707 20: Epilogue

1.2K 42 23
                                    

Epilogue

SEEING THEM inside of the box made of glass. My heart skip a little bit. Humigpit ang hawak ko sa attache case at masamang tiningnan sina Mister Caline at Moina.

Ngising-ngisi sila habang nakatitig sa akin. Hindi ko maalis ang aking paningin sa dalawang tao na importante sa buhay ko.

Alam kong nahihirapan na silang huminga roon at sa pagkakataong ito hindi sumusunod sa usapan ang dalawang tao na siyang dahilan kung ba't nasa panganib sina Lola at Mommy.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob at alam kong sa mga oras na iyon katapusan ko na. Pero hindi ako makakapayag na mapatay nila si Lola at Mommy. Dumaan muna sila sa akin bago iyon mangyari.

"Laird Hedalgo, a.k.a 707, finally you are here." Bati agad sa akin ni Mister Caline.

Ang mga mata nito ay makikita ang pagkapuyat at ang katawan nito halatang-halata na rin ang katandaan. Pero kahit ba ganoon matikas pa rin ito at nalakas ang dating.

Gwapo pa rin, pero hindi no'n matatabunan ang kulubot na nitong mukha. Hindi ko rin masisisi si Moina kung bakit nahulog ang loob niya kay Mister Caline. Gwapo pa naman kasi ang lalaki.

Ngumisi ako at chill na nakatayo sa kanilang harapan. Ilang dangkal lang ang layo nila sa akin at hindi iyon sapat para mapuntahan ko sila Lola at Mommy sa hindi kalayuan.

Walang malay ang mga 'to. Sa loob ng kahon na gawa sa salamin. Shit! Paano ko sila maitatakas mula roon.

Hindi ako tanga, na basta na lamang wawasakin iyon. Dahil alam kong mahirap wasakin iyon. Kailangan kong makuha ang susing iyon na nasa kamay ni Moina.

"Yes, as you said earlier. So sana sumusunod rin kayo sa usapan, pero base sa nakikita ko. Mukhang hindi yata?"

Tumawa silang dalawa dahil sa aking sinabi. Humigpit ang hawak ko sa handle ng attache case. Pinipigilan ko ang aking sarili na patayin silang dalawa. Hindi pa oras. Hindi ko pa napapalabas sila Lola at Mommy rito mula sa loob.

I have one hour and half left. Kailangan ko na silang matapos lahat bago pa maubos ang oras ko. Iyon ang ini set ko lang sa relo ko. And I need to end all of this shits.

"Sumusunod kami sa usapan, 707. Hindi kami tulad mo," sagot sa akin ni Mister Caline.

Napatawa ako. "Hindi mo ba nakikita? Ako lang naririto. Kung gusto mo talagang makasigurado, ipa check mo sa mga tauhan mo sa labas."

Umiling-iling ito. Tela hindi nila nagustuhan ang sinabi ko. Hindi talaga, dahil kanina pa ako naiinis sa kanila. Ginagawa nilang mas komplikado ang lahat. Mas ginagalit nila ako. Mas binibigyan nila amo ng rason para patayin silang dalawa.

"You have only ten minutes para masalba mo ang Lola at Mommy mo mula sa glass box na iyon. Bawat pagpatak ng oras, mapupuno sa loob ng tubig. At alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari kapag mapuno ang tubig sa loob niyon. Kaya kung ako sa 'yo, gagawin ko lahat para mailigtas sila."

Kitang-kita ko kung paano ngumisi si Mister Caline pagkatapos niya iyong sabihin. Nagngingitngit ag aking mga ngipin dahil sa gusto ko na silang barilin pero hindi pa oras. Shit! Hindi ko ito inaasahan!

"Hindi kayo sumusunod sa usapan, ang usapan rito wala kayong gagawing masama kina Lola at Mommy!"

Pigil ko ang aking sarili magapos kong isigaw iyon sa kanila. Ngunit tinawanan lang nila ako.

"Ano ngayon ang pakiramdam na naisahan ha? 707? Masakit ba?" Si Moina habang ang laki ng ngiti sa labi.

Taas baba ang aking dibdib nang tingnan ko silang dalawa. Nandidilim na rin ang aking paningin at alam kong sa mga oras na 'yon. Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

707: The Hot DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon