"I'm sorry ate. You are not feeling well?" Umiling na lamang ako. I smiled at her even though it feels like my head's about to break.

"I'm fine. I'm sorry for shouting at you. Bumaba ka na, ikaw muna ang mag-asikaso kay Zemina. Pakisabi kina mommy, I can't go to school today. Sobrang sakit talaga kasi ng ulo ko, parang binibiyak." Tumango siya sa akin. At tsaka ngumiti.

"Dalhan kita ng breakfast in bed ate." I mouthed thank you. Bumalik ako ng tingin sa salamin. Pakiramdam ko ay may hindi na naman ako naalala na dapat maalala ko. This is getting complicated every day. Lagi na lang ba akong magigising na parang umiiyak.

My phone kept on vibrating. Sunod-sunod na naman ang notifications mula sa wattpad.

"Sino ba kasi yung killer?"

"Ghad. Pa-spoil naman Ms. Author."

"Sana sunod-sunod ang update. :("

"Waiting ulit sa next update! I love you miss!"

Hindi ako mapakali. Binasa ko ang huling update. Nahulog sa sink ang phone ko. Hindi ko alam na wala sa sariling binuksan ko ang gripo at hinayaang mabasa ang phone ko. Napaupo ako sa may gilid ng pinto at tsaka napasandal. Muli na naman akong umiyak sa hindi malamang dahilan.

"Ate! Wake up!" Napailing sa akin si Zelina, sa gilid niya ay yung breakfast in bed. "Bakit diyan ka natutulog? I have meds here." Tumango lamang ako, at wala sa sariling bumalik sa kama, nagtalukbong ako ng kumot. Alam niyo yung pakiramdam na buhay ka pa naman pero sa loob parang ubos na ubos ka na, parang hindi mo na kayang mag-function pa.

"Ano bang nangyayari sa'yo ate?" Nakakunot ang noo na tanong ni Zelina sa akin.

Umiling ako. Paulit-ulit na lamang na ganito. Bakit hindi ko maipaliwanag? "I missed something. Perhaps someone? I just don't know whom or what." Tumingin ako sa bintana. Ito yung pakiramdam na para bang may hinihintay ka pero hindi mo malaman kung sino, para bang may hinahanap ka pero hindi mo alam kung sino. Yung gusto mong masagot ang tanong mo, pero wala kang mahanap na kasagutan.

Ang gulo. Nakakalito. Napapagod ako nang wala namang ginagawa.

"Yung crush mo oh!" Paulit-ulit akong siniko ni Sharida. Umiling lamang ako. "Ay hindi mo na crush?" Nagtataka niyang tanong. "Huy!" Pinitik niya ang tainga ko, kaya agad akong napangiwi.

"Bakit tulala yan?" Tanong naman ni Joanne, may dala-dala siyang siopao mula sa 7/11. Naiyak ako nang abutan niya ako ng siopao. "What the f Riri!" Ngumawa akong parang bata sa may labas ng laboratory namin. "Ano bang nangyayari sayo? Ilang araw ka nang ganyan." Niyugyog niya ako sa balikat pero napayakap na lamang ako sa kanya.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam! Gusto kong malaman pero shit! Hindi ko nga kasi talaga alam. May gusto akong makita. Gustong-gusto kong makita pero hindi ko alam kung sino. Napapagod na ako." Mas lalo lamang ako napahagulgol sa pag-iyak. Sa tuwing aaluin nila ako ay mas lalo lamang tumitindi ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko pero hindi ko alam ang dahilan.

"Nung sa Tagaytay pa yan eh." Si Marie, na palaging seryoso ay labis-labis na rin nag pag-aalala. "I-explain mo kasi sa amin Zerina para maintindihan din kasi namin. Palagi ka na lang ganyan. You keep on giving advices, but you won't let yourself be advised by someone. Puro na lang ikaw, when in fact we can help you. We are more than willing to help you." Natameme kaming lahat, sobrang seryoso niya na alam mong mas sobrang nag-aalala siya kaya ganun.

"I'm sorry. Even myself, hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung saan ako may problema. Parang nakakulong ako sa bagay na hindi ko naman alam kung ano. May kulang, gigising akong umiiyak kasi pakiramdam ko wala akong maalala..." Pinalis ko ang mga luhang hindi titigil sa pagkawala. "Nakakapagod na paulit-ulit mong iniisip kung anong kulang, kung anong hindi mo maalala pero wala eh...wala akong magawa." Napahilamos na lang ako ng mukha.

To Your World [ Completed:2017 ]Where stories live. Discover now