707 4

1.1K 48 3
                                    

Chapter 4

"BALITA KO may gagawin ka raw mamayang gabi? Ano na naman ang kagaguhan mong pina-plano, Laird? Hanggang ngayon ba naman hindi ka parin nagbabago? Ano na lamang ang sasabihin nila tita at tito, sa'yo?"

I just smirk when I heard again the voice of my long bestfriend. It's irritating lalo pa't nagsisimula na naman siya sa panenermon nito. Hindi na nakakatuwa minsan kung alam niya lang.

I sip a coffee from my mug before I stare at her. "Wala akong pina-plano, Miona. Masyado ka talagang advance mag-isip. Kaya tigilan mo na ang kakasermon sa akin, hindi na nakakatuwa."

Tinaasan niya ako ng kilay gaya ng mga ginagawa niya simula noon. "Ang sabihin mo ayaw mo na naman tanggapin ang katotohanan, hanggang kailan ka magpapaka-bayani? Hanggang sa ikaw na ba ang malagay sa panganib?"

"Pwede ba pakihinaan ang boses mo? Baka may makarinig sa sinasabi mo, Miona."

Natigilan ito dahil sa aking sinabi at nagpalinga-linga sa paligid. I sigh, like how was before. Wala na naman akong takas sa bunganga ng babaeng 'to.

"I'm sorry, nadala lang ako sa kaba na aking nararamdaman, bakit kasi ayaw mo pang umalis sa oraginsasyong iyan ng Lolo mo?" Bulong nito.

Huminga ako ng malalim saka napahilamos sa aking mukha dahil sa inis na aking nararamdaman. "Hindi mo alam, Miona kung ano ang nararamdaman ko. Kung gaano ko gustong tumulong sa mga taong naghahanap ng hustisya para sa mga namatay nilang kamag-anak. Kaya sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa."

"Alam ko ang intensyon at nais mo, Laird. Naiintindihan kita, pero hindi ko maiwasang mag-alala sa iyo. Paano kung mapahamak ka? Paano kung mawala ka na bestfriend ko? Paano na ako?"

Lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Hindi ko mapigilan ang aking sariling hindi mapalunok ng aking sariling laway.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa saka ko sinalubong ang mga titig niyang kakaiba.

"Miona, huwag kang mag-aalala sa akin. Hinding-hindi ko pababayaan ang sarili ko, I will no longer to be a hot detective kung hindi ko sila kayang patumbahin lahat."

Hinawakan niya rin pabalik ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya.

"Saka isa pa, sisiguraduhin kong sila ang unang mawawala, bago ang isang Laird Hedalgo," dugtong ko.

"Basta palagi kang mag-iingat sa mga misyon mo, Laird. Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mag-dadalawang isip na humingi sa akin, at sa mga batas na handa kayong tulungan. Minsan rin kailangan natin ng tulong ng iba, hindi lang palagi ang sarili mo ang makakatulong sa'yo," nakangiti nitong sambit.

Hindi ko rin mapigilan ang aking sariling mahawa sa kaniyang totoong ngiti.

NANDRITO KAMI ngayon sa bahay ni Mister Caline kung saan naganap ang panlalason sa kaniya noong isang gabi. Yumuko ako saka minarkahan ang mga dapat na markahan para sa crime scene. Kasama ko ang aking mga kasamahan sa pagta-trabaho at halos kami ay seryoso sa mga ginagawa.

Animo'y isang pagkakamali ang paggawa mo ng kaunting ingay at ang pag-tawag mo sa kanila ng pansin. Sa tahimik na gabing hindi na dapat pa isinagawa pa dahil may mapapahamak naman at may magbubuwis ng buhay sa hindi inaasahang panahon at oras.

Yumuko ako saka pinakatitigan ang carpet na kung saan natumba ng mga oras na iyon si Mister Caline pagkatapos malason. Ikiniskis ko doon ang kaunting tela na aking hawak-hawak at isinilid sa isang transparent na plastic.

"Kailangan na nating matapos ang dapat na matapos ngayong gabi, guys. We are running out of time. Dapat sa lalong madaling panahon ay matukoy na natin ang salarin," pukaw sa amin ni 703.

Ngumisi ako saka umiling. Biglang lumapit sa amin si 701.

"Matatapos rin natin ang kasong ito. Ang ipinagtataka ko lang bakit ganoon? Wala tayong makita kahit ni isang ebedensya laban sa salarin. Mukhang matagal na niya itong pinagplanuhang mabuti, kung kaya't ganoon na lamang tayo kahirap sa paghahanap," wika nito.

Some of us let out a deep sighed. "May punto ka, 701. Mukhang may mali sa mga nangyayari." It was 705.

Kung ganoon, pareho rin ang iniisip nila sa iniisip ko. Pero may isa pa silang hindi naiisip. Merong mali sa bangkay ni Mister Caline at sa takbo ng pagkamatay nito.

"Do you think na nilason nga talaga si Mister Caline?" Napukaw ang aking atensyon nang bigla na lamang sumabad si 704.

Deritso ang tingin na ipinukol ko sa kaniya. Hinihintay ko kung ano ang susunod pa na sasabihin niya. Our eyes is only at him.

"Anong ibig mong sabihin 704?" Tanong rito ni 706.

Unti-unti siyang lumapit sa isang salaming mesa ba nasa living room ng mansyon ng mga Caline. Inilapag niya doon ang isang sketch pad na iginuhit nito.

Napatanga ako nang makita ito. Ngunit ang mga iba kong kasamahan ay napakunot ang mga noo. Malamang at sa malamang hindi na naman nila naintindihan ang mga sketch na iyon. Mga guhit at linyang sa iba't ibang direksyon nakaturo. Para isa iyong sinulid na nagkabohol-buhol  pero kung pakatitigan mo iyon ng mabuti makikita mo kung ano ang tunay na nakaguhit roon.

Umangat ang sulok ng aking mga labi saka ko isinulat agad sa hawak kong maliit na notebook ang aking nakita. Salamat kay 704, may buo na naman akong isang scenario na magkokonekta sa lahat ng tunay na nangyari.

"Anong meron sa hindi maintindihang iginuhit mong iyan, 704?" Nagtatakang tanong ulit ni 706 rito.

Bago siya sumagot binigyan niya muna kami ng seryosong titig. "Hindi nilason si Mister Caline," diretso niyang sabi.

Napasinghap ang lahat maliban sa akin. Kung ganoon tama nga ang hinala ko pa noong una, na hindi talaga nilason si Mister Caline.

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi na mapigilan pang tanong ni 702.

"Hindi totoong patay si Mister Caline, dahil--"

Halos mapanganga kami sa sunod na nangyari. Bigla na lamang natumba sa sariling kinatatayuan niya si 704 na dilat na dilat ang mga mata habang naliligo sa sariling dugo.

Isang putok pa ng baril ang nagpakaba sa aming lahat. Isa na namang tao ang nawala sa amin. At ang pinaka importante pa sa grupo.

...

#707:THD

Ate Sari, <3

707: The Hot DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon