707 2

1.6K 66 5
                                    

Chapter 2

MALAMIG NA TITIG ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa isang mamahaling silid. Hindi ko alintana ang aking mga kasamahan na may kaniya-kaniyang sariling mundo.

Inilapag ko ang aking atache case sa aking pribadong lamesa at agad iyong binuksan. May kinuha akong ilang bagay doon na importante saka ko inilagay sa bulsa ng aking polong suot at pantalon. Maging sa sapatos ay naglagay rin ako.

Ngising-ngisi ako nang magsimula na akong maglakad patungo sa kinaroronan ng matanda. Agad na sumalubong sa akin ang malalim at malamig niyang mga mata. Suot nito ang makapal na salamin na para lamang sa mga matandang hindi na nakakakita.

Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya akong diretsong umupo sa couch na nasa kaniyang harap. I don't have a time to respect him. Wala ako ngayon sa mood, lalo pa't binulabog niya ang pagtulong ko. Napatingin ako sa taong pumasok at agad na sumalubong sa akin.

"Akala ko hindi ka na darating," wika nito habang nakangisi sa akin.

Napaangat ang sulok ng aking labi saka hindi siya pinansin. Bumaling ako sa matandang lalaki na ngayon ay kaharap ko. "Ano nga ba ang kailangan mo at pinapunta mo pa ako rito? I think hindi mo na ako kailangan, andito na ang mga magagaling mong kampon."

Tumawa ito ng pagak sabay tayo sa swivel chair nitong inuupuan. Alalay nito ang mamahaling tungkod sa tagiliran. Inilibot ko ang aking mga paningin sa loob ng silid.

Napangisi ako ng nakakasar nang makita ko kung sino ang nga kasama ko ngayon. Detective 701: Adgo, 702: Gerin, 703: Heides, 704: Meroune, 705: Chaves and 706: Kirsten. Mga kilalang detective sa buong Pilipinas maliban na lamang sa aking itinatago ang identity. It just because I don't want to involve my real world.

"Pinatawag ko kayong lahat dahil sa isang malaki at mahirap na misyon," panimula nito. Ang detective heneral namin si Mister Bodge Hedalgo, my one and only grandfather.

Mas ngumisi pa ako nang marinig ang kaniyang sinabi. Kahit ano pa iyan, yakang-yaka ko. Pinitik nito ang mga kamay kasabay ang pagsilapitan ng mga tauhan nito at ayusin ang mahabang mesa na nasa aming harapan.

Agad na pinaandar ng isa sa mga tauhan nito ang laptop, agad na bumungad sa amin ang mukha ng isang matandang lalaki.

"Base on our investigation, kaninang ala sieti ng gabi namatay na si Mister Caline. Sa kinalabasan ng imbestigasyon ng mga pulis ito ay nilason."

Biglang tumayo si 701: Agno. "Kung iyon naman pala ang kinalabasan ng imbestigasyon, ano pa ang kailangan nating gawin?"

Tumingin sa aming lahat si Lolo dala ang seryosong mukha. "We need to investigate it so far. Dahil hindi ako naniniwalang nilason lang siya. Kailangan rin nating mahanap kung sino ang may pakana niyon ng lahat."

Muling bumalik si Lolo sa kaniyang kinauupuan kanina.

"Eh, bakit niyo pa po kami pinatawag lahat? Pwede naman po ang isa sa amin ang gumawa ng imbestigasyon tungkol sa pagkakalason ni Mister Caline. Hindi naman siguro ganoon kahirap ang imbestigasyong ito," sabat naman ni 703 Heides.

Pinagsiklop ni Lolo ang kaniyang mga kamay saka isa-isa niya kaming tinitigan. Mukhang seryoso nga ito sa ipinatawag na meeting. Hindi narin ako nagtataka kung bakit kami nandiritong lahat.

"Kung inaakala niyong ganoon lamang kadali ang imbestigasyong ito, diyan kayo nagkakamali. Ito ang masasabi kong pinakamahirap na imbestigasyong ating kahaharapin. Maski awtoridad hindi malaman kung sino ang pasimuno ng pagkamatay ni Mister Caline. Kaya't pinatawag ko kayong lahat. Kailangan nating magtulungan, dahil kung isa lang ang kikilos sa atin, hindi natin matatagpuan ang katotohanan. Hindi natin malalaman kung sino ang may pakana sa krimeng ito," mahaba nitong litanya.

Tumayo ako saka kinuha ang aking atache case. "Kung ganoon, oras na para mag-trabaho."

"Walang aalis hangga't wala pang pinag-uusapang hakbang, 707. Huwag kang padalos-dalos," pigil nito sa akin na siyang dahilan upang mapaupo akong muli sa aking kinauupuan kanina lang sabay irap rito.

Pakiramdam ko hindi na ako makahinga ng maayos kung kaya't niluwagan ko ang aking suot na neck tie. Asar!

"So whats the plan, Mister Bodge," tanong ni 706: Kirsten.

Inirapan ko rin siya. Ata't na ata't na ang paa kong umalis sa head quarters na ito. Hindi ko sinasayang ang oras para sa pagpa-plano at mga hakbang nila. Wala rin namang nangyayari kapag pinagpa-planuhang mabuti. Ganoon parin bulilyaso, mas mabuti pang hindi pinagpaplanuhan, mas nalulutas pa ang kaso.

"Just make it quick," bored kong wika.

Nagsikilos narin ang mga tauhan ni Lolo. Inilagay ng mga ito ang kakailanganin namin sa mahabang salaming mesa. Napaangat ang sulok ng labi ko. This is exciting. I think. Maybe. I hope.

I will no longer to be 707, if I am not that hot. Laird Hedalgo, and I am known 707: The Hot Detective.

A hot detective that will burn your heart through bullet. Ang hot detective, na handang ibuwis ang buhay masagip ka lang.

...

#707:THD

Ate Sari, <3

...

707: The Hot DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon