Paris Hilton

1K 13 0
                                    

Vice pov

Andito ako ngayon sa Paris..alam  niyo na, bakasyon. Actually narito talaga ako dahil sa dad ko. Pumunta ako dito para takasan siya. Ang kulit niya kasi eh. He wants me to be like him..eh bakla nga ako oh! Kaloka naman to si dad, bulag ba siya? Lantaran ko na ngang ipinapakita sa kanya ang kabaklaan ko pero ayaw niya paring maniwala..kalerki! Hindi daw siya naniniwala dahil ayaw ko lang daw talagang sumunod sa yapak niya..at dagdag niya pa sa dahilan niya, na wala raw silang lahing bakla maging sa puder nina mom. Oh diyos ko po lord help me.hehe

My dad is a general, isang huwarang general. Mapagmahal sa bayan at hinding hindi masusuhulan ng pera o anumang  bagay.

By the way, ako nga pala si Jose Marie Marquez panganay na anak ni Joey Marquez. Tatlo kaming magkakapatid at nag iisa lang akong anak na Lalaki pero hindi na ngayon dahil tatlo na  kami.hahaha. etchus lang.hehe
Si karylle ang sumunod  sa akin, mahilig siyang kumanta at ngayon nasa US siya upang ipagpatuloy ang pagiging ballerina niya at pagkanta. Okay Lang yun kina dad at mom because Babae naman daw si K at may kompanya naman kami para manahin nila nang bunso naming kapatid..

Speaking of bunso so Coleen my baby sister. Isa siyang doctor, she wants to help daw those people who are in needs.. Especially those people na can't afford ang pagpapahospital . Mabait kasi yung bunso namin, Maawian at matulungin mana kay mom..oh? Grabe naman kayo,wag  naman kayong mapanghusga maawain din  naman ako't mabait, Hindi nga lang halata.Hahaha Gusto niya din daw kasing maging tulad ni mom.

Agot Isidro Marquez, nakilala niya si dad sa isang battle field..heheh charot lang. Sa isang medical mission sa India, kung saan si dad ang naatasang tumulong sa mga Filipino doctors na ipinadala sa India. Syempre hindi naman puro gyera na lang ang tungkulin  ng mga tulad ni dad. Hahaha bahagi din ng tungkulin nila ang suportahan at tulungan ang serbisyong medical, lalo na kung makakabuti naman ang hangarin nito sa bayan.

Masungit raw si mom. Halos ito lang daw ang hindi pumapansin sa kanya na nakakuha nang kanyang atensiyon. Hindi naman talaga masungit si mom, talagang  OA lang  yung pagkakakwento ni dad at OA talaga si dad.hahaha Syempre no, doctor si mom busy siya sa kanyang responsibilidad sa bayan kaya Wala siyang time para lumandi.haha seryoso siya sa pagiging doctor niya lalo na't maraming nangangailangan ng tulong niya noon pero kahit raw ganon si mom, alam niyo na the word MASUNGIT ayon nga kay dad na OA hindi niya tinigilan ito..Sinuyo niya ng Bonggang bongga ito. Kaya ayon! Tiklop parin ang lola mo.hehe napasagot parin niya ito ng oo at ikinasal after a years, so that's why I'm here. Gorgeous and so beautiful..beautifully made by heaven and earth.hahahaha.wag ng kumuntra! Tatamaan kayo sakin! Agigil si ako sayo.haha

Mahaba ba?oh wala kayong pakels moment ko to..hahaha

Ayan ha! I'm already  done introducing myself at ipakilala ang akong family tree..so move on, baka mapakamot ka lang sa ulo..present na tayo.hehe

Heto ako ngayon sa isang wishing fountain ( feeling  bata lang haha ). Ang dami ko kasing naririnig na marami na raw itong fountain na ito na tinutupad na wish..Matry nga.hahaha

Syempre kailangan mo ng barya no, akala niyo ba libre lang ang pawish sa mga fountain na ito..no oh oh!hahaha.kaya kumuha na ko ng barya sa aking bulsa  bago pa man mapanis ang wish  ko.haha at sinabayan ko pa ito ng halik para abot langit ang balik.bwahahaha. so ayon na nga kinuha ko na yung barya sa bulsa  ko..bago ko pa man maitapon ang barya ko sa fountain ay may biglang tumama sa mukha ko dahilan para mapaaray ako.

"Aray !ano ba yan!mukha bang fountain ang mukha ko at sa mukha ko pa talaga itinapon ang wish mo!may problema ka ba sa mukha ko ha!" pagalit kong sambit.

"Sorry. I didn't do it in purpose. I'm really sorry sir." malambing niyang wika.

"Aba! Gagang to!" Oo gaga dahil I think  babae siya dahil sa boses  niya. "Wala ka bang mata ha at mukha ko pa talaga ang pinunterya mo?" galit kong sagot sa kanya.

"I"m really sorry..I didn't meant it..sorry po talaga sir..sorry."

Yun na lang ang nasabi niya, sabay takbo. Mukhang pilipino din siya dahil marunong siyang managalog.. Muntik na akong maisahan nun ha..Likod na lang ang nakita ko sa kanya dahil bago ko pa maiangat at maidilat ang mga mata ko ( Syempre mapapapikit ka sa sakit di ba Sabay duko haha ) ay kumaripas na siya ng takbo.

"Aba! Tarantadang to!tinakbuhan lang ako..siguro pangit tong babaeng ito, di man lang niya ipinakita ang mukha niya sakin..tse! Ang ganda ganda ko pa naman at nilagyan niya lang ng bukol ang noo ko. At tinawag niya pa talaga akong Sir..Panira ng bakasyon to..grrrrrr!nakakapanggigil " ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Where stories live. Discover now