Tonight Im Fallen

374 5 0
                                    

"Surprise! Just For Tonight Part2"

Wow! Napakaganda mo parin tignan. " manghang pagkasabi nito habang nilalanghap ang sariwang hangin. " Sarap ng hangin." dagdag pa nito.

"Oo nga no. Ang ganda, sariwang ang hangin. Perfect kapag nagpapahinga ka." pagsang ayon ko sa sinabi niya.

"Sinabi mo pa! It takes away your stress."yung itsura niya nakaspread yung mga kamay niya at nakataas, nakapikit ang mga mata at dinadama ang sariwang hangin. Habang ako naman ay nakatitig sakin kanya habang nagsasalita siya. Ang ganda niyang tignan. Tignan ko lang siya napapawi na lahat ng inis, pagod at lungkot ko. Parang magic. 😄

"Ummm. Ano bang gusto mo sa isang lalaki?"tanong ko sa kanya. Curious lang ako.

"Ako?" Tanong niya sakin sabay upo niya sa bermuda grass. At nagsalita ulit siya. "Simple lang. Hindi ko kailangan ng mayaman o gwapo, ang mahalaga mahal niya ko." tugon nito sa akin habang nakatingala siya sa langit.

"Do you mind if I sit beside you?" tanong ko sa kanya.

" Yah sure."sagot niya sakin. Then umupo na ko sa tabi niya.

"Talaga? Yun lang?" tanong ko ulit sa kanya. At nagsalita ulit siya.

"Gusto ko yung taong sasamahan ako sa lahat nang trip ko." tumingin siya sakin. "Yung patatawanin ako kahit hindi ko na kayang tumawa. Yung mamahalin ako sa kabila ng negative kung pag uugali. Yung kahit napakalayo niyo sa isa't isa, gumagawa parin siya ng paraan para makasama ka." ang lalim naman nito. Tumingala ulit siya sa langit at nagsalita ulit. "Yung paiiyakin ka niya sa kakatawa. Yung kahit ang pangit mo pag gising mo sa umaga ikaw parin para sa kanya yung pinakamaganda. Yung umiiyak ka na, tumatawa pa siya. At kapag di mo na kaya, siya yung unang taong yayakap sayo. How about you?" sabay tingin niya sakin at nginitian niya ako.

"Ang simple ha.? Hehe. Ako? Simple lang din. Yung taong hinding hindi ako iiwan kahit marami pa siyang dahilan." oh hugot din ako no. Pero I mean it

"Wow! Ang lalim ha parang malulunod ako." tumawa siya ng malakas ngunit bigla siyang nalungkot at nagsalita ulit. "Mukhang yan lang ang isang bagay na hindi ko maipapangako sa isang tao." malungkot nitong tugon sakin habang bumubunot siya ng damo sa kinauupuan niya.

"Mas malalim sayo. Haha. What do you mean?" tanong ko sa kanya. Bumunot din ako ng damo at binato ko sa kanya.

"Para kang bata. Hehe" at binato niya din ako ng damo. "I mean, ika nga nila life is short di ba. Hehe. Ibinabagay ko lang sa ambience natin. Emote ba.hahaha" pabiro niyang sabi. Napatawa tuloy ako sa sinabi niya.

"Hahah baliw. Pero isa lang ang maipapangako ko, hinding hindi ako aalis sa tabi niya kahit ipagtabuyan niya pa ako." seryoso kong sabi habang nititignan ko siya.

"Ang swerte naman niya." tugon niya sa akin.

" Hindi ha. Mas maswerte ako sa kanya dahil siya ang makakasama ko at binigyan niya ako nang chance na mahalin siya. At sigurado ako kapag dumating yung araw na yun, siya ang magiging dahilan ng bawat pag ngiti ko." tumingin ako sa kanya. Yung titig na ni minsan hindi ko nagawa sa iba. Sigurado na ako sa nararamdaman ko, nung una akala ko kung ano lang itong nararamdaman ko but now I know, I think I'm fallen for her. I want her in my life. Gusto kong maging bahagi ng masaya at malungkot niyang mundo and I want to be, the man of her life.

"Naks naman! Ang sweet. Sigurado akong mas maswerte siya." pagpilit nito.

"Pero mas maswerte yung taong mahuhulog sayo at mamahalin mo." tugon ko sa kanya.

"Malas ng taong yun kung sakin siya mahuhulog." Bigla siyang nalungkot. Feeling ko may pinanggagalingan yung Mga hugot nito.hahah

"Bakit naman? Napakaswerte niya nga eh." tanong ko sa kanya.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora