My wife is a fan-girl

384 8 0
                                    

Vice's Pov

Kababalik lang namin galing Cebu kasama ang mga forever asungot naming kapatid at pinsan. Super nag enjoy ako kahit nangangatog ako sa takot sa Canyoneering. Kung sino pa tong sakitin ay iyon pa ang mas malakas ang loob kesa sa akin. At iyon ang misis ko. Sa kanya lang ako natututo ng mga ganitong bagay. Ang sumubok ng hindi basta bastang bagay. But thanks to her, nalalabanan ko ang takot ko. We stayed at Plantation Bay Resort and Spa.

Lagi nga nilang pinagtitripan si Ryan. Haays! Para talagang mga bata. Ito namang misis ko, nakisabay din. Si Billy at coleen na hindi mapaghiwalay, lalo na sila Karylle at Vhong. Kung sa bagay, buntis nga pala ang kapatid ko. Ayaw na ayaw ni Vhong na iniiwanan ito. Kesyo daw ganito, ganon. Kaya ayon laging nakadikit si pango. Hahaha pang asar ko lang yan sa kanya. Ilang days din kaming nanatili doon.

"Babe, masakit pa ba?"nag aalala kong tanong. Kaloka naman kasi tong asawa ko. Kung anu anong pinagkakakain. Kawawa naman tuloy ang baby ko. Maghapon na siyang hindi bumabangon sa higaan at pagulong gulong lang.

"Yes babe. It's still hurts."

Ano ba yan kahit may masakit na siyang nararamdaman, ang cute niya paring tignan. Yung mukha niya e parang batang naagawan ng candy tapo malapit nang umiyak. Kaya hinalikan ko siya sa ulo niya. Ang cute niya kasi e, di ko mapigilan. Sarap pisilin. Kung wala lang siyang masakit na iniinda.

"Here o. Inumin mo na tong medicine."sabay abot ko sa kanya ng gamot at baso ng tubig. Agad naman niya akong sinunod. Gabi na rin at buong maghapon siyang walang kinain. Hindi na nga ako pumasok sa trabaho dahil sa pag aalala sa kanya. Buti na lang at unti unti nang nawawala ang sakit ng tiyan niya.

Days passed so fast..

Alam niyo yung pakiramdam na ang dami dami ko na ngang karibal sa kanya kahit ako naman ang asawa niya? E tapos may dumagdag pa. Haays! Sino ba kasing Gong Yoo na yan? Halos mapuno na yung bahay namin ng pagmumukha niya. Sa kwarto, sala, CR, pati ba naman sa refrigerator si Gong Yoo pa din. Anak ng tae naman bes! Tindi din ng pagiging fan girl nitong misis ko e. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak. Akala ko pa naman may problema siya.

"Babe, are you okay? Why are you crying?"tanong ko at lumapit sa kanya para icomfort siya. Ako naman to si tanga, hindi man lang napansin. Nakatutok kasi siya sa laptop niya na umiiyak at sumisinghot singhot pa. Ayon! Nanonood lang pala ng koreanobela ang lola mo.

"E kasi naman babe, nakakaiyak tong pinapanood ko."humihikbing sagot niya sakin. Napaface palm na lang sa sinabi niya. Langya! Diyos ko Lord! K-drama is life. Nilamon na nga nang tuluyan. Kaloka.

"Kaloka ka babe. Akala ko kung ano na iniiyakan mo. Oh don't cry na, for sure magiging happy ending naman yan e." Anak ng timawa! Payuhan ba naman yung nilamon. Haays! Sakyan ko na nga lang.

"I know babe but I can't help it. Nakakaiyak lang kasi talaga. Hindi ko mapigilang umiyak. Kawawa naman ang Kim Shin ko." Aba't! Kim Shin ko talaga!? Hanggang sa mauwi kami sa bangayan. E kasi naman, mas gwapo naman ako diyan sa Gong Yoo na yan. Hindi kami nagpapansinan pero hindi naman namin hinahayaang matulog kami nang hindi nagbabati.

Lumipas ang araw. Ganon pa rin, Gong Yoo is life. Kaya ang ginawa ko nagbago ako nang style ng buhok at pananamit. Ganyan ko kamahal ang misis ko. Kahit mukha akong ewan sa itsura ko pero katagalan nagugustuhan ko na rin ito. In short, nilamon na rin ako. Sa sobrang ka adikan ng asawa ko ay nagawa pa naming lumipad patungong Hong Kong para sa AsianWorld-Expo na yan upang masilayan niya lang iyong si.. "Oh my God! My Gong Yoo!" With matching tili pa yan ha. Haays! Kainis! Ipasalvage ko yan e! Sarap ilagay sa sako tapos ipaanod sa ilog pasig. Nakakaasar!

Anne's Pov

When your friends get your fan-girl heart.

At yung asawa mong selos na selos na dahil sa pagiging fan girl mo. Haha He's so cute kaya kapag nagseselos. That's why I always make him asar. Haha kahit naman adik na adik ako kay Gong Yoo e, si vice parin naman ang Kim Shin ng buhay ko. Tawa ng ako nang tawa kasi sabi ko palitan na niya yung kulay ng hair niya. Yung pang kpop idol look. Asar na asar kaya siya nun. Haha pero at the end, sinunod niya parin ako. Halos nagdadabog nga siya noong time na yun e. Hahaha

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt