6

22.2K 213 12
                                    

BALL NIGHT

Tiningnan ni Violet ang kanyang sarili sa salamin. Hindi siya sanay sa suot. Her mom doesn’t require her to wear dress whenever they’re attending a party. Naiintindihan daw nito ang kanyang nararamdaman. Marahil ay dahil sa dati itong pusong lalaki.

*Tok Tok.

“Nak, are you done? Kanina pa umalis si G. pagkaayos sayo pero hindi ka pa rin lumalabas hanggang ngayon. Your date’s waiting downstairs. Antagal mo raw.” Si mommy. Tinawagan nito si G. para ayusan siya for the ball tonight.


“Ayoko niyan G.”, naalala niya ang kanyang pagtanggi ng ipakita sa kanya ng kababata/kaibigan ang dala nitong dress para sa kanya.


“This will look nice on you. Trust me, Let. I’m a fashion designer slash model. I should know.” Naiirita na ang kanyang kaibigan sa pag-iinarte niya.


“I’ll be freezing when I wear that.”


“That’s why you have a date, remember?”


“Urgh, that date is Alexander, G.Si Alexander na wala nang ibang ginawa kundi ang asarin ako at painitin ang ulo ko.” 


“He just adores you, Let.”


“Ewan ko sayo. Basta, hindi ko isusuot yan. Hindi na lang ako aatend ng ball.”


“You’ll just prove him that you’re affected, Let.”


“ Palitan mo yan. Ayoko niyan, Greypz.” Naasar siya dito kaya binanggit niya ang kinaiinisan nitong pangalan.


“Fine, I’ll find you the another one. This is sexy, you have long neck so baring your back will make you more alluring. Sinasayang mo ang katawan mo, Violet.” Sumuko ito.

  

Now, she’s wearing a little modest dress. It doesn’t bare her back. Sakto hanggang tuhod ang haba nito pagnakatayo siya, pero tumataas rin ito pag umuupo siya.

She sighed and makes a deep breath.

“I’m coming mom!”

Her Mom and Dad are snuggling in the sofa while waiting for her. Her eyes where fixed in the man who’s wearing a black tuxedo. Nakatalikod ito ng bahagya sa hagdan at nakatingin sa relos nito. Nababakas sa mukha nito ang pagkairita. Nagpatagal talaga siya, nagbabakasakali na iwanan siya nito.

“Let’s go.” Tinap niya ang balikat nito dahil hindi talaga siya napansin nito ng bumaba siya sa hagdan.

“Ang taga—“ napigil nito ang sinasabi nang mapagmasdan siyang mabuti.


Pangit ba siya?

“Ang ganda ganda naman ng anak namin.” Puna sa kanya ng daddy niya.

“T-thanks dad.” She stammers dahil nakakatitig pa rin sa kanya si Xander.

“Hey, Xander” untag ni Mommy dito. “ You better keep going. Late na kayo sa ball.”

“ah, yeah, let’s go Violet.” He offered his arms to her.


Ayan na naman.

Sa Kotse.

Hindi sila nag-iimikan nang nasa kotse sila. The atmosphere within Xander’s car is SO awkward.

“Pwede ka namang umalis na nung matagal akong bumaba kanina, Alexander.” Basag niya sa katahimikan. Napaka-stiff nitong tingnan habang nagda-drive. Parang may dinamdam ito na ewan.

“Alam ko naman na sinadya mo yun, Let.” Tumingin ito sa gawi niya at binawi agad ang tingin.

Ano bang problema nang lalaking to. Naisip niya.

“May sakit ka ba Alexander? Umurong na yata yang dila mo eh.” Hindi siya sanay na tahimik ito.

“Hmmm…You look lovely tonight, Let.” Biglang sambit nito.

Pakiramdam niya bigla siyang namula. Nag-init yata ang buong mukha niya. Umisod siya ng kaunti para mawala ang tension sa katawan niya.

“Damn!”

O_______O

Biglang preno to sabay hampas sa manibela. Bigla itong tumingala at pumikit.

Nanlaki naman ang mata niya sa pagkabigla.

“Ano ba! Pabigla bigla ka na lang sa pagpreno eh.”

“Ba’t ka ba umisod!” sumbat nito sa kanya. Anong problema sa pag-isod. Malay ba nito kung nangangalay na siya sa pwesto niya.

“BAwal na ba yun ngayon ha?! SA NANGANGALAY NA AKO EH!” balik niyang sigaw dito.

“Umayos ka nga ng upo. Ba’t ba kasi ganyan suot mo?”

“Why do you care, Alexander. Kung ayaw mo sa suot ko ibalik mo na lang ako sa bahay. Dapat kanina pa lang sinabi mo na na ayaw mo sa suot ko para hindi ka na napahiya na ako ang kasama mo.”

  

 “Tsk.” Hinubad nito ang coat at pinatong sa lap niya. “Here, you’re distracting me Violet, that’s why.”

Ano daw?

Mr. Naughty won't Play Nice ( Project 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora