♬ 12

678 74 21
                                    

♬ Twelve

I like stars better than the moon

I don't know how many minutes we've stayed in that position basta ang alam ko ay binitawan niya lang ako nuong hindi na ako umiiyak. He's just looking at me, worry-ness is visible in his eyes. Gusto kong lumayo at tumakbo paalis sa harapan niya pero hindi ko iyon magawa.

Narinig ko ang boses ni Pia, "Kuya Clef?"

Pinahid ko ang natitirang luha sa mga mata ko and with that I felt so stupid. I just cried and unfortunately in front of this guy. Will my life get even better? Sa lahat pa nang makakakita sa 'kin na umiyak ay siya pa, pakiramdam ko tuloy ay wala na akong maihaharap sa kanyang mukha dahil palagi niya akong nakikitang matapang pero ngayon ay iba. I am hopeless. I am weak deep inside.

Hindi man lang pinansin ni Clef si Pia at nakaharap pa rin siya sa 'kin. Nagiwas ako ng tingin at handa nang umalis sa harapan nila pero narinig ko ang boses ni Clef, "Let's just talk some other time. I have something to do" hindi ko pa naintindihan 'yung sinabi niya pero naramdaman ko nalang na hawak-hawak niya ang kamay ko at pababa na kami sa ground floor ng girl's dormitory.

Nilingon ko si Pia na hanggang ngayon ay nakatayo duon sa pinagiwanan sa kanya ni Clef. She's just looking at us pero malungkot ang mukha niya. I wonder why they are together at this time and at this place kung saan bawal ang lalaki.

Nang makalabas kami sa dorm ay sumalubong sa 'min ang ilaw sa mga poste. Nararamdaman ko ang tuloy-tuloy na pagvibrate ng phone ko sa bulsa ng jacket ko at alam kong si Lance iyon pero hindi ko 'yon magawang sagutin dahil hila-hila ako ni Clef. If this is just a normal day I will definitely hissed and whine in front of him dahil halos kaladkarin niya ako pero ngayon eh wala ata akong magawa.

Nakarating kami sa music building hanggang sa pumasok kami sa elevator. Binitawan ni Clef ang kamay ko at pinindot niya iyong button ng top floor, agad na nagsara ang pinto ng elevator nang kami lang ang naroon. Baka nga wala nang tao sa buong music building kundi ang mga guard dahil sabado ngayon at onti lang ang estudyanteng nagstastay sa Cecilian kapag ganitong araw.

Halos wala sa 'ming umiimik nuong nasa elevator kami. Pinagmamasdan ko lang ang malalapad niyang likod at gulo-gulo niyang buhok. Kagat-kagat ko ang labi ko at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Bakit ba sumama ako sa kanya? Sana hindi ko nalang tinakbuhan si Lance edi sana siya ang kasama ko ngayon.

Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nuon, lumabas agad si Clef at sinundan ko lang siya. Nasa top floor kami? Anong ginagawa namin dito? Ang alam ko bawal pumunta dito dahil dito ang office ng presidente na si Mr. Smith. Magtatanong na sana ako kay Clef kung bakit niya ako dinala dito ng paglingon ko ay wala na siya.

Where did he go?

Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang pintong nakabukas. He might be inside. Halos patakbo akong pumunta duon, hinawakan ko ang doorknob ng pinto at binuksan ko iyon ng malaki. Akala ko ay makikita ko si Clef pero iba ang bumungad sa akin.

The sky full of tiny stars.

Nanlalaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang kapaligiran. I saw a lot of stars shining bright like they never did it before. Punong-puno ang langit nito at hindi ko mapigilang hindi mamangha. This is my first time to appreciate this shining objects. Nuon kasi ay wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto ko at magmukmok o kaya naman ay magbasa lang ng libro.

Humampas ang hangin at nararamdaman ko nalang ang paggalaw ng mga buhok ko, naramdaman ko ang sarap sa pakiramdam na dulot nuon. Bakit ba ngayon ko lang 'to natuklasan? This is way better than staying inside the room, or sitting outside the dormitory.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now