707 11

565 29 0
                                    

Chapter 11

PINAKATITIGAN ko ng mabuti ang papel na aking hawak-hawak. Isang malaking negative ang nakasulat sa ibaba ng papel. Ang nagpapatunay ng hinala ko. Ang hinala ko noon pa mang unang napunta ako sa misyong ito. Masama ito, masamang-masama. Hindi ako makapaniwala.

Iiling-iling ako habang isinisilid sa aking dalang jacket ang papel na iniabot kanina ng aking utusan. Itinago ko iyon sa bulsa ng aking jacket sa loob. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa aking sariling opisina rito sa head quarter.

Agad kong kinuha ang attache case ko saka binuksan iyon. Pinakatitigan ko ang singsing saka naningkit ang aking mga mata.

Ngumusi ako saka napailing. Hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng pwedeng taong pumatay kay Mister Caline, bakit siya pa? Ganoon na ba siya kagalit at napatay niya ito?

Ngayong alam ko na kung sino ang tunay na salarin. Kailangan ko munang humanap ng sapat na ebidensya para tuluyan na siyang makulong at mag-dusa. Wala pa akong sapat na ipapakita kay Lolo kung sakali man. Isa pa, papatunayan ko muna bago ko siya isuplong.

Inilagay ko rin iyon sa bulsa ng aking suot na jacket. Sa ngayon kailangan ko munang gumawa ng hakbang para makahanap ng sapat na ebidensya. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito.

Napabalikwas ako ng tayo nang makita ko si 706 na pumasok sa aking opisina. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Parang kahit anong oras ay susugurin na niya ako at sasakalin. Anong problema nito?

"707," tawag niya sa akin. Napalunok ako ng sariling laway nang makita ang kaniyang mata na nagbabaga dahil sa galit.

"706." Ngumisi ito nang tawagin ko ang codename niya.

"Sino ang babaeng palagi mong kasama?"

Napatawa ako ng pagak at nawala ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang kaniyang tanong sa akin. Umangat ang sulok ng aking labi saka amused na napatingin sa kaniya.

"So, are you jealous?" Masaya kong tanong sa kaniya habang unti-unting nilalamon ang espasyong namamagitan sa aming dalawa.

Biglang lumikot ang mga mata nito habang humahakbang papalayo sa akin. Iniiba nito ang direksyon ng paningin. Ang paningin niyang iniiwas sa akin. Mas lalo akong napangisi dahil doon. She is now in my trap, only on 707 trap.

Agad ko siyang ikinulong ng aking dalawang brasong nakatukod sa pader na kaniyang nasandalan nang wala na siyang maatrasan pang pader. Kitang-kita ko kung paano siya lumunok ng sariling laway, ramdam na ramdam ko rin ang malalim niyang hininga na dumadampi sa aking balata. Ang dahilan kung bakit tumindig ang mga balahibo ko sa aking batok. Iba ang karismang dating sa akin ni Kirsten at hinding-hindi ko mapigilan ang aking sariling hindi siya pagnasaan sa aking isipan.

Inilapit ko sa kaniyang tainga ang aking bibig saka ako bumulong, "Alam mo naman na ikaw lang ang pinakatatanging babaeng pinag-alayan ko ng aking pagmamahal, 706: Kirsten. Kaya't huwag mo sanang pagdudahan ang damdamin ko sa'yo. Because this hot detective in front of you can loved only once in his life. Iyon ang tradisyon ng isang detective 707. Remember that my Queen, mon amour."

MATAYOG ang building na aking hinintuan. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Wala akong makitang kakaiba. Kinuha ko ang aking baril sa dashboard ng aking kotse saka ko iyon isinukbit sa aking bewang. Bumaba ako ng kotse saka inayos ang aking suot na tuxedo.

Mapapatunayan ko lang ang hinala ko kung makikita ko siya rito sa Caline Enterprise. Kailangan ko lang hindi magpakita at magpahalata. Ngumisi ako ng nakakaasar nang harangan ako ng bodyguard sa entrance palang.

"Excuse me, Sir? May ID po ba kayo? Bawal po kasing pumasok sa loob kapag hindi empleyado at kakilala ng Caline kapag walang ID."

Kinuha ko sa aking bulsa ang aking ID. "Laird Hedalgo, CEO ng Hedalgo Shrine Enterprises," sambit ko habang pinagmamasdan nito ang ID na hawak-hawak.

"Sir, I am sorry. Pero hindi po capable ang age niyo. Twenty one palang po kayo, masyado po yatang maaga ang edad niyo para maging CEO ng sarili niyong kompanya," sabat pa rin nito.

Bigla akong napangisi. Naaasar na ako sa pinagsasabi nito. Kung wala lang talaga akong kailangang gawin kanina ko pa nabasag ang bunganga nito.

"If I wasn't mistaken. Once you are the only heir of your family, walang masama na maging CEO ng kompanya ng ganoon kaaga. Lalo pa't kung ginusto na iyong pasahin ng mga magulang mo sa'yo, hindi ba?"

Napipilan itong napatitig sa akin. Tindig na tindig ako saka ko siya tinapunan ng nakakainsultong tingin. Mukha naman siyang nahiya kung kaya't wala na siyang nagawa pa kundi ang pumayag.

"Sorry ho, Sir. Maaari na po kayong pumasok."

Inirapan ko ito pagkatapos akong bigyan ng daan at pagbuksan ng pintong salamin.

Hindi na ako nagtaka pa kung bakit halos ng mga empleyado ng kompanya ay sa akin napapatingin. Natitigilan sila at kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang paghanga.

Shit! Bakit hindi ko naisipang mag-disguise kanina? Tsk!

Tuloy na tuloy ako sa aking paglalakad. Papasok na sana ako ng elevator nang may mahagip ang aking mga mata. Luminga-linga ako sa paligid at napatingin sa isang pinto sa hindi kalayuan. Nang mapansin kong walang taong makakakita sa akin maingat akong humakbang papalapit sa pintong iyon. Agad ko iyong binuksan at pumasok sa loob.

Iginala ko ang aking piningin sa loob ng opisina kita ko ang dalawang CCTV sa itaas ng magkabilang sulok ng kisame. Napangisi ako, mabuti na lamang at hindi ito nakaharap sa akin. Nakaharap ito sa magkaibang direksyon.

Kinuha ko LED laser na nasa pulso ng aking polong suot. Itinutok ko ang pulang LED no'n sa mismong camera ng CCTV. Kitang-kita ko kung paano iyon unti-unting nilalamon ng apoy.

Napatingin ako sa mesa. Information Personnel. Akma ko na sanang bubuksan ang isang folder na pula na umagaw sa aking pansin nang bigla na lamang mag-vibrate ang aking cellphone sa bulsa.

Napamura ako nang wala sa oras dahil sa ang galing mag-timing nang tumawag sa akin. Agad ko iyong sinagot.

"Hello."

"Sir, ang papa niyo po..."

...

#707:THD

Ate Sari, <3

707: The Hot DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon