707 19

663 27 9
                                    

Chapter 19

ISINUKBIT KO ang kwarenta y cinco na baril sa aking bewang saka naglagay rin ako ng extra sa aking attache case na dala.

Inayos ko ang aking suot na itim na jacket. Sinuot ko rin ang relo kong rolex at ang itim kong high cut na sapatos. Kinasa ko ang aking dalawang baril saka iyon isinuksok sa bulsa ng aking jacket.

Ilang oras na lang at magkakaharap na kami nina Moina at Mister Caline. Hindi na ako makapaghintay pa sa mga oras na 'yon.

Gusto ko silang bugbogin at patayin. Huwag lang nilang gawan ng masama sina Mommy at Lola kung hindi. Ewan ko lang kung ano ang magagawa ko mamaya sa kanila.

Alam kong wala akong laban sa kanila. Dahil alam kong matagal na nila itong pinag-planuhan. Alam ko ring may mga tauhan sila sa lugar na kung saan sila naroroon. Alam ko ding hindi tutupad sa usapan si Moira at Mister Caline.

Sino ba naman kasi ang tangang kriminal na bubuhayin ang tulad kong nakakaalam ng sekreto nila? 

Biglang gumapang ang kaba sa aking dibdib at inaalala ko sina Lola at Mommy. Kailangan ko silang matakas agad mamaya bago pa sila madamay sa misyon kong 'to.

Handa na ang lahat. Handa na akong harapin sila Moina at Mister Caline. Ngunit kailangan ko munang hintayin ang address na ibibigay nila.

Napadako ang aking paningin sa aking cell phone na nakapating sa mesa sa bandang gilid ko, nang tumunog iyon. Agad ko iyong kinuha at ini-open ang mensaheng pinadala ni Moina.

Napamura ako nang makita ang mensahe ni Moina sa akin. Kinabahan ako nang malaman kung saan silang lugar sa mga oras na 'to.

Gumapang ang kaba sa aking dibdib para kina Lola at Mommy.

Kapag may mangyari sa kanilang dalawa. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Importante pa silang dalawa sa buhay ko. At hindi ako magdadalawang isip na patayin sina Moina at Mister Caline kung kinakailangan.

Binitbit ko na ang aking attache case saka inayos ang aking suot na relong rolex. I set a time on it. Napangisi ako nang may maglarong scenario sa aking isip. Wait for me Moina and Mister Caline.

Matagal ko na dapat kayong tinapos bago pa ninyo dinamay ang pamilya ko. Hinding-hindi ko ito papalagpasin.

Pinatunog ko na ang aking kotse saka inilagay sa loob ang aking attache case sa loob. Nandoon lahat ng ebedensya sa loob. Kaya't kailangan na hindi iyon mawala.

Isinukbit ko na ang seatbelt sa aking katawan at matalim na tumitig sa daan. This is it, pancit!

Pinaharurot ko na ang aking kotse. Wala na dapat na oras na sayangin.

Ipinarada ko ang aking kotse sa labas ng tower kung saan naroroon ang mga station ng mga naglalakihang drum na alam kong ang mga laman no'n ay langis.

Isang hagis lang ng apoy rito paniguradong sasabog ang buong lugar na itong kinatatayuan ko. Maging ang tower na itong nasa harap ko.

Pumasok ako sa loob ng ilalim ng tower habang dala-dala ang aking attache case. Sakto na pahakbang palang ako papunta sa loob tumunog ang aking cell phone na nakalagay sa aking bulsa.

"Hello," malamig kong sagot sa kabilang linya.

"[Masayang makita kang tumutupad sa usapan, Laird. Tumuloy ka lang. Mahihintay kami sa loob.]"

Ibinaba ko na ang cell phone at ipinasok sa aking bulsa. I am finally here.

...

#707:THD

Ate Sari, <3

707: The Hot DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon