"Ano yung Porsche na tinutukoy ng kapatid mo?" tanong ko para lang makausap siya.

Tumayo siya at nagbanat ng muscles na nagdulot ng pagtaas ng damit niya. At dahi hindi ako nakatiis, nasilip ko yung stretch of skin na na-reveal ng pag-inat niya. Pumeke ng ubo si Migs at base sa smirk niya alam niya ang ginagawa ko. Buti at pinili niyang huwag punahin iyon. "Lumang kotse ng Lolo mo 'yon. Vintage. Ilang taon nang nakatambak sa garahe dahil sira na rin. Maraming bidders para sa kotseng iyon. Matagal na ring gustong bilhin ni AJ sa kanya pero ewan ko kung anong pumasok sa isip ng matanda para ibigay kay AJ ng libre."

Sana hindi na lang ako nagtanong. Para sa isang taong may kakaibang pananaw sa pamilya, doon pa siya sa hindi niya kadugo nagmamagandang-loob. "Pinag-aral ka niya sa kolehiyo at binigyan ng trabaho sa rancho niya. Binigay niya yung vintage car niya kay AJ. Tapos ako, kailangang magbayad ng renta para tumira ng ilang araw sa bahay niya. Ramdam na ramdam ko ang pagiging apo ko."

"Dapat mong intindihin na lahat ng ginagawa ng Kakang Isko ay may dahilan. Baka naman may hinihintay lang siya mula sa iyo," pagdedepensa niya.

"Yeah, right. Mamamatay na lang siyang naghihintay sa wala. I have nothing to offer." Syempre, mapait na ang tono ng boses ko. I can't help it. Nothing came easy for me. Lahat ng bagay kailangan kong paghirapan. Pati ba naman pagiging apo niya, kailangan ko pang sumailalim sa isang test?

"Iyon lang ang akala mo. Papatunayan ko sa 'yo na mali ang iniisip mo."

Napakunot ang noo ko. "Ha?"

"Papatunayan ko sa'yo," pag-uulit niya. "Sumama ka sa akin."

"Saan?"

"May tiwala ka ba sa akin?"

Hindi na ako nagdalawang-isip sa sagot ko, "Oo."

Mukhang nasiyahan siya sa madali kong pagsagot. "Bumalik ka sa bahay at magpalit ng damit. Pantalon. Babyahe tayo."

"Nagtatrabaho pa tayo," pagdadahilan ko.

"Ako nang bahala."

Medyo doubtful pa yung tingin na binigay ko sa kanya pero napaka-confident ng expression niya kaya nagawang mapawi ang pagdududa ko. Sinunod ko siya at bumalik sa bahay. Imbis na magpalit lang ng damit, sinabayan ko na ng ligo. Alam kong amoy horse shit ako. Himala na lang at natitiis ng mga kasama ko ang amoy ko. Siguro kasi mas matindi pa ang amoy nila kesa sa akin.

Hinayaan kong ma-relax ako ng tubig bago ako nagpatuyo at nagdamit ng gaya ng sabi niya. Jeans na sinamahan ko ng puting tank top. Iniisip ko kung papatungan ko pa ng cardigan kaso nga lang mainit kaya pinagpaliban ko na lang. Pagkatapos kong patuyuin ng kaunti ang buhok ko ay nag-apply na ako ng makeup. Kakapalan ko pa sana kaso naisip ko na si Migs lang naman ang makakasama ko at kung ano man itong pupuntahan namin, it is definitely not a date, kaya walang dahilan para mag-inarte. Manipis na coat ng lip balm at konting pahid ng mascara at handa na akong sumabak sa kung ano man itong trip niya.

Paglabas ko ng pintuan sa harap ng bahay, nakaparada na ang motor ni Migs doon at nakaupo siya, nakaharap sa kalye habang nakikipaglaro kay Ares. Buti na lang, kundi paniguradong mapapatigil na naman ako sa visual na piniprisinta niya. Ang sexy sa likod, paano pa kaya kapag nakaharap na?

Nakuha ko ang atensyon ni Ares na biglang kumawag-kawag ang buntot at tumahol patungo sa direksyon ko. Lumingon ang amo niya para sumilip pero nang makita ako ay bigla siyang tumayo. Ine-expect ko na ngingitian niya ako pero sinorpresa ako ni Migs nang titigan niya lang ako habang nakabukas lang ang bibig niya.

Somehow, sa loob ng kalahating oras na naghahanda ako, nakaligo na rin si Migs (kung saan siya naligo ay hindi ko alam dahil gamit ko ang shared bathroom namin), nakapag-ahit, at nakapagpalit ng damit niya. Wala namang nagbago sa porma niya dahil iisa lang ang style niya-maong pants at white shirt. O minsan maong pants lang. Pero kapag naka-motor, may jacket siyang suot.

Sa totoo lang, hindi talaga ako napapasabak sa mga awkward na sitwasyon dahil bago pa man maging uncomfortable ang aura, inuunahan ko na ng sarcasm o kaya naman tinatarayan ko na kung malala na talaga. Pero tila wala sa diwa ko ang dalawang iyon dahil katulad ni Migs, wala akong ibang nagawa kundi tumitig.

Naramdaman ko iyon. Kung paano nagbago ang hangin sa paligid namin. At first isang warm summer afternoon lang. Nang magtama ang tingin namin, everything shifted. Parang nagkaroon ng mini-earthquake sa kinatatayuan ko pero ako lang ang nakakaramdam noon. Parang gusto kong mag-collapse sa lupa dahil ramdam ko pa ang aftershocks. I suddenly wanted to run from the impending disaster.

Kaso na-sense niya ata ang urge ko para tumakbo dahil biglang nag-straighten si Migs, sumakay ng motor at pinaandar ito. "Sakay na," utos niya leaving me with no choice kundi sumunod.

Lumapit sa amin si Ares at binigyan ako ng puppy dog eyes. Gusto atang sumama. "Sorry, Ares. Pandalawang tao lang 'to. Uuwian ka na lang namin." P-in-at ko siya sa ulo bago kami lumipad ni Migs.

Walang pagdadalawang-isip naman akong kumapit sa kanya ng mahigpit all the while, nilalasap ang hangin sa mukha at buhok ko. Hinigpitan ko ang pagkakayap kay Migs at ibinaon ko ang mukha ko sa likod niya dahil kahit na masarap ang pakiramdam, nakaka-overwhelm pa rin.

Naramdaman kong binalot niya ang magkasamang kamay ko sa palad niya at pinisil ito na tila naiintindihan niya ang nagkakagulong emosyon ko. Natakot ako sa ginawa niya kasi ibig sabihin noon, isa lang ang kamay na nakahawak sa handlebars, baka ma-out of balance kami. Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko, hindi nakalagpas iyon sa masugid na si Migs dahil naramdaman kong gumagalaw ang tiyan niya. Tinatawanan niya ako.

With ease, binalik niya ang kamay sa handlebar at nakahinga ako ng maluwag. He has complete control of his bike. Mukhang ang tanging maa-out of balance lang dito ay ako.

Yep. Impeding disaster talaga.

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now