Flashback! Hampas sa back!

283 5 2
                                    

Vice pov

Ganda talaga ng fiancee ko. Kahit kagigising niya lang sa umaga. Ang sarap sarap niyang asarin. Ang cute niya pag naaasar siya o nagagalit.Hahaha Sabi ko sa kanya ako na lang ang maghuhugas para atleast hindi masayang ang oras namin while I'm washing the dishes, naliligo naman siya. Kinikilig tuloy ako dahil parang totoong mag asawa na kami.hehe

Kung pano ako napunta dito sa bahay ng fiancee ko? Wait lang flashback please!haha

FLASHBACK..

I was sleeping nang may gumising sa diwa kong natutulog, may biglang humampas sa akin.

"Hoy! JOSE MARIE MARQUEZ! Gumising ka na diyan tanghali na! Itong batang to!" boses ni mom. Ano ba naman to si mom kababalik ko lang dito sa pinas bulyaw agad sa umaga.

"Bakit po ba mom?"inaantok kong tanong.

"Anong bakit! Gumising ka na diyan at maligo dahil susunduin mo pa ang maganda kong manugang."pagpapaliwanag nito mom. High blood agad mom?hehe. Napakaripas tuloy ako ng bangon ng marinig kong susunduin ko daw si Anne.

"Whaaat? Sinong susunduin? Anong meron? Bakit kailangan ko siyang sunduin?" Kunwaring hindi ako excited.haha pero excited talaga ako. Susunduin ko ang fiancee ko, ang saya naman ng umagang ito kahit nahampas ako ni mom ng unan sa likuran.hahah

"Itong batang to! Magsisimula na tayong magprepare for your engagement. Kaya tumayo ka na diyan at maligo." tugon ni mom na hinuhubaran na ako ng sando. Kaloka to si mom. Nakakahiya tuloy sa inyo. Ang laki laki ko na binibaby pa ako. "Mauuna na akong umalis sayo dahil papunta na ang tita ana mo sa venue." at kinuha ang mga iba ko pang damit na nakakalat sa may sofa ng kwarto ko.

"Ang aga naman." Habang pinipisil ko pa ang aking mata. "Excited lang mom?" inaasar ko siya.Hinampas niya ulit ako. This time mas malakas na.haha asar talo talaga to si mom.haha

"Anong maaga ka diyan! Tanghali ka lang gumising! Dali na! Go to the bathroom na. Look at yourself." Hinawakan niya ako sa braso ko para patayuin ngunit niyakap ko siya. "Dali na!"wika ulit nito at hinampas ang puwet ko.

"Mommy naman eh. Pakiss nga." Paglalambing ko sa kanya.

"Magmumog ka muna. Go na!"tugon nito sa akin. At tinutulak ako papuntang cr.

"Pahug na lang." sabay yakap ko sa kanya. "Opo maliligo na po."tugon ko.

"I want you to look good. Okay son? Wear a presentable clothes." sabi niya sa akin habang inaayos niya ang kama ko.

"Yes mom. I will." Sagot ko sa kanya habang nasa loob na ako ng cr.

"Okay I'll go ahead na. Baka kasi naghihintay na ang tita Ana mo dun. Text ko na lang sayo address nila."tugon ni mom.

"Okay, got it."wika ko at lumabas na nga siya. Habang ako naman ay abalang naliligo at excited dahil susunduin ko ang fiancee ko.hehe

Ayon na nga, napuno ng hampasan ang umaga ko. Daot din kasi si mom sa pagtulog ko. As she said, itenext niya nga sa akin ang address ng bahay nila Anne. Kaya hinanap ko ito. The guard opened the gate. Buti na lang at naabutan ko pa sila vhong. Paalis na sana sila.

"Oh brad! Ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni vhong habang binubuksan ang pinto ng kotse.

"Oh iho. Good morning. Anong sadya mo?"wika naman ni tito Albert.

"Good morning brad! Si bunso ba sadya mo?" tugon naman ni Billy.

"Good morning din po. Ah Oo brad! Hmm. Andiyan ba siya? Susunduin ko lang po siya tito." tugon ko naman sa kanilang tatlo. Ang gugwapo ng pamilyang to ha.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Where stories live. Discover now