707 8

791 30 0
                                    

Chapter 8

MALAKAS na ihip ng hangin ang bumalot sa buo kong katawan nang bumaba ako ng aking kotse. Sa buong pagkatao ko ngayon lamang ako nakaramdam ng pagkasabik at pagkalinga sa pagmamahal ng isang magulang. Ni minsan hindi ko manlang naramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Mas lumaki kasi ako sa poder ng Lolo at Lola ko na wala sila. Sa mga oras na kailangan lang nila akong makita doon lang nila ako pupuntahan sa Hedalgo Shrine. Bibisitahin at sesermunan sa lahat ng mga kasalanan at kapalpakan kong ginagawa.

Sa pagdadala ko ng kahihiyan sa kanilang angkan. Its hurt yet its nice. Iyon ang dahilan kung bakit ako ngayon ganito. Kung bakit ako naging isang agent at bigyan ng hustisya ang mga taong namatay na walang kalaban-laban. Naging ganito ako dahil sa mga magulang kong matagal na akong itinatakwil at isinusuka ng kanilang mga puso at pag-aaruga.

Simula bata palang hindi ko na ramdam ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa akin bilang anak. Mas mahal nila ang kanilang kayamanan, trabaho at pera. Sa halip na ako ang kanilang pagtuonan ng pansin, mas inilaan nila iyon sa ibang bagay. Hinayaan nila akong mag-isang mamuhay sa mundo. Sa loob ng dalampu’t isang taon ang bumuhay sa akin ay ang tanging sarili ko lamang. Masasabi kong andyan sila Lolo at Lola para gumabay sa akin, pero mas lamang na ako lamang mag-isa simula pa noon.

I don’t know kung anong mali sa akin at ganoon na lamang sila kung itrato ako. They didn’t even love me, dahil hindi ko ramdam iyon. Kaya’t napapatanong ako minsan kung saan na ang sinasabi nilang ‘Walang mga magulang ang hindi natitiis ang mga anak’. The hell of that! Hindi nga nila naiparamdam sa akin ang kanilang pag-aalala at pagmamahal. Saan? Natiis nga nila sa loob ng dalawapu’t isang taon na hindi nila ako makita at makasama. Kahit isang taon lang silang dumalaw sa akin. Hindi parin iyon sapat para sa akin.

For me they are nothing but a waste of my time. Kaya’t sino sila para puntahan ko at makipagkita sa kanila ngayon doon sa Hedalgo Shrine? I am not part of their family anymore. Simula noong bata pa ako. Kung parte nga ako ng mga buhay nila dapat noon pa ipinaramdam na nila sa akin. Pero, hindi. Habang tumatagal mas lumalala.

Ngunit bakit ganoon? Matagal ko nang sinasabi sa sarili ko na hindi ako aapak rito sa Hedalgo Shrine at magpakita sa kanila, pero heto ako ngayon. Nakatayo sa bukana ng Hedalgo Shrine Village habang pinagmamasdan ang aming napakalaking mansyon sa unahan. Nagniningning ito dahil sa mga ilaw na nagmumula sa loob ng mansyon nat tumatagos sa labas ng bintana. Tanaw na tanaw ko ang gwardya na nakapalibot sa buong mansyon para sa proteksyon ng mga taong nakapaloob roon. May hinala akong gawa at utos na naman iyon ni Lolo.

Napangisi ako nang malasahan ko ang mapait na alak na aking iniinom ngayon. Hindi ko maiwasan na gustuhin silang makita ngayon pero nangingibabaw ang pride ko. Ayaw kong ako pa ang susuyo sa kanila. Tinupad ko na rin ang hiling ni Lolo Borge na pumunta rito. Hindi naman niya sinabing magpakita ako sa mga magulang ko. If they are wanted to see me, as their son. Then, I would like that, they are the one to make a move para makausap ako. Hindi ako iyong gagawa pa ng hakbang para magkita kami. Kahit doon lang, ipakita at iparamdam naman nilang mahalaga rin ako sa kanila kahit saglit lang.

Umigting ang aking panga nang sumagi sa aking isipan ang pagtutol nila tungkol sa pagasok ko sa agency ni Lolo Borge. Sa halip na ipamukha nilang nag-aalala sila tungkol sa kalagayan ko, pero mas pinamukha nila sa aking mahina ako at hindi ko kaya ang tarabahong ito. Now, look at me. I am not that Laird Hedalgo they say and see. Tinatawag lang nila ako kapag kailangan. At hindi ko ugali ang ako pa ang sumuyo sa kanila.

Iiling-iling akong itinungga ang huling laman ng beer in can kong iniinom at pabalya itong itinapon sa tabi nang maubos ko na ang laman. Puno ng pait at paninibugho na tinapunan ko ng huling tingin ang Hedalgo Shrine. “The hell I care!”

Padabog akong pumasok ng aking kotse at walang pagkaabog-abog na pinaandar ang makina niyon. Hahawakan ko na sana ang manibela niyon para umalis na ako sa lugar na iyon nang bigla na lamang may kumatok sa pinto ng aking kotse.

Gulat ang rumihestro sa aking mukha at mga mata nang makita ko kung sino ang taong iyon. “Anak, Laird. Kailangan kang makausap at makita ng Papa mo. Kahit sandali lang anak, sana mapaunlakan mo ang pakiusap namin sa’yo.”

HULI NA ba para makasama ko sila kahit ilang sandali lang. Huli na ba para sa amin ni Papa ang lahat. Hindi na ba mababago ang lahat? Ibalik na lang sa dati? Iyong malakas pa siya at walang iniindang sakit? Kahit ngayon lang na maranasan namin iyon at makapiling muli ang isa’t isa. Ngunit mukhang malabo na iyong mangyari. Lahat ng galit ko na kinikimkim ko sa aking puso ay parang bulang bigla na lamang naglaho. Naglaho nang makita ko siyang nakaratay sa kaniyang kama habang nanghihina.

Nagkita pa sila Lolo kahapon ah? Paano nangyaring ang lahat nang ‘to. “Inatake sa sakit sa puso ang Papa mo kahapon, anak. Pagkatapos naming makausap si Papa. Hindi na siya naagapan kahapon at ito na ang nangyari sa kaniya. Tuluyan na siyang na stroke,” nanghihinang usal ni Mama saka pinagmasdan si Papa na nakatingin lamang sa amin.

Hindi makagalaw at kung mag-salita man siya ay paungol na hindi ko masyadong maintindihan. Hindi ko napigilan ang aking sarili na umiyak. Lumandas ang aking mga luha sa aking pisngi. Kahit ano pa lang pagkamuhi kong nararamdaman para sa kanila. Nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanila. Unti-unti akong lumapit kay Papa, habang tinititigan ko siya. Hindi ko na sasayangin pa ang oras na ito.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay saka impit na napahagulhol. “Pa, lumaban ka…huwag kang susuko. Natatandaan mo pa ba ang sabi ni Lolo na ang mga Hedalgo ay may dugong matapang at malakas. Kaya sana huwag mo iyong sisirain. Matapang at malakas ka, Pa.”

“Hmm…ashak…” ungol nito. Umiling-iling ako.

“Shh…huwag ka nang magsalita, Pa. Let me speak at this moment. Gusto kong humingi sa inyo ng tawad ni Mama sa mga oras na wala ako sa tabi niyo. Sa mga oras na kailangan niyo ako bilang anak. Sana mapatawad niyo ako dahil ni minsan hindi ko sa inyo naipakita ang pagiging isang magulang. Patawarin niyo ako kung hindi ko sa inyo naiparamdam ang pagmamahal ko. Patawarin niyo ako kasi kinamuhian ko kayo at sinaktan. Sana mapatawad niyo ako sa lahat ng mga kasalanan ko, Ma, Pa. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana mabuo pa natin ang pamilyang ‘to.”

Humahangos sa iyak si Mama nang lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako. “Iiyak mo lang iyan anak, a true man, cry.” Tinapik-tapik nito ang aking balikat. Kaya’t hindi ko narin napigilan pang mas mapahagulhol.

“I am sorry, Ma. I am sorry,” paulit-ulit kong sambit. Kumawala siya sa akin saka hinawakan niya ng buo ang aking pisngi saka ako pinatitigan ng mabuti.

“Anak, Laird. Wala kang dapat ihingi sa amin ng tawad. Sa tutuusin kami dapat. Kami dapat kasi kami ang nagkulang sa’yo. Hindi kami naging mabuting magulang sa’yo. Hindi kami naging mabait at naging respiponsable sa aming tungkulin. Hindi manlang namin naipadama sa iyo kung gaano ka namin kamahal ng iyong Papa. Sa mga oras na kailangan mo kami, na hindi ka namin nadamayan. Anak, kami ang patawarin mo sa lahat ng pagkukulang naming nagawa sa ‘yo. Patawarin mo kami ng Papa mo. Mahal na mahal ka namin anak, iyon ang totoo. Hindi man namin naipapakita at naipaparamdam sa’yo. Mahal na mahal ka namin anak.”

“Pinapatawad ko na po kayo, Ma at Pa. Mahal na mahal ko rin kayo.”

Walang humpay ang yakap sa akin ni Mama. Pagkatapos no’n, nilapitan ko naman si Papa at mahigpit itong niyakap. Nakita kong basa rin ang kaniyang pisngi dahil sa mga luha niya ring nag-alpasan sa kaniyang pisngi.

“I love you, Pa,” bulong ko sa kaniyang tainga na siya ring sinagot  nito.

“Arab byu dyu angak, tawad.. (I love you anak, patawad).” impit na ugol nito, na siyang aking ikinaiyak ng husto.

...

#707:THD

Ate Sari, <3

707: The Hot DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon