. ay di pala nagpapapansin lang.. *u* )

“Hahaha. Malabo pong mangyari yun, Tita. Hindi po kami tulad nina Tita Glyze na may common interest sa Math. Inaasar lang naman po kasi siya ni Tito Grey para magpapansin.” Alam kasi nila ang istorya tungkol sa mga magulang nila na magkakaibigan nung college at hanggang ngayon ay ganun pa rin.

“Yeah, malayong malayo po kami ni Violet, Tita Zel.” Si Xander.

“Bahala kayo, but you can never tell young ones.” Si Tita Zelli.

“Take your seats, minsan lang kayong bumisita rito sa café ko. Zayn told me you were here last time. He told me about someone hurting a nice butt?” nakangiting sabi ni Tita Zelli, parang nang-aasar.

“Ah that, Let-Let here had a nice fall and hurt her nice butt.” Si Xander.

Inirapan ni Violet si Xander. Mukhang magsisimula na naman kasi ito sa ‘nice-butt-syndrome’. Napaalala pa kasi ni Tita Zel.  -_-“

“You’re still naughty Alexander. Hindi naman ganyan ang Dad mo or your Tita Ameely, maybe your mom has something to do about it. Hahaha.” Si Tita Zelli na mukhang natutuwa pa sa mokong na si Alexander.

“Ow, nakalimutan ko na ang order niyo. What do you want? Masyado akong natutuwa dahil andito kayo.” Biglang sabi ni Tita Zel.

“The usual pastry Tita and water na lang po.” Si Violet.

“Wala po ba kayong champagne or wine, Tita?” si Xander.

“This is not a bar young man.” Si Tita Zelli na tinatarayan si Xander.

“I just wanna try if you’ll offer Zayn’s liquor collection.” Sabay kamot nito sa ulo.

Ngumiti si Tita Zelli. ”Alam mo naman na madamot ang isang yun pagdating sa collection niya. Bilang niya rin ang mga hiniram ko rito for counter’s display. Isa pa, I don’t want you to drive this beautiful lady while drunk. You look really great, Let.” Baling nito kay Violet.

“Thanks, Tita.”

“I’ll just get your order, then I’ll come back. Gusto ko kayong makakwentuhan.”

“Sure Tita.” Si Xander.

Nagpaaalam muna si Tita Zelli sa kanila. Naging awkward muli ang atmosphere nang silang dalawa na lang.

“Hey Let! Galaw galaw naman diyan.”

“Tigilan mo nga ako Alexander.”

“Alam mo, kapag binabanggit mo nang buo ang pangalan ko, feeling ko ANDRES ako—you know, under-de-saya.”

“Hahaha. Ewan ko sayo.” Natawa naman siya sa sinabi nito. Tunog UNDER nga.

“Yan, eh di wala ng tension. Tsk, napansin lang yang legs mo para ka nang ewan.”

“Oo na, oo na. Tigilan mo lang ako nyang mga hirit mo.”

“Jeez, that was a compliment, Let. Coming from me, you—“

“Ano ba! Tigilan mo na sabi ako di ba?”

“Nag-aaway na naman ba kayo?” Si Tita Zel na nasa harap na pala nila.

“Hindi po Tita, we’re just talking.” Si Xander.

“Tsk, magkwento naman kayo. Matagal-tagal na rin nang magkasama-sama tayo. If I remember it right, it was G. and Stephen’s wedding. Masyadong nakakabigla ang pangyayaring yun. I didn’t expect that those two will end up together.”

“Oo nga po Tita.” Sang-ayon nilang dalawa.

Matagal-tagal pa silang nagkwentuhan at ilang saglit pa ay nagpaalam na silang umuwi.

Mr. Naughty won't Play Nice ( Project 1)Where stories live. Discover now