Marahan siyan ngumiti sa narinig. Unang kita pa lang niya kay Xiumin ay hindi 'di niya aakalaing gano'n kasungit ang binata. Hindi kasi ito bagay sa malambing na mukha nito, baby face para sa isang supladong tulad nito.

Ini-angat ng binata ang ulo nito at tiningnan siya. Halos kumabog naman nang pagkalakas-lakas ang kanyang puso. Parang mayroong kung ano na nais kumawala rito nang magtama ang kanilang paningin. Kulang na lang eh manlamig ang kanyang mga kamay at mangatog. Napakaseryoso ng binata, nakita niya ang malalim na paglunok nito naging ang pagtaas-baba ng adams apple nito.

Kulang na lang bumalibag ang pinto ng clinic nang ito'y bumukas. Naudlot ang pagtititigan nilang nilang dalaga at napalitan ng gulat. Nakita niyang pumasok doon ang ngiting-ngiting si Chen habang nakataas pa ang dalawang kamay sa hangin.

"The force may be with you!"

"Magbigay galang para sa pagdating ng nakakataas!" pagsigaw naman ni Chanyeol sa loob.

Kunot-noo siyang bumaling sa pintuan, nakita niya ro'n ang ilan pang mga binata na nakangiti sa kanya. bahagyang kumaway sa kanya si Kyungsoo samantalang ilag naman ang tingin sa kanya ni Luhan –bagay na kanyang ipinagtaka.

"Ano bang ginagawa niyo rito? Bakit kailangan niyo bang ihampas ang pinto r'yan!" asik ni Xiumin.

Pumlakda si Chen sa dulo ng kamang hinihigaan niya, Dumagan naman roon si Chanyeol at ginawang higaan ang kawawang si Chen. "Chill ka lang, gusto mo ba ng malupit kong apoy para naman mahimasmasan ka?" panunudyo nito kay Xiumin.

"Gusto mo bang ipanguya ko sa 'yo itong mga yelo ko?"

Marahan siyang napailing. Kaya nararapat na 'di pinagtatabi ang dalawang to dahil masyadong malakas ang epekto ng kapangyarihan nila sa isa't-isa. Sadyang magkasalungat at 'di talaga magkasundo.

"Louise, kailangan mo nang tumayo sa kamang 'yan." Tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Kai.

Sa itsura ng mga binatang nakatayo sa pintuan ay nababakas ang pagkasabik. Parang mga batang pinayagan ng mga magulang na sumama sa field trip, parang mga teenagers na nakahawak ng malaking pera.

"Okay, Compress tayo guys!" ngiting sambit ni Kai.

Mabilis na nagtungo ang mga 'yon sa tabi ni Kai, ang lahat ay nakahawak sa kanya-kanyang balikat. Humawak naman sa paa ko sina Chanyeol at Chen habang ngiting demonyo. Inilagay naman ni Kai ang kamay ko sa kamay ni Xiumin na ikinagulat ko. Hindi ko pa man iyon naalis eh kaagad naman no'ng inilagay ang braso ko sa leeg ng binata.

"Ano bang nangyayari, Kai?" gulong-gulong sambit ni Xiumin.

"Buhatin mo si Louise," sinunod naman nito ang sinabi ni Kai. "Magfi-field trip tayo."

II

"Buong buhay ko pakiramdam ko hindi ako natanggap ng mga taong minahal ko, hindi ako tinanggap ng buo ng mga kaibigan ko, iniwan ako ng mga taong inaasahang kong nasa tabi ko. Bakit nga ba napakasama ng mundo sa akin? Hindi kaya ako ang naging masama sa mundo" Naging mabagal ang lahat para sa kanya. Ang mabilis niyang pagtakbo'y tila naging mabagal, ang pagkahulog ng mga dahon sa paligid, maging ang pagpatak ng kanyang luha.

Nabigla siya sa nakita't napatigil matapos marinig ang alon sa hindi kalayuan. Lumingon siya sa ibabang bahagi kung saan niya nakita't natanaw ang mataas na bangin na kanyang kinatatayuan. "Sumuko ka nalang sa amin" hingal na wika ng mga pulis sa kanyang likuran. Humabol rin sa pagtakbo ang kanyang tita na bakas pa rin ang pagka-inis.

"Kahit na tumakbo ka makukulong at makukulong ka pa rin kaya sumuko ka na magnanakaw ka" Kaagad siyang umatras nang humakbang papalapit ang isang pulis sa kanya. Sumulyap siya sa bangin sa kanyang ilalim at napakagat ng ibabang labi.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now