KIDNAP NO RANSOM

353 8 0
                                    

Vhong's Pov

Andito ako ngayon sa site kasama ang misis ko at ang makulit kong bunsong kapatid. Ewan ko ba diyan. Laging nakadikit kay hon. Nagseselos na nga ako e. Alam ko naman na si Anne ang pinaglilihian niya pero lumipas na iyon dahil ngayon na ang kabuwanan niya. Sabi ng doctor niya, e anytime daw pwede nang manganak ang misis ko. Kaya nga hindi ako umaalis sa tabi niya. Kung nasaan ako, naroon din dapat siya. Pansamantala muna siyang tumigil sa pagtatrabaho dahil nga sa pagbubuntis niya. Kung sa bagay, okay na rin na laging nakadikit ang kapatid ko kay Karylle. Atleast papaano'y may doctor kaming kasama.

"Hoy kulit! Pasaway ka talaga! Bumaba ka nga diyan! At talagang nagsuot ka pa nang ganyan ha."sita ko kay Anne na ginagawang playground ang site.

"E kuya naman. Nag eenjoy pa ko e. Nakakamiss magswing no. Tsaka bakit kuya? Ang ganda nga ng suot ko e."nakangiti niyang sabi habang nagsuswing pa. Aist! Sumasakit ang ulo ko. Kahit kailan talaga, ang kulit. Nakakamiss din tong kakulitan niya ha. Nakakamiss yung kabataan days namin. How kulit she was noong bata pa kami. Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon may kanya kanya na kaming pamilya. Noon si Anne lang ang baby namin, ang baby ko. Ngayon I'm having my own child.

"Aist! Baba na kasi! Pag ako napagalitan ng bakla mong asawa, ikaw ang malalagot sakin. Hindi talaga kita pabababain diyan. Diyan ka na forever. Kaya bumaba ka na diyan! May swing naman sa bahay niyo ha. Doon ka na lang magswing. Kulit mo talaga kahit kailan!"

E kasi naman, ang kulit ng kapatid ko. Para naman akong baby sitter nito nang baby damulag. Yung misis ko naman tawang tawa pa. Haays! Sumasakit ang ulo ko.

"Sir, ito na po yung listahan ng idadagdag na materyales na kakailanganin natin."saad ng foreman ko. "Nakita na po ito ni sir Jhong."

"Ah okay po. Asan na nga ba yung mukong na yun?"

Nasan na nga ba talaga yung gagong yun? Tanghali na't wala parin.

"Ay nako sir, malilate raw ho siya. Nasa kabilang site pa po kasi siya."

"Ah ganon po ba? Sige ititext ko na lang po kuya."

"Ang kulit ho pala sir ng kapatid niyo no? Tsaka bukod po sa maganda na, ang bait pa po niya. Halos kinakausap niya ho kasi kaming lahat dito."

"Ah oo naman. Mabait talaga yan pero sobrang kulit kahit may asawa na. Isip bata parin."

"Nakakatuwa nga po siya e."nakangiti niyang saad.

"Hoy Anne! Baba na please! Baka dumating ang asawa mo. Patay ako neto."biglang balik ng atensyon ko sa kapatid ko. "Sorry kuya Jerry. Sige mauna ka na po doon sa taas, sunod na lang po ako. Pabababain ko po muna tong makulit na to."bigla namang natawa si kuya Jerry.

"Sige ho sir. Naalala ko tuloy yung mga anak ko sa inyong dalawa. Sige sir una na po ako."paalam nito sakin.

"Sige po kuya. Hoy kulit! Wag kang humiga diyan! Ang kulit mo talaga! Tayo! Aist!"saway ko sa kanya. Humiga ba naman sa sahig. Para talagang bata. Nilapitan ko ito at tinulungang itayo.

"Kuya naman e. Ang KJ KJ. Nagpapapicture pa nga yung tao e."habang nagpapagpag siya ng damit niya.

"Magpapapicture ka lang, humiga ka pa talaga sa sahig?"singhal ko.

"Hayaan mo na hon, nag eenjoy yung tao e."

Kinampihan na naman po niya ang makulit kong kapatid.

"Buti pa si ate Karylle."saad nito habang nakayakap sa likod ni hon.

"O anong nangyayari dito?"

Sa wakas dumating na yung chunggo. I mean si Jhong. Isa pa to e.

"Hoy! Jhonggo! Este Jhong. San ka galing ha? Di ka man lang nagtext or tumawag sakin."

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Onde as histórias ganham vida. Descobre agora