♬ 43

264 21 1
                                    

Forty-two

Scared

"Naples airport" I murmured while reading the big letters imprinted in the white wall.

Ilang ingay ang narinig ko sa aking likuran kaya napatingin ako duon. I saw some of the airplane passengers hugging those people who are waiting for them to arrive.

Kahit madilim ay kita ko ang tuwa sa kanilang mata. Nagulat ako ng magtama ang mata namin ng isang bata. She was being carried by his father who was busy talking with some other guys in front of him.

Asul ang mata ng bata at kulot na kulay blond ang buhok. She also has those freckles that looks adorable on her cheeks. Lumukot ang noo ng batang babae at ilang saglit pa ay nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata.

Halos maghuramentado ang puso ko dahil duon. Nakilala niya ba ako?

Bago pa mahalata ng tao ang pagkakabalisa ko ay naramdaman ko ng may humawak sa aking kamay. My heart almost jumped! Nakita ko ang pagod na titig ni Clef sa akin habang bitbit niya ang ilang papel sa kanyang kamay.

"Are you alright?" he asked, worried laced on his voice.

Awang ang bibig na tumango ako sa kanya. I can see his jaw moving even if he was wearing a scarf on his neck. Tinignan niya ang kaninang tinitignan ko bago tumingin sa akin gamit ang mapungay na mata.

"That's just a kid. Don't worry, Ferm" mahinahon niyang sabi habang pinipisil ang aking kamay.

Ilang malalalim na paghinga ang aking ginawa bago ako tumango sa kanya at sumangayon. Yeah, that's just a kid Ferm. You don't need to worry.

Nang kumalma ako ay niyaya niya na ako palabas sa airport para makapunta na kami sa aming destinasyon. We are both silent, ako dahil sa takot na baka makilala kami ng tao sa airport kahit na madaling araw at madilim pa duon samantalang siya, siguro ay dahil ayaw niyang mas magalala ako.

I am being paranoid since the moment we got off from the plane. Natatakot akong may makakita sa amin kahit halos buong mukha namin ay nakatakip na ng sombrero at scarf. Alam ko naman kasing even with these disguise, if people will stare at the both of us they will instantly name who we are.

Kapag nangyari 'yun ay siguradong mapapatapon ako pabalik sa Pilipinas. Cecilian will look for me o kung hindi ang Cecilian ay si Mommy ang hahanap sa akin and it would be the worst scenario if ever!

Pagkalabas ng airport ay agad na pumara ng taxi si Clef. Nang may huminto ay agad itong kinausap ni Clef at ng magkasundo sila ay agad na bumaba ang taxi driver para tulungan kami sa aming mga bagahe.

The moment we are seated at the backseat of the taxi ay duon lang nakampante ang aking puso. I looked at the driver na parang hindi naman nakakahalata kung sino talaga kami, then to Clef's hand whose hand is still gripping mine.

Nang sumulyap ako sa kanya ay nakita ko lang siya nakatitig sa mga nadadaanan naming lugar. Even if it was dark outside because it's just two in the morning, you can still see how beautiful the place is. Pakiramdam ko'y nasa tropical akong bansa dahil sa nagtatayugang palm tree. Makalagpas sa mahabang tulay ay nakita ko ang malaking port kung saan nakadaong ang ilang cruise. Sa kabilang side nuon ay mas naglalakihan at naggagandahan ang mga building!

Ani Clef kanina ay may private beach resort siya dito sa Naples. He bought it the moment his family settled in Miami, kung nasaan nakatira sila Catalina at Fredd. It's just two hours drive away from Naples.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now