Welcome back, Back to back

305 6 0
                                    

Other's pov

Dumating na ang araw nang pagbabalik nila sa U.S. Busy ang lahat sa pag aayos at pag iimpake nang kanya kanyang iba pang mga gamit. Natapos na rin nila vhong and jhong ang Mga papeles na kailangan nilang tapusin. Si Anne naman ay saglit munang umalis para magpaalam kay Doctor Smith. Sa kabilang dako naman ay abala ring nag aayos Sina karylle at vice ng iba pa nilang gamit dahil ito din ang araw nang pagbabalik nila ng Pilipinas. What a coincidence di ba? Sinadya ba ng tadhana o plinano ng magjowa ( vhongrylle )? Hahaha Pero hindi nila alam na sa iisang eroplano lang pala ang sinasakyan nila at kahit ganon pa man ay hindi parin sila nagkita kita. Abala makinig ng music, maglaro sa gadget, mag emote habang nakadungaw sa bintana at higit lahat matulog.hahah

"Goodbye U.S of A, so long. Goodbye my angel I'm gonna miss you a lot." Siya yung tinutukoy kong nakadungaw at si anne sa bintana.

Billy's pov

I'm here right now at the airport para sunduin ang mga kapatid ko. Excited na ko dahil makikita ko na ulit sila lalo na si pangit. Haha namiss ko kasi yung makulit na yun.Hahaha

Tagal naman nila. Excited na ako lalo na sina mama and papa. Pero wala sila dito dahil may importante lang silang pinuntahan pero pinapasunod nila kami doon.

"Oh my God! Ate and kuya! I'm here!" sigaw ng isang babae. Halos mabingi ako sa kakasigaw niya. Kasi naman nasa tabi ko siya. Nakakabadtrip to ha.

"Hoy miss! Bunganga mo baka mapasukan ng bangaw, I mean langaw." pang aasar ko sa kanya. Akala mo nasa tuktok ng bundok kung makasigaw.haha

"Paki mo! Mukha mo mukhang bangaw! Tulad ng nakasulat diyan sa hawak mong sign board! Yung sa dulo. Tse!" Pagtataray niya sa akin.

WELCOME BACK PANGIT!

"Aba! Taray nito! Paki mo din miss masungit!" tugon ko sa kanya. Ang ganda sana ngunit masungit.

"Pangit!" ay wow! Sinong pangit? Pangit daw ako. Yabang nito ha.

"Sungit!"sagot ko sa kanya. Kung makapangit to. Maganda ka lang pero hindi ka ganon sobrang kagandahan.

"Pangit!" at talagang sumasagot pa ha. Putulin ko dila nito eh. Nakakinis.

"Aba! Lumalaban pa eh! Hoy! Miss masungit, takpan mo kaya yang mukha mo ng sign board na hawak mo para makita ng susunduin mo kesa bunganga mo ang ginagamit mo." pang iinis ko sa kanya. Akala niya ang prefect perfect niya. Mukha niya.

"Hoy! Mr pangit. I don't need your opinion! Ikaw naman kahit pa takpan mo o hindi yang mukha mo ng sign board na hawak mo , ganon parin ang ibig sabihin nun. Pangit! Makalayo na nga." ang yabang talaga nitong babaeng to. Buti pa nga.

"Oh baby sis! I missed you. Namiss ka ni kuya." tugon sa kanya ng isang lalaking matangkad at niyakap siya nito nang mahigpit. Lalaki pero nakaheels? Lalakwe ata.

"Oh bat ba ang init init ng ulo mo?" tanong naman ng isang babae na may hila hilang maleta at niyakap niya din si miss sungit. Baka ate niya.

"Eh kasi may ISANG LALAKI DIYAN NA PAKIALAMERO! SARAP ILAGAY SA SAKO!" pagpaparinig ni miss sungit sa akin. Nagpaparinig pa ha. Takpan ko yang bunganga niya makita niya. "Tara na nga ate and kuya. Sobrang namiss ko kayo." pagyaya niya sa dalawa. Buti naman at umalis na.

"Ay! Ganon ba. Hayaan mo na. Tara uwi na tayo." tugon ng lalaki sabay akbay kay miss sungit.

"Hoy! Pasabay naman diyan. Iniwan niyo ko." pasigaw naman na sabi nung isang babae.

Buti na lang umalis na sila. Maganda sana kaso masungit. Hay nako! San na kaya nga kapatid ko? Tagal naman.

Nakakapang gigil talaga yung babae kanina. Di parin ako makapag move on. Pangit daw ako? Ganda niya ha? Sarap niyang ipaLBC! Yung ilalagay sa kahon tapos ipadeliver mo sa malayong bundok. Ipagulong gulong mo pababa diretso ipaanod sa dagat at ipalapa sa pating. Yun sigurado, hindi na siya makakabalik dito at mababawasan pa ang Mga masusungit dito sa mundo.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon