♬ 28

601 36 6
                                    

Twenty-eight

Breath of morning

Dwaine Tolentino is calling...

Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang laptop ni Chriselle na tumutunog. Dwaine's calling her. Ano bang oras ngayon sa States at nagagawa pang tawagan siya ni Dwaine? Namatay ang tawag ni Dwaine at akala ko'y makakahinga na ako ng maluwag ng tumunog nanaman iyong muli.

It's just Dwaine, Fermatta. Come on.

Ilang segundo ata akong nakatitig sa laptop na iyon ng napagdesisyunan ko ng tanggapin ang tawag. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dwaine pero hindi tulad kanina na parang matutulog siya ngayo'y mukha siyang aalis dahil sa suot niyang leather jacket. Ayos na ayos rin ang kanyang buhok at tingin ko'y may show nanaman silang pupuntahan ngayon.

Then why is he calling Chriselle?

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha ng siguro'y napagtanto niyang hindi si Chriselle ang nasa kanyang harapan. From a smirking face his jaw suddenly dropped. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin and I can't help but to roll my eyes to him.

"Why are you giving me that face?" iritado kong tanong sa kanya.

Kumurap-kurap pa siya hanggang sa unti-unting kumurba ang malaking ngiti sa labi niya. It's bigger than I saw awhile ago. I saw something in his eyes. Excitement? Surprised? Happiness? I don't know pero pakiramdam ko'y gusto ko ring mapangiti dahil duon but I held it. Hindi ko iyon pinakita and instead of smiling, I frown at him.

"You look good, Fermatta! My God! It's been four months!"

"Idiot. Don't kid around"

Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya at napailing nalang ako. Same old Dwaine. Maloko pa rin sa lahat ng bagay.

"Your Chriselle isn't here. She has class baka mamaya pa iyon dumating. Just call her later kapag nandito na siya" pagbibigay ko sa kanya ng impormasyon.

Bahagya siyang ngumuso, "Sayang. I'll be gone the whole day dahil may pupuntahan kami. Anyway, kamusta ka?" aniya habang nakangisi.

"Fine. I still do the same old thing" ani ko na parang isang natural na bagay lang ang kausapin siya ngayon. Na parang hindi kami nagusap pagkatapos ng apat na buwan. This feels to natural. Dwaine is kind of a friend to me. Alam niya ang alitan namin ng kaibigan niya dahil nahuli niya kaming naguusap nuon sa dressing room ng Fola Theater. Aniya ay wala naman daw siyang gaanong narinig sa paguusap namin but his face when he talked to me that time eh parang alam na alam niya ang nangyari sa akin.

"May problema ka pa rin ba sa puso?"

"Fuck you!" malutong kong mura sa kanya at narinig ko nanaman ang halakhak niya sa kabilang linya. Kapag siya talaga ang kausap ay walang kang matinong bagay na makukuha. Ugh.

"Nagbibiro lang ako, Fermatta. But you didn't change a bit. Sana tinatawagan mo ako minsan, you know. May pinagsamahan din naman tayo nuong nandiyan pa ako sa Cecilian. Nakakapagtampo ka tuloy" aniya habang nakanguso na parang nagbibiro.

I know kahit na mukhang nagbibiro siya ay may bahid na katotohanan ang pagtatampo niya. Nuon kasing nawala sila ay isinara ko ang lahat ng bagay na pwedeng makapagkonekta sa kanila. I changed my number. I blocked Hilton one time he add me to his friendlist in facebook. Alam kong malupit ako. Pero ang gusto ko lang ay mawala ang lahat ng bagay na makakapagpaalala sa'kin sa kanya.

Huminga ako ng malalim at inayos ko ang buhok kong alam kong gulo dahil sa pagkakahiga ko kanina sa kama. Nakita ko ang pagsunod ng mata ni Dwaine sa ginawa ko, "I'll give you my skype name then. You can call me if you have time"

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now