♬ 32

490 35 10
                                    

♬ Thirty-two

Not a bother

Song used: Creep covered by Daniella Andrade

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. I was thinking the whole encounter with Clef and the Creole.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Cael.

Tumingin ako sa kanya ng ilang segundo bago tumango at inumin ang kapeng halos lumamig na.

"I'm with Giana last night" aniya pero nanatili ang tingin ko sa kapeng hawak ko, "She's a colleague kasama ko rin siya nuong isang gabi. We accidentally met in downtown that's why we bought time to catch-up" pagkwekwento niya but no matter how endearing his topic is, hindi ko pa rin magawang makapagfocus.

"She said she saw me with you sa news. Kalat na sa media 'yung pictures na 'tin nuong November Fair. They thought we are... "

"Cael" he stopped talking when I suddenly uttered his name.

Tumaas ang kilay niya sa akin at ibinaba ang kapeng hawak niya. Nawala ang ngiti sa labi niya at sumeryoso ang tingin niya sa akin.

Kagabi ko pa ito gustong itanong sa kanya pero hindi ako makahanap ng tyempo. I feel like it's not right to ask him but it really bothered me.

"Nakausap mo ba ang Creole sa skype?"

Ni hindi ko nakitaan ng emosyon ang mukha niya sa tanong ko. Uminom siya ng kape at ibinaba iyon bago tumango sa akin.

"That night when you are sleeping in your room"

"D-did you told them that... " hindi ko maituloy ang dapat kong sabihin. Kinagat ko ang labi ko at tinitigan siya. I am hoping that he'll deny it or tell me na hindi niya iyon ginawa pero unti-unting naglaho ang pagasa ko ng makita kong muli siyang tumango sa akin.

He sighed deeply, "I told them I am your boyfriend, Fermatta. Sorry for that" aniya gamit iyong mapupungay niyang mata. Hindi ko alam pero may naramdaman akong inis sa ginawa niya, umiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang kapeng nasa harapan ko, "I know I should've not done that pero hindi ko lang kasi mapigilan. They asked me who am I to you, ayokong sabihin na isa lang akong manliligaw, na wala lang ako sa 'yo" he said like it really pained him.

I wanted to tell him na hindi ganuon ang tingin ko sa kanya. Na iniisip ko rin na pagdating ng panahon matutunan ko rin siguro siyang mahalin but I don't want to give him false hope. I don't want him to wait for me. Ayokong maghintay siya sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

"And those boys, they all looked so close to you. Nakita ko rin silang kausap mo nuon sa skype nung nasa Pilipinas tayo. I can't help but to feel jealous. I'm really sorry, Ferm. Hindi ko gustong mangialam... " he said in apologetic voice.

I just stared at my coffee for a minute pagkatapos niyang sabihin iyon. Ang tanging narinig ko lang ay ang paulit-ulit na pagbukas ng pinto sa cafe na pinuntahan naming dalawa ngayong umaga. I don't know what to feel anymore.

I am just bothered that Clef left last night without even talking to me properly. I thought we will be having a row pero ni hindi siya nagpaalam ng umalis siya. Siguro talagang ayaw niya lang akong makausap.

Naramdaman ko nalang na tinapik ni Cael ang balikat ko.

"Let's go. Malalate ka na sa training mo"

Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at tumango. I followed him hanggang sa makalabas kami sa cafe na iyon. Naiwan kami kanina ng bus papunta sa Opra-ah dahil hindi ako nagising ng maaga, siguro dahil sa kakaisip kagabi at dahil hindi pa ako nakakaadjust sa oras dito.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now