treinta y ocho

432 20 2
                                    

- Rico's POV -

[ A/N's NOTE: Na-miss niyo? Si Rico? Lol. Enjoy guys! ]

Hindi ko na napigilan. When I saw...the love of my life, walking down the aisle towards me, I can't help but think...f-uck, what greatness did I ever do in my life to deserve this woman approaching me right now.

Nakarating na sa harap namin sina love. Dad pat me in my shoulders and whispered something in my ear. "This is it, son. Huwag gago ha, magkakapamilya ka na." tumango naman ako. André enclosed me in a tight, manly hug. "'Grats, kuya." sabi niya. Sa huling beses ay nagpunas muli ako luha ko bago ko sila love at ng kanyang mga magulang salubungin.

"Langit ang buhay sa tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan
Sa piling mo, ang gabi'y tila araw"

"Rico." malamig na tawag ni tito sa akin.

"Tito." ang ma-ingat na sagot ko. He smiled. "Please call me daddy now." niyakap niya ako na may kasama pang mga tapik. "Alagaan mo ang prinsesa namin ha. Pinagkakatiwalaan kita. Ilang buwan na lang, may sarili ka nang pamilya."

"Hindi ko lang iingatan ang prinsesa niyo, gagawin ko siyang reyna ko. Makakaasa ho kayo." ang tugon ko. I teared up again, sabay kami ni love. Hindi ko lang pinahalata. Naupo na si mommy at daddy.

I looked at my beautiful soon-to-be wife and intertwined our hands. "I love you, love." ang sabi niya habang humihikbi. I wiped off her tears.

"I love you more." ang sabi ko habang hinahalikan siya sa noo. Ngumiti siya.

Pagkaraan noon ay tumungo na kami papalapit sa altar. Tinulungan ni Georgina sa train ng kanyang gown si Margaux. She smiled at love before going back to her seat.

Nagsimula na ang seremonya. Everyone listened intently. Hawak-kamay kami ni love habang nakikinig sa pari. We were silent, occasionally wiping our eyes with our handkerchiefs. The homily was centering on how sacred marriage is, and how lucky love and I were that our paths have crossed. Pinisil ko ang mga kamay ni love. Kinalaunan, kinailangan na kaming tanungin ng pari.

"Enrico and Margaux, have you come here to enter into Marriage without coercion, freely and wholeheartedly?" ang tanong ng pari.

"I have." sabay naming sagot.

"Are you prepared, as you follow the path of Marriage, tolove and honor each other for as long as you both shall live?"

"I am." sabay ulit kami.

"Are you prepared to accept children lovingly from God and to bring them up according to the law of Christ and his Church?"

Tinignan muna namin ni love ang isa't-isa bago sumagot. "I am."

Everything feels dreamy right now. I feel like I'm stuck in cloud nine. Everything just feels so perfect...that all of this was really meant to happen. Just imagining a day, waking up to a beautiful wife and beautiful children...t-angina. Wala akong masabi.

"Since it is your intention to enter the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church." ang pakiusap sa amin ng pari.

I took love's right hand and looked at her lovingly. Napa-iyak ako. Lumingon ako sa mga bisita namin at umubo ng peke. Tumawa naman sila.

"Kiss na!" I heard Tony say. Pinagbabatukan siya nina Kirbs. I laughed. Pero nang tignan ko muli ang babaeng nasa harap ko ngayon, I returned back to being speechless.

"Enrico Anton Victor Arboleda, do you take Beatrice Margaux Alegna Montreal for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

THE REUNION ł KathNiel Fanfiction (Arboleda Series #1 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon