Our chat continued like that hanggang sa matapos ko ang pagpriprito ng lahat ng chicken. When the dinner was already done, bumaba na rin si Musika mula sa kwarto niya. Tinawag naman ni Tita Catalina sila Clef para makakain na.

As soon as I saw Clef walking towards the vacant seat beside me ay agad ng napaayos ang aking upo. His eyes are a bit red and soft, mamula-mula rin ang maputi niyang pisngi at halos maamoy ko ang alak sa kanyang bibig ng tumabi siya sa akin.

"Wow! Tomato pasta" bulalas ni Tito Fredd pagkaupong-pagkaupo niya sa lamesa.

Tita Catalina just shook her head and we started eating the foods. Maingay sa hapagkainan dahil sa hindi matapos-tapos na kwento ni Tito Fredd. Halata ring medyo tinamaan siya ng alak dahil sa lakas ng kanyang boses which us unusual dahil kanina naman ay normal pa iyon.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay naramdaman ko nanaman ang pagvibrate ng phone ko. Nang tignan ko iyon ay may message nanaman sa akin si Hilton sa instagram.

hill.ton_tothewest:
But I seriously miss you, Ferm. Sana magChristmas na para nandiyan na kami agad.

Napanguso ako dahil sa reply niyang iyon. If this was just like before, I will immediately delete his message due to irritation. Hilton is the kind of guy who always act like a kid, kahit ang atensyon ng isang bata ay tingin ko'y hinahanap niya rin. But now, knowing that he is just sincere with me ay hindi ko na makapaan ang aking dibdib ng kahit na anong inis sa mga paglalambing niya. Maybe because I'm used to it or maybe because I also miss them.

I was about to reply on his message when I felt Clef's hand on mine. Napatingala ako sa kanya at napataas ang kilay ng agad niyang kinuha ang cellphone ko.

"Clef!" halos pabulong kong bulalas sa kanya pero imbis na pakinggan ako'y pinagmasdan niya lang ang nasa screen ng aking phone.

Now annoyance is already imprinted on his face. Magkasalubong ang makakapal na kilay na halos magdikit iyon, even his jaw was moving and tightening at pakiramdam ko'y kulang nalang ay butasin niya ang salamin ng cellphone ko sa sobrang higpit ng hawak duon.

When he looked at me, I almost felt scared. His black orbs are just intense and irritation is really obvious on his face na parang may ginawa akong masama! Hindi ko alam pero agad akong ginapangan ng kaba dahil duon.

"Bago kami umalis bukas samahan mo kami sa dalampasigan, Clef. Tignan na 'tin kung saan pwedeng ilagay ang mga nipa hut na ipapatayo next month"

Nawala ang tingin niya sa akin ng balingan niya si Tito Fredd. Tito Fredd's eyes are already on us like he's asking what's wrong with the both of us. Hindi ako makaimik. Ano namang sasabihin ko? I don't even know why Clef was looking at me like that.

"Okay" tipid na sagot ni Clef bago muling pagtuunan ng pansin ang pagkain habang nakasimangot.

Now what did I do?

Simula nuon ay tahimik na si Clef. Sumasagot lang siya kapag tinatanong. Nakita ko pang nakatitig sa amin si Tita Catalina liek she knows something is wrong.

Nuong matapos sa pagkain ay gusto ko sana siyang habulin paakyat sa second floor pero hindi ko na nagawa ng makitang inaayos na ni Tita Catalina ang plato sa lababo.

I can't just leave Tita Catalina there cleaning the dishes. Nakakahiya! Isa pa, siya na ang nagluto kanina at bisita siya. Though bisita rin ako pero mas nakakahiya sa part ko dahil ako ang sampid dito.

Soul LibrettosOnde histórias criam vida. Descubra agora