VhongRylle

493 10 1
                                    

Other's pov

Habang abala sa pagluluto ang dalawa, si Anne naman ay mahimbing na natutulog. Samantalang sa kabilang banda naman ay abala ring naghahanda ng hapunan si karylle. At si vice, ayon tulad ni anning ay mahimbing rin ang tulog. Dahil tapos nang maghanda ng hapunan si karylle ay naisipan niya nang gisingin ang kuya niya para kumain.

"Ano kaya yung importanteng bagay na yun? Curious lang ako. Gisingin ko na nga si kuya baka nakalimutan nang gumising.hahaha" umakyat na ito at dahan dahan niyang binuksan ang pinto." Kuya gising na" medyo mahinang pag gising nito sa kapatid. Ngunit hindi naman ito sumasagot kaya nilapitan niya na lang ito at umupo sa katabi. Habang tinitignan ang kapatid ay bumulong ito. "Tignan mo to si kuya, wala paring nagbago. Magulo paring tao kahit sa pagtulog. Siguro stress ka na kay papa, no kuya? Pagpasensyahan mo na si papa ha, alam mo naman yun, hoping parin yun sayo dahil nag iisa ka niyang anak na lalaki." at tumayo na ito upang gisingin ulit ang mahimbing na natutulog na kapatid.

"Hoy kuya ko! Gising na! Gising!"
Sabay yugyog sa kapatid." Kain na! Gabi na!"

"Hmmmm.bakit?" naalimpungatan ang natutulog na vice.

"Mukhang wala ka nang planong gumising kuya ha!" niyugyog niya ulit ito.

"Bakit ba?"unti unting idinidilat ang mga mata.

"Gabi na kuya. Gumising ka na diyan." nakapamewang.

"Oo na! 5 minutes na lang."ipinikit ulit ang mata sabay yakap sa unan niya at tumalikod.

"Anong 5 minutes ka diyan! Gumising ka na diyan! Sige ka hindi ka na niyan makakatulog mamaya." pagpilit nito.

"Ito na! Ito na nga oh. Tatayo na. Bunganga mo!" dahan dahan itong tumayo na para bang tinatamad bumangon.

"Okay kuya. Una na ko sa baba ha. Tumayo ka na diyan. Sumunod ka na lang." palabas na sana nang..

"Oh siya, Oo susunod na lang ako. Ano ba ang niluto mo?" tanong nito kay karylle.

"Syempre! Adobo ala karylle no.hahaha" pagyayabang nito.

"Ay wow! Namiss ko yang adobong luto mo. Sige sunod na ko magpapalit lang ako ng damit." masayang sagot nito at nagpalit na ng damit.

7:30 pm na at tapos nang kumain ang magkapatid. Inililigpit na ni karylle ang kanilang pinagkainan.

"Kuya ako na niyan. Doon ka na lang sa sala, pahinga ka na muna dun." tumayo ito at kinuha ang mga pinag kainan nila.

"Anong pahinga? Kagagaling ko lang sa pagtulog. Pahinga na naman ulit? No, ako na diyan. Ikaw na ang nagluto kaya ako naman ang maghuhugas. Let me take care of this okay. Doon ka na sa sala." kinuha ang hinahawakang plato ni karylle.

"Okay! Sabi mo eh. Hinding hindi ko yan aayawan.Hahaha" inayos ang lamesa at mga upuan.

"Ayooon.! Diyan ka magaling. Nga pala labas tayo. Pahangin ba?" pagyaya ni vice kay K.

"Oo ba kuya! Gusto ko yan. Wala naman din akong gagawin kasi di na rin naman tuloy yung dinner." at biglang nalungkot ito sabay buntong hininga.

"Dinner?" nagtatakang tanong nito.

"Di ba I told you na may ipapakilala ako sayo." nakangiting sagot nito.

"Irereto mo sakin?" Excited at tuwang tuwa.

"Hindi ha. Pano naman ako.?"tinutulongang magdala si vice ng mga pinagkainan sa kusina.

"Oh soooo! Jowa mo?" inilapag ang mga plato sa lababo.

"Yes kuya!" Kinikilig. Pero hindi na tuloy yung dinner kasi may importante raw siyang pupuntahan." inilipag din sa lababo ang iba pang huhugasin.

"Importante daw? Babae lang yun" pang aasar sa kapatid habang naghuhugas.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Where stories live. Discover now