Surprise! Just for tonight

336 5 0
                                    

Vice pov

Akala ko siya na yung nagtext, si karylle lang pala. Hays! Bigla akong nalungkot. Nagtatanong kasi yung sis ko kung nasaan na daw ako. Dahil dumating na daw kapatid ng Jowa niya. Sabi ko sa kanya, punta na lang ako dahil inuubos ko pa ang kape ko. Pero actually tinatamad na akong bumalik kaya napag isip isip kong tumambay muna dito sa cafeteria ☕. Ano na kaya ginagawa niya ngayon? Nakarating na siguro siya sa dinner nila ng kapatid niya. Kung anu ano na naman ang pumapasok sa isip ko, napupuno na naman niya ang buong utak ko. Naninibago na ako sa sarili ko. Normal pa ba ito sa isang tulad ko. Ang saya ko na sana kanina nung nagtext siya eh, pero hindi na siya nagreply.

Mga ilang saglit ay may nagtext ulit. Kulit talaga nito ni kulot. Sabi nang pupunta na lang ako eh. Ang kulit talaga!

Pagkabukas ko, nakaramdam ulit ako ng saya. Halos mapatalon ako sa tuwa. And yung feeling na, nanginginig yung mga kamay mo sa sobrang saya mo dahil nagtext ulit siya.

From baby girl

"Sorry late reply. Bat ang lungkot ng mukha mo?"

Ha malungkot? Malungkot ba ko? Shit! Ano irereply ko. Pero hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at agad agad akong nagreply.

To baby girl

"Ha? Malungkot? Di naman ah."

From baby girl

"Kanina ang lungkot ng mukha mo pero ngayon masaya pero nagtataka 😮. Sino kaya ang nagpapangiti sayo sa mga oras na to? Inggit naman ako sa kanya.😞"

Manghuhula ba siya?hehe. Pero atleast may napag uusapan kami. Para naman may dahilan ako para makatext  siya.

To baby girl

"Manghuhula ka ba? Bat ka naman maiinggit?"

Kung alam mo lang ikaw ang nagpapangiti sakin ngayon. Napabulong na lang ako sa sarili ko.

From baby girl

"Pwede? Hehehe. Smile na diyan. 😉😁. Syempre dahil hindi ako ang dahilan ng ngiting yan."

Kung alam mo lang..

To baby girl

"Sira! Alam mo bang ikaw pa lang ang nagpangiti sakin ngayong araw na to.😊 Yung ngiting ikaw ang sunshine ko.hehe. Hindi na busy?"

Pabiro kong text sa kanya. Napangiti na naman niya ako.

From baby girl

"Ayan! Mas pogi nang tignan.Mas bagay.😉 Hindi na po. Actually may pinuntahan ako."

To baby girl

"So pwede na kita istorbohin!?🙌 Baliw!😊 hmmm. I know, di ba sabi mo may dinner kayo ng kuya mo."

From baby girl

"Yup! As long as you want.👌 Oo meron nga pero may pinuntahan akong iba."

Nalungkot tuloy ako bigla ng sabihin niyang may pinuntahan siyang iba. Samantalang ako andito mag isa. Kung sa bagay hindi naman ako importante sa kanya.

To baby girl

"Huh? San naman?😢"

From baby girl

"Bat malungkot ulit? Hmmm. May nagtatampo po kasi sakin, minsan ko lang siyang nakilala. Nabobored daw siya eh. Pero sabi ko kanina sayang di ko siya masasamahan dahil may dinner kami ng kuya ko."

Buti pa yung taong yun masasamahan mo. Sana ako din. Nung sinabi ko sa kanyang nabobored ako, hindi daw siya pwede. Napakaswerte naman ng taong yun dahil siya ang pinili mong samahan.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Where stories live. Discover now