Puno ng pag-aalala ang boses ni Mrs. Mendes kaya hindi ko mapigilang kabahan.

<"He's been sick for days pero ayaw niyang magpa-asikaso o magpadala sa ospital. Ayaw niyang magpapasok sa kwarto niya, kahit ako ayaw niyang papasukin. Hindi ko na nga pinapapuntang school pero hindi siya nakikinig sakin. He keeps on saying he'll get better but he's only getting worse!

<"Papunta kami ng Dad niya ngayon sa airport dahil nagkaproblema ang main branch ng company sa South Korea kaya pareho kami na kailangang umalis. Sinabihan ko na nga ang Pyxis na puntahan siya pero kahit sila ayaw papasukin ni Jacin sa kwarto niya.

"Please June, go to him. Take care of him. I'm sorry for asking too much. Nag-aalala lang ako sa anak ko. I know you can help my son. You are the one he needs the most right now.">

Tuloy-tuloy sa pagsasalita si Tita, mataman naman akong nakikinig sa kanya. Nagtatalo ang isip ko sa kung anong dapat kong gawin pero sa huli, nakapagdesisyon din ako.

Dinig ko ang hininga ni Tita mula sa kabilang linya, naghihintay ng sagot ko.

"Sige po, . pupuntahan ko po si Jacin."

<"Salamat, June." she says, relieved and grateful. "May isa pa sana akong pakiusap. Mabigyan mo pa sana ng isang chance ang anak ko." Tumigil siya ng ilang sandali bago muling nagsalita. "Jacin loves you, June. He really does.">

Agad kong niligpit ang mga gamit ko nang matapos ang tawag. Nagpalit ulit ako ng damit, itim na long sleeves dahil malamig, faded jeans at ang paborito kong pares ng converse.

Nagpaalam ako kay Nanay at nakangiti niya akong pinayagan. Sinamahan niya pa ako palabas ng bahay, itatawag niya na rin daw ako ng taxi.

Pero mukhang hindi na kailangan.

Dahil may magarang at mahabang itim na sasakyan ang kakahinto lang sa harap namin. Lumabas doon ang driver na niyukuan pa kami ni Nanay. Nagpakilala siyang butler ng mga Mendes, nandito daw siya para sunduin ako.

Medyo alangan pa si Nanay na pasakayin ako no'ng una pero pumayag din naman siya. Niyakap ko siya bago ako sumakay sa magarang sasakyan.

And then I'm off to the Mendes' Mansion.


~*~


"Miss Velasco, we're here." untag sa'kin ni Mr. Butler. Hindi ko namalayan na pinabuksan niya na pala ako ng pinto ng limousine. Ang tagal ko kasing nakatitig sa magandang mansion sa harap namin. Kita mula dito ang balcony ng kwarto ni Jacin. Biglang dumagsa ang mga ala-ala noong birthday niya. Ang dami naming napag-usapan sa balcony na 'yon, kinantahan niya rin ako ng Lost Stars doon.

Bumaba ako ng sasakyan. Nakasunod sa'kin si Mr. Butler hanggang sa makapasok ako sa loob ng mansion. Sinabihan niya ang isa sa maids na sumalubong sa'min na ihatid ako sa kwarto ni Young Master Jacin.

Mabuti na lang hinatid ako ng maid dahil siguradong maliligaw ako sa pagkalaki-laking mansion nila Jacin. Nagkikita-kita kaya silang pamilya rito? Ang hirap siguro kung dito maglalaro ng tagu-taguan.

Ayon sa maid, nasa ikatlong palapag na kami. Nakita ko agad ang Pyxis na nakatipon sa tapat pinakadulong pinto ng isang hallway. Iyon na ang kwarto ni Jacin. Bahagyang kumunot ang noo ko. Pamilyar sa'kin ang tagpong ito.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon