BWISITA, BISITA

353 5 0
                                    

Vice pov

Kahit kakatapos pa lang ng pasko ay balik trabaho na ulit kami ng asawa ko. Bilang may asawa na ako, ako na ang nagpapatakbo ng isa pa naming negosyo. Sanay na ako sa ganitong trabaho, ang mag organisa ng event. Kahit pagod at abala sa trabaho gumagawa parin ako nang paraan para ihatid at sunduin si Anne sa kanyang trabaho nang walang mintis at walang paltis. Mas gusto ko pa ang ganito, nakikita sya araw araw sa kabila ng kapaguran ko. Dahil sya ang nakakapagpawala ng pagod at stress ko. One month na kaming mag asawa but still nandon parin kami sa stage ng getting to know. Unti unti na namin nakikilala ang isa't isa. At habang tumatagal, mas lalo ko pa syang minamahal. Bangayan? Hindi uso yan saming mag asawa. Kulitan at asaran, yun ang madalas naming ginagawa.

Ang bilis ng araw, mag iisang linggo ring nagkaroon nang ingay ang bahay namin at dahil bukas ay bagong taon na napuno ng bwisita este bisita ang tahimik naming tahanan.

Simula noong pasko hanggang ngayon ay dito muna nanatili ang aming pamilya kahit pa abala kami ng asawa ko sa trabaho. Nadagdagan pa ito dahil sa pagdating ng pinsan kong si jhong at ng pinsan naman nila Anne na si teddy. Mag iisang linggo na rin silang dalawa na nandirito at na titiyak kong wala silang planong umuwi sa kanilang bahay. Si teddy na hindi mawala wala sa paningin ko sa kadahilanang mas madalas pa itong nakadikit sa asawa ko kumpara sa akin lalo na pag uwi namin galing trabaho.

Sya ang unang tumatakbo papunta sa asawa ko para yakapin ito. Ang sarap ngang pauwiin eh. Hehe nakilala ko na rin sa wakas ang daddy nila. The one that she was talking about. Dr James Smith. Simula noong bata pa lang daw sila ay naging bahagi na ng pamilya nila si Dr Smith, I mean daddy 2. Aba syempre nakikidaddy na rin ako no. Haha bukod sa tatlong ito kinaumagahan ay  nagsidatingan din ang mga pinsan ng asawa kong si Anne. Kasama ang mga pamangkin niya. Kaya heto ako ngayon nagmumukmok sa aming kwarto. Nakakainis! Nang maya maya pa'y may biglang kumatok at sabay bukas na rin ng pintuan. Hindi ko alam kung sino ito dahil  sa nakasubsob ang aking mukha sa unan.

"Sino yan?" Tanong ko ngunit nakasubsob parin ang mukha ko sa unan. Alam kong hindi iyon si Anne dahil hindi sya marunong kumatok, I mean wala sa vocabulary nya ang kumatok ng pintuan. Hahah kaya nga there's one time na nakita na nya akong nakahubot hubad sa CR. Tawang tawa talaga ako sa tuwing naaalala ko iyon. Hahaha. Malay ko ba naman na papasok sya. Hahaha nakita na nya tuloy si junjun. Sa sobrang inis nya hinampas nya pa ako nang tabo. Syempre kahit may shower ay may patabo parin sa CR namin. Late na kasi nyang narealized nang mahimasmasan na sya ng pag ihi nya, na naliligo pala ako sa loob. Tanghali na kasi sya kung magising. Madalas tatayo sa kama nakapikit papuntang CR. Ganyan ang asawa ko.Hahah. Tsaka ba't ba sya naiilang? Sabi nya pa sakin noon ay doctor sya at normal na para sa kanya ang makakita nang nakahubad, nang nakaganon pero kung makatili at makahampas nang tabo daig pa ang first time makakita. And so what kung makita nya, eh mag asawa naman kami.hahaha kaloka.

"Hi po tito vice. Can I come in?"boses ng isang batang babae. Kaya napalingon tuloy ako sa pagkakahiga. Si kendra lang pala. Panganay na anak nila cheska at Douglas. Ang pamangkin sa pinsan ni Anne. Bakit kaya sya naparito?

"Hello baby. Of course come here. Are you looking for your tita Anne?"nakangiti kong tanong sa kanya. Lumapit sya sa kinaroroonan ko.

"Gusto ko lang pong pumunta rito, just to see you po. What are you doing here po? Bakit ka po mag isa?"biglang tanong nya sa akin, na syang ikinagulat ko naman.

"Nothing. I just wanna lay in bed. You came here just to see me? Why baby?"

"Hmm. Because you're alone po. And kasi po nakakapagod maglaro. Tita ninang is playing with Gaven and Scarlet. Everybody's busy down stairs so I've decided to be here na lang po. Okay lang po ba?"habang pinaglalaruan nya ang dulo ng damit nya. Kaya naman pala atleast I have someone to talk to kahit bata lang.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora