707 18

589 25 0
                                    

Chapter 18

HALOS LAHAT HINDI makapaniwala dahil sa aking naging sagot. Mas lalo silang naguluhan at naging balisa. Maging ako rin ay hindi makapaniwala sa aking natuklasan. Nasasaktan rin ako, kasi naging kaibigan ko siya. Pero kailangan kong tanggapin na siya talaga ang salarin.

Hindi ko rin alam kung paano humantong sa ganoon si Moina. Kung paano niya napatay ang sarili niyang ama para sa lalaking mahal niya. Para kay Mister Caline Tubera. I found out na siya ang kabit ni Mister Caline, at iyon ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mag-asawang Hera at Caline.

Dahil sa pagmamahal at kagustuhang mapasa kanya nang tuluyan ang lalaking minamahal. Sinunod niya ang utos nito, ang patayin niya ang kaniyang sariling Ama. At ipalabas na si Mister Caline iyon.

Iyon ang pinalabas para aakalain ng asawa at anak ni Mister Caline na wala na ito. Nang sa gayon magsama na silang dalawa at magtago at manahimik. Pero dahil sa umeksena kami hindi natuloy ang plano nilang dalawa ni Mister Caline na mag-sama.

Kung baga kami ang hadlang sa kanilang pag-iibigan na dalawa. And sad to say, na hindi manlang iyon alam ni Mrs. Hera at Ms. Jennifer. Maging ni Mrs. Gina Park.

"Paano ko na laman na siya ang pumatay sa mismong ama, iyon ay dahil sa singsing na nakuha ko sa bangkay ni Mister Camino. Noong una, nagtaka ako kung bakit naroroon ang singsing ni Moina sa bangkay ni Mister Camino. Kung kaya't tinago ko. Noong una, akala ko lang wala. Pero unti-unti kong tinuklasan iyon, and bwelo. Nalaman ko na siya ang salarin."

Matapos kong i-kwento sa kanilang lahat ang dahilan kung bakit iyon nagawa ni Moina sa sariling ama. Naging tahimik ang lahat. Pilit na ina-absorb sa kanilang isipan ang impormasyon na nakalap.

Tumayo ako. Saka inayos ang suot kong tuxedo at pinatay ko na ang projector. Tapos na ang kaso. Solve na. Ang tangi na lamang naming gawin ngayon ay ang dakpin si Moina at Mister Caline.

Saka na lamang namin ipapaliwanag sa kanilang mga pamilya kung bakit.

Akma na sana akong hahakbang nang biglang mag-ring ang aking cell phone. Halos lahat ng paningin ng aking kasamahan ay sa akin nabaling.

Kinuha ko iyon sa aking bulsa at agad na sinagot. Hindi ko na natignan kung sino ang caller.

"Hello," sagot ko rito.

["Hello, 707: Laird Hedalgo. Friend, you miss me?"] Wika nito sa kabilang linya.

Napatawa ako ng mahina. Sino ba ang makaka-miss sa kaniya. Sa kabila ng mga nalaman ko?

"What if I say, no? Anong gagawin mo?" Hamon ko sa kaniya.

["Eh paano, kung ang Lola at ang mommy mo, na miss ka? Anong gagawin mo?"] Balik tanong nito sa akin.

Iyon ang dahilan para mapatigil ako sa pagtawa at gapangan ng kaba ang aking katawan. Biglang nangapal ang aking pisngi. Nainis ako dahil doon.

["Ano? Natigilan ka yata, Laird? Tinatanong kita. Anong gagawin mo? Kasi sa pagkaka-alam ko, nandidito silang dalawa sa mga kamay ko. Paniguradong na miss ka na nila. Hahaha!"] Tawa-tawang wika ulit nito sa kabilang linya.

"Fuck! Pakawalan mo sila or else--"

["Else what? What Laird? Papatayin mo kami? Nah, hindi iyon mangyayari. Bago mo pa iyon magawa sa amin ni Caline. Patay muna ang pinakamamahal mong Lola at mommy."]

I cursed between the call. Shit this fuck up! Paano nila nalusutan ang mga bantay sa hospital at bahay ni Lolo?!

["Kung gusto mong mabuhay pa sila. Pumunta ka rito sa i-t-text ko sa 'yong address. Dalhin mo ang lahat ng ebedensya na nakuha mo laban sa amin ni Caline. Ikaw lang. Wala nang iba pa. Kapag hindi ka sumunod sa usapan. Patay silang dalawa. Alam mong ginagawa ko ang binitiwan kong salita, Laird. Kaya sana, huwag kang magplano na ikakagalit namin."]

Magsasalita pa sana ako nang agad nitong putulin ang tawag.

Muli kong niligpit ang aking mga gamit saka nilampasan ang mga kasama ko. Pero hindi ako nakaligtas sa tanong ni Lolo.

"Sino iyon apo? Bakit yata naging iba ang awra mo?"

Lumingon ako sa kanila. Mas mabuti pang hindi sila madamay sa gulong 'to. Ayaw kong mawala sa kanila ang kahit na isa.

"Its nothing, Lo. Kaaway ko lang sa school. I need to go, may kailangan pa akong gawin."

Nagmadali akong lumabas ng meeting roon at dumiretso sa opisina ko. Habang nag-aayos ng aking mga gamit nang biglang bumukas ang pinto.

Agad na dumako ang aking paningin sa taong kakapasok lang. Agad kong iniwas sa kaniya ang aking paningin.

"Sabihin mo sa akin." Hindi iyon utos kundi alam kong alam niya na ang ibig sabihin no'n.

Huminga ako ng malalim. "Not now, Ten. Ayaw ko kayong madamay, mi amor."

Lumamlam ang kaniyang mga mata na tumitig sa akin. Napalunok ako ng aking sariling laway.

"Sasamahan ka namin sa laban mo, Laird. Saan pa ang pagiging samahan natin kung iiwan ka lang naming lumaban mag-isa."

Iniwan ko ang aking mga gamit saka ko siya nilapitan. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay saka iyon dinala sa aking mga labi. Banayad ko iyong hinalikan.

"Ikakmatay ko kapag may mangyaring masama sa 'yo, Mi amor. Isa pa, ako lang ang pinapapunta roon nila Mister Caline at Moina. Kung hindi ako susunod sa usapan. Papatayin nila si Lola at Mommy. Kaya please? Huwag mong sabihin kina Lolo."

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi saka ko siya hinagkan sa kaniyang noo.

"I love you, mi amor. My Kirsten Barba. My only 706," bulong ko sa kaniyang tainga.

"I love you too, 707. My hot detective. Laird Hedalgo."

Iyon lang ang kailangan ko. Para lumakas ako at may panlaban mamaya sa labanang matagal na dapat kong tinapos.

...

#707:THD

Ate Sari, <3

707: The Hot DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon