Busy Day

368 8 0
                                    

Coleen's pov

Magandang umaga probinsya. Ang sarap nang tulog ko. Parang ang sarap tumira dito no. Ang sariwa ng hangin. Gusto ko itong ubusing langhapin.haha Nakahiga parin ako sa kama, nakapikit ang mga mata. Dinadama ang ganda ng umaga. Nang may humampas sa akin. Hindi lang pala sa akin pati rin kay ate K.

"Aray! Ang sakit nun ha! Kita nang natutulog pa ang tao!"wika ni ate. Nang maidilat ko na ang aking mga mata nagulat ako sa aking nakita. Papahampas na naman siya. Si kuya lang pala. Buti na lang ay nakailag agad ako.

"Kuya naman eh! Umagang umaga nanghahampas to."inis kong sabi.

"Ano yun babe?"biglang bangon ni ate Anne. Nabulabog tuloy namin ang kanyang pagtulog. At may paparating na namang isang hampas ngunit hindi na sa akin kundi kay ate K.

"Aray kuya! Tama na nga. Ang sakit naman nito makahampas."pagrereklamo niya.

"Anong umagang umaga! Anong masakit!?"galit ni kuyang sabi. "And what are you doing here? Di ba doon sa kabila ang kwarto niyo? Kaya pala ang sikip sikip! Nagkanda hulog hulog pa ako sa kama! Pano kayo nakapasok dito?"

"Natutulog. Binuksan yung pinto tapos pumasok na."pamimilosopo kong sagot sa kanya. Bigla akong napayakap Sa likod ni ate Anne nang aakma na naman siyang hahampas sa akin. Si ate karylle naman ay may yakap yakap na unan. Anytime na hampasin ulit siya ng bugnutin naming kuya ay may ipanananggalang siya.

"Babe it's okay. Enough na yan."napapatawa tuloy si ate Anne sa ginagawa naming tatlo.

"Sorry na kuya. Gusto lang kasi naming makasama kayo sa pagtulog. Namiss kaya namin kayo."pambobola ni ate K. Asus! Bola pa more ate. Sana madala si kuya.

"Eh kasi tong.. tong dalawang to eh ang kulit."nagngingitngit ito sa galit. Haha buti na lang nandito si ate Anne may kakampi na kami palagi.Haha

"I said enough na babe. Put it down na. Kailangan na nating bumaba para mag almusal dahil magiging busy tayo ngayong araw."

Ay oo nga pala may medical mission kami ngayon. Pero dito lang gaganapin sa hacienda nila. Planado na ito ni ate Anne bago pa man sila pumunta rito sa probinsya. That's why marami siyang dalang gamot at medical equipments. Yearly nila itong isinasagawa rito. Kung wala raw si ate Anne, tita mama ang doctor at may pagkakataon din na kapag umuuwi run dito si uncle James. Siguradong masaya to. Buti na lang ay sumama ako. Hehe

"Good morning mga sis and sayo din meme."bati ni Matt na may isinusubong tinapay.

"Good morning guys. Mukhang ang sarap niyan ha."sabay lapit niya sa mesa at inagaw ang kutsarang hawak hawak ni Billy na isusubo na sana nito. "Did you made this kuya?" tanong niya kay Billy habang punong puno ang bibig niya.

"Nope! Si teddy nagluto niyan. Masarap ba?"sagot ni pangit. I mean ni Billy. Ayos tong mga lalaking to ha. Infairness pwede na. Pasado na. Because they know how to cook. Mas cute sa isang lalaki ang marunong magluto. Tulad ni kuya. Sila ni mommy ang tagaluto sa bahay. Pero mas hinahanap ko parin yung luto ni kuya. Pang master chef kasi ang talent niya. Hehe

"Yup! Ang sarap! Tikman mo babe."sabay subo niya kay kuya. Ang cheesy naman nitong dalawang to. Umagang umaga. Hays. Makakain na nga rin bago pa ako maumay.

"Umm. Masarap nga."pagsang ayon ni kuya habang ngumunguya nguya pa ito.

"Salamat bunso. Oh upo na kayo."ani kuya teddy.

"Chibugan na!"wika ni kuya jugs. Ito talaga si kuya basta kainan ang usapan, hindi papaiwan. Di pa man kami nakakatapos kumain ay may paparating na namang dessert. Fresh from the trees. Mga bagong pitas na prutas. Yum! Yum! Yum! Sarap ng buhay.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt