♬ 20

604 57 10
                                    

Twenty

Just the two of us

Song used: Uptown Funk by Mark Ronson

We stayed in the parking lot sitting on the sidewalk that night, I never mentioned anything and he didn't dare asking any stunt happened which is good in my part dahil sa ngayon ay ayoko munang pagusapan iyon. Ang gusto ko lang sana ay makakasama. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa dorm nuon pero ang huli kong natatandaan ay ang pamilyar na bango ni Clef na yumayakap sa ilong ko habang nakasandal ako sa pader sa parking lot.

Sa mga sumunod na araw ay parang nagiba ang mundo ko. Ilang beses akong kinausap ni Chriselle kung bakit hindi ko kinakausap si Lance pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. Kung nitong nakaraang linggo ay ang creole lang ang iniiwasan ko ngayon ay maging si Lance ay iniiwasan ko na rin and I feel so empty without them because ignoring Lance is like ignoring Chriselle, it's like having no one by my side pero anong magagawa ko kung hindi ko alam kung paano ko papakitunguhan si Lance.

I've saw him waiting for me sa labas ng dorm pero nang makita ko siya ay agad akong bumabalik sa kwarto. Minsan rin ay inaabangan niya ako sa hallway ng music department pero imbis na tumigil ako ay nilalagpasan ko lang siya. Nagkukulong ako sa music room para lang hindi niya ako matunton, kapag hapon ay sa rooftop ako pumupunta hanggang sumapit ang gabi. 'Yun lang kasi ang alam kong lugar kung saan papayapa ang isip ko, kapag bumabalik ako sa dorm ay tulog na si Chriselle kaya hindi rin kami nakakapagusap. 

Nagawa ko ring ituloy ang practice kasama ang buong dance department, para akong isang robot na kapag sinasabi nilang ulitin ko ang pagtugtog ay ginagawa ko. Blaire was present during our practices but I never laid my eyes on him, I still can't. I wanted to punch his face again for kissing me that night, for saying those words pero nawawalan ako ng lakas kapag naalala ko 'yung mukha ni Lance ng makita niya iyon.

Even the creole didn't approach me habang nasa practice kami but I saw them throwing glances at me lalo na si Hilton at si Clef. I didn't bother asking myself kung bakit hindi nila ako kinukulit siguro ay dumidistansiya din sila sa akin dahil sa nangyari sa cafeteria. Alam kong ayaw nilang palalain ang nangyari and seeing them with me will just ignite the fire.

Dumating ang sabado pero wala akong ganang lumabas ng cecilian. Nanatili lang ako sa kwarto para tapusin ang lahat ng mga naiwan kong homeworks at projects dahil sa pagprapractice para sa music fest.

"Ferm, I'm going to visit Lanie. Sigurado ka bang hindi ka sasama?" tanong ni Chriselle sa 'kin. Napatigil ako sa pagsusulat nuong marinig ko ang sinabi niya. Guilt ran through me at imbis na sagutin siya ay itinuloy ko ang pagsusulat ko. Hindi na siya nagsalita pa nuon at narinig ko nalang na bumukas-sara ang pintuan ng kwarto namin. Maybe she's tired with me. Napabuntong-hininga na lang ako. How can I face Lanie if I am the reason why Lance can't fulfill her wish?

Inabot ako ng gabi sa pagtapos ng mga dapat kong tapusin na homweworks at project, pakiramdam ko ay mas lumaki ang kalyo sa mga daliri ko dahil sa pagsusulat. Matapos nuon ay nagkasya nalang ako sa panunuod ng movie sa laptop ko. Nakahiga lang ako sa kama ko habang nanunuod nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. I searched for it and saw a text from Clef.

'I'm on the parking lot'

Napataas ang kilay ko nang mabasa ko iyon. What is he doing in the parking lot? Tumihaya ako sa kama ko at tinignan ang mga glow in the dark stickers na nakadikit sa kisame ng kwarto namin. Pupuntahan ko ba siya? What if may makakita sa amin? The issue about him punching Blaire's face is still fresh and I am fucking distancing myself to him but.. why is he the one I contacted that night I felt so lost?

Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at mabilis na pinatay ang laptop. Oh fuck. Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa sasabihin ng iba? Eh ano kung may makakita sa amin it's not like we're doing something bad at isa pa I should thank him for being there that night.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now